It's a tuesday morning. Nasa Montreal Towers ako ngayon. I decided to join the painters club, ever since THOSE days, to make myself busy para I don't have to remember THE HAPPENINGS. Epic thing is, sa pagpaplano kong magpaka busy para makalimot ay mas lalo kong naaalala. Phew! I'm tired! Freaking tired! I freaking need a break from all this hurt.
"May balat ba ako sa pwet? Parang ikaw lang naman yung meron. Eh ba't ang malas ko sa pag-ibig? Tss", sabi ko sa katabi kong co-painter ko na hindi ko kilala. Lalake siya. Naka eye glasses. Mukhang nerd. Nerd nga yata talaga. Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko at yumuko. Sorry siya eh, mainit ulo ko ngayon.
Kinalabit ako ng best friend kong si Kara from my left side, "Huy Jill! Ang mean mo talaga! Tumigil ka nga", well of course, kung nasaan ang best friend, nandoon din ang best friend. She knows every single detail of what's happening in my life. Siya ang nag recommend sakin na mag join dito. And it helped me so much! I owe her a lot.
Baka naman sa puso ako may balat kaya ang malas ko sa pag-ibig. Geez. Ilang taon na ba ako? 16 palang naman. This shouldn't be a big deal to ages like mine, right? I shook my head and continued my artwork. Okay Jill. Stop the madness, will you?
Lumingon ako sa artwork ni Kara. Nakita kong nagpapaint siya ng ibon to what seems like a parrot to me. Natapos ako sa artwork ko at niligpit ang mga gamit ko. Tumayo na din si Kara, signal na tapos na din siya.
We're off to have some lunch at the mall. Morning class kasi kami sa painters club and since sembreak namin ngayon, pampalipas oras namin to. Oo sige, "pampalipas oras" nalang. Ayoko nang maalala na pumayag akong mag join dito para "makalimot".
God, 1 year na ang nakalilipas Jill!
I hopped in Kara's car, since wala pa akong sarili kong kotse at 16 palang ako. We decided na sa bahay ko nalang dumiretso at magpa-deliver nalang.
As soon as we reached my house, tumawag kaagad ako sa Sbarro for a delivery. Sa room ko kaagad kami dumiretso, my favorite place! It's got everything. Yung tipong ayaw mo nang lumabas ng bahay dahil andyan ang kasiyahan mo sa kwarto mo.
Bumaba si Kara para magtimpla ng juice. Nagpaiwan ako ng saglit sa room ko dahil bahagya akong nalunod sa dami ng notifications ko sa facebook. Umupo ako sa mini sala sa harap ng bed ko. Sa pagkakaalam ko, kahapon lang naman ako huling nag bukas ng fb ah?
Allaine tagged a photo of you
Third commented on a photo of you
Alexa tagged you in a post
Jezzer mentioned you in a comment
Gabby and 771 others liked your photo
Ito lamang ang mga notifs na kumuha ng atensyon ko. Ano nanamang trip nitong mga barkada ko? Ang dami ring friend requests. Anong meron?
Villegates Internet Cafe added you as a friend
Yung computer shop malapit sa school in-add ako? Sabagay, palagi akong andun eh. Napansin siguro nila. But how did they know my name? Anyway, i-aaccept ko nalang.
Kasama rin ako sa isang group chat named Chookstomeow. Hindi ko na kailangang isipin kung kanino to dahil alam na alam ko talaga!
Me: meow
Alexa: uy mads!
Alexa: outing daw tayo
Alexa: sama ka ha
Me: chookstomeow?
Alexa: miss kana namin
Me: where and when
Third: Seagrove. Di pa alam. May pasok pa kasi yung iba
Sean: roadtrip nalang kasi!
Troy: u dont even have a car
Third: kapmitchirokie!
Sean: makyu
Sean: yung cousin ko meron
Me: edi meron yung cousin mo
Third: habas? XD
Sean: tss
Sean: hihiramin ko kasi
Third: pikon nanaman XD
Me: kailan nga?
Me: im with Kara rn
Me: i'm gonna go tell her
Seen by Sean, Alexa, Third, Troy 11:42 AM
Me: bwct
Me: text niyo nalang kami
Me: 1 month naman sembreak namin eh :P
Me: okay?
Me: -____-
Seen by Sean, Alexa, Third, Troy 11:45 AM
Wala talagang magawa tong mga to. At kung bakit chookstomeow? Just some alien language that only Sean, Troy, Third and Pete know. Kahit closest friends ko sila, sumasakit ulo ko sa kakaintindi sakanila. At sa 3 years naming pagkakaibigan, up until now, bilang lang ang words na naiintindihan ko.
Tumingin tingin pa ako ng recent posts sa news feed. Napasinghap ako sa photo na nakita ko. Itong photo na to! Nakita ko na to eh. Si Patrice to nung fun run nila! Nilapit ko ang mukha ko sa laptop. Just enough to see clearly who posted it.
I suddenly felt my heart beat immensely.
Nanlaki ang mga mata ko. I am so shocked. Hindi. Ako. Makapaniwala!!!
'Miss independent ;) :*' ang nakalagay sa caption. At kung sinong nag post?
Kit Memorando
---end of chapter 1---
Author's Note:
Oh, naintriga ka? Haha. I need your comments guys. Kung may nakita kayong mali, or may suggestions kayo, please let me know! Thank you so much! Much love xx