Kababago palang ng new year at ang dami ng swerteng dumadaloy sakin, pati na nga yung kamalasan.
Isang linggo na ang nakaraan nung nag bar ako, at dina ako babalik sa bar nayun, kahit masaya dun nahihilo talaga ako, at ngayun na ako pupunta sa mansion ng Washinhton.
Ang sikat din pala ng mga Washington dito sa Quezon at Manila, kasi nakikita ko ang mukha ko sa billboard at mga ibang members ng mga Washington Family at Monteverde Family.
"Ma'am we're already here in the Washington states," tinangoan ko lang si Curb at nag maniho sya ulit.
So ito pala ang Washington states para syang village, may malaking gold gate at mayroong guard house.
"Welcome back Ma'am," ngiti ng mga guard kaya tumango nalang ako at sinarado ko ang bintana sa kotse at umandar uli.
Bumalik ang seryoso kung mukha. At dapat asal Korean CEO tayo rito noh.
Pag pasok namin sa gate, ang daming bahay ang na da-anan namin at ang yaman ng mga tao, may mga nag ba-bike na mga bata sa tapat ng bahay nila. May park din dito at ang linis din dito.Hay, napaka refreshing dito grabi.
Nag drive parin ang driver ko at napansin ko na habang pa-palayo kami sa village area ay wala na akung bahay na nakikita at puro malalaking puno nalang.
Maya-maya may nakita akong napaka laking Mansyon at grabi ang laki! Daig pa ang malakanyang! ano to? Castle!
Nakita ko ang kulay gold na gate at pagpasok namin dun ay bumungad sakin ang napaka laking bahay at ang green field.
"Ma'am were here, at the Washington Mansion," sabi ng driver, kaya bumaba na 'ako sa sasakyan.
Bumuntong hininga muna ako. At nilagay ko ang buhok ko sa likuran ko at tumingala ako sa nag lalakihang mansyon.
Na pag mamayari ng target kong si Drain Washington, at ang mayari ng Washington State at Washington Mansion.
'Isak-sak mo sa utak mo Paw, na nandito ka para paibigin at ibahin ang ugali ng may ari ng bahay nato na si at pag nahulog sya sayo at may nangyari na sa inyong dalawa iiwan mo sya at hindi kana babalik pa,' sabi ko sa sarili ko at inayos ko ang puting coat ko at ang black shades ko at taas noo akong pumasok sa loob ng mansyon.
New year, New life, New attitude and New beggining.
And the action starts now.
Naglakad ako papalapit sa malaking dalawang pinto na brown, at nang makapasok ako ay bumungad sakin ang malaking gold chandelier at ang hagdan na left and right, grabi ang laki rito. At ang ganda pa!
Siguro may elevator to dito? Mukha ngang 5 floor's tung mansyon nato eh.
"Mabuti Iha, at naka balik kana halos hanapin kana ng buong tauhan ng Mommy at Daddy mo pati narin ang mga tauhan ni Don Bernardo, ni hindi ka 'raw nag papabalita o tumawag man lang. Nag aalala na kami sayo, prero buti nalang at umuwi kana. San kaba galing? Dyos ko sayong bata ka kinakabahan na kami rito. Buti nalang talaga at tumawag yung taga airport last week na nakauwi kana raw, at halos yung mukha mo na ang pinag chi-chismisan mgayon," sabi ng matandang babae na nerbyos na nerbyos ang mukha at hinahawakan pa ang kamay ko pero nginitian ko nalang sya.
"San kaba galing Iha? Bat ka hindi nag paramdam ng anim na buwan? At nung nakaraang linggo hindi ka dumiritso rito?" Parang naiiyak na sabi nito kaya nagulat ako.
"W-wag po kayung malungkot manang, nag vacation lang po ako, pumunta lang naman ako sa Cebu para makapag isip," aabi ko at hinahawakan ang balikat nya.
"Oo, na hindi na 'ako malulungkot, ikaw kasing bata ka pinag aalala mo ako, pero sana nag pa balita karin," sabi nito.
"Oo, sorry po talaga," ngising sabi ko sabay kamot sa ulo ko at maya maya nag seryuso nanaman ako.
Hinubad ko ang shades ko at nilagay ko ang kamay ko sa tyan ko, at bumalik ako sa pagiging seryoso at tumingin ako sa babaeng mid-50s, na sa pagkaka alala ko ay sya si Manang Cecil.
"So how was the house, Manang? Okay lang bariito? Wala bang nangyari?"
Im not really good at act, kanina lang para akung nagpapatahan ng matanda ngayun serious mood nanaman.
"Wala namang nag bago Iha pero sa tingin ko ikaw lang ang nag bago, nung umalis ka rito wavy ang buhok mo pero ngayun straight na, naging puti ka lalo at higit sa lahat tumaas ka," sabay hawak ni Manang sa balikat ko.
"Oo manang, nag pa straight ako sa buhok ko at pinagupitan ko narin. Alam kung tumaas din ako at pumiti. Salamat sa compliment Manang, binola nyo pa 'ako." Sabay bungis-ngis ko.
Pumiti talaga ako kasi pinainum ako ng gluta ni Pauline noh.
Kaya balaik nalang tayo sa seryuso mood Paw ha.
"Ah, nga pala manang, nasan si Drain? Is he here or n-"
Naputol ang sinabi ko nang may boses ang nag echo sa buong mansyon at tiningnan ko kung nasan yun nang galing at nakita ko ang lakaking nasa hagdan na slow motion na bumababa.
Sya ang...
Target ko, sya si Drain Washington, ang nag-iisang apo ni Don Bernardo. Napaka gwapo nga nya ang tangkad din, naka office attire sya na kulay navy, at ang ganda ng pagka gupit ng buhok!
YOU ARE READING
His fake wife
RomanceTRAILER 'Can you be my Husband's fake Wife? And make him deadly inlove with you.' 'I'll give you a big amount of money, but just be my husband's fake wife for the main time. Please help me Ms. Paw.' Noong nag kita kami ng asawa nyang bilyonaryo sa...