Chapter 2

5 0 1
                                    

Author's note:

So! Finally! Seseryosohin ko na talaga to. Dami kong drafts dito, man! Anyway, gagawa ako ng prequel nito para clear sainyo yung history ni Kit and Jill. Ice ice?

aaaand i will try my best to make my updates much longer next time! So here's a short update for you guys. Hope u learn something from chap 2 *wink

-----

Gusto kong magwala.

Gusto kong magalit.

Gusto kong magalit kay Patrice. Mag kaibigan kami eh. Kahit hindi niya aminin na pinatulan niya si Kit, eh obviously sa post ay pinatulan niya nga. Kilala ko si Kit. Hindi siya magkakaroon ng guts na mag post ng picture ng babae na may caption pa with an emoticon of a wink and a kiss. When in fact, he never did that to any other girls. It was the first time. I am so shocked!

Gusto ko ring magalit kay Kit. Of all people! Why my friend? Bakit yung isa pa sa mga closest friends ko?! Nananadya ba siya?!

Naramdaman kong namumuo ang luha sa mata ko. Pero, no! Hindi ako pwedeng umiyak. Hindi ko hahayaan ang sarili kong mag aksaya ng oras sa pag-iyak because of the person who never deserved my love.

I closed my eyes. I breathed hard.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Naghalo-halong kaba, galit, kalungkutan, dismaya at higanti. Pero alam kong hindi tama.

Hindi naman kasi naging kami ni Kit eh. But I'm not as desperate and pathetic as what you think. Sinabi niyang mahal niya ako. Syempre, aasa ako. Maraming nakakaalam ng pag confess niya sakin. Marami kasing nakasaksi. Pero pagkatapos ng lahat, parang bula lang ang lahat ng nangyari. Nobody even understands me! Kahit si Kara. Na para bang planado ang lahat. Na para bang alam na nilang lahat maliban sakin na laro lang pala ang lahat nang to. And I received not a single warning from them.

Kinuha ko ang phone ko at agad kong tinext si Patrice. Malakas ang kabog ng dibdib ko. Kanina pa ako pinagpapawisan kahit na airconditioned naman tong room ko.

To: Patrice Fajardo
Is Kit hitting on you?

Kasabay ng paglapag ko ng phone ko ay pumasok si Kara sa kwarto.

"Akala ko susunod ka sa baba? Nagbake nalang din pala si Manang Jo ng lasagna. Ihahatid nalang daw niya dito pati yung juice", I just stared at her simula ng pagpasok niya dito hanggang sa pag-upo niya sa tabi ko. A blank stare, I guess. Bitbit niya ang dalawang boxes ng pizza. I think I saw an expression in her eyes. Napansin kaya niyang may problema ako?

Kumunot ang noo niya, "May nangyari ba?", narinig ko sa boses niya ang pag-aalala.

"U-uhm. Dumating na pala yung pizza", sinubukan kong gawing excited ang tinig ng boses ko. Pero hindi ko yata nagawa ng maayos.

Hinawakan ni Kara ang kaliwang kamay ko, "Jill. What are friends for?", she smiled at me.

Inikot ko ang laptop sa gawi niya. Tulad ng reaction ko pagkakita ko nun ay nagulat din si Kara, "What? Seriously?!", hindi makapaniwalang tanong niya sakin.

Nag beep ang phone ko and it was Patrice that texted.

From: Patrice Fajardo
Oo Jill.

Like? What. The. Hell?!

Yun lang? Hindi man lang ba siya magsosorry? Gusto ko sanang magreply ng 'Kaibigan ba talaga kita?' But I choose not to. Nag aaksaya lang ako ng oras.

I think I heard Kara say something about Patrice being the ugliest in our group. Na panget daw si Patrice inside and out. Kung hindi naman daw dahil sakin, hindi siya gaganda. Edi sinabi mo ding maganda siya. Hinampas ko siya ng unan. Ewan ko talaga sayo, Kara!

The Last PetalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon