CHAPTER TWO

176 3 2
                                    

NAPAPAILING si Elyza habang ikinukuwento ni Michelle ang nangyari kahapon. Nasa tambayan sila ng barkada. Sa isang mahabang bench ay nagkukuwentuhan sina Shiela at Lerma—dalawa pa nilang close friends. Sa kabilang bench naman sila nakaupo. Naghihintay sila ng bell para sa susunod na klase. Hindi lang sinasabi ni Elyza pero alam ni Michelle na naiirita na rin ito sa ginagawa niyang pagpapapansin kay Migo.

          "But I'm sure, bhez. He didn't mean to offend you or something," ani Elyza para marahil ay maibsan ang kanyang lungkot. "Kilala ko si Migo. He's a good man. Mukha lang mayabang pero hindi naman."

          Tinaasan ito ng kilay ni Michelle. "Ako lang naman talaga ang pinapakitaan niya ng gano'ng attitude, eh. He's just trying to be nice but I know that's his subtle way to warn me to stop annoying him. I'm sure, kung kasama kita kahapon ay hindi papayag 'yon na hindi tayo sumabay sa kanya."

          "Bhez..."

          Ngumiti siya. "Don't worry, bhez. I know naman na malinaw sa 'yo na hindi mo siya gusto pero feeling ko, gusto ka pa rin ni Migo at kumukuha lang 'yon ng timing."

          "But like I've said, wala akong feelings for him."

          "Eh, di bongga! Okay lang din na ituloy ko ang kagagahan ko."

          "But don't you think it's about time na kalimutan mo na si Migo?"

          Umiling si Michelle. "I don't think so. Ngayon pa? Malay mo nagpapapansin lang talaga ang mokong na 'yon? For all you know, strategy lang niya 'yon," pagkumbinsi niya sa sarili. Marahil nga ay nababaliw na siya.

          "Eh... ang alam ko ay may girlfriend siya sa Engineering Department?" Deretsong nakatingin sa mga mata niyasi Elyza.

          Pakiramdam ni Michelle ay yumungyong ang maitim na ulap malapit sa kanyang ulunan dahil sa sinabi nito. Narinig na rin niyang usap-usapan iyon sa campus. Minsan na rin niyang nakita si Migo na may kasamang babae sa cafeteria.

          She knew the girl. Sarah Abelardo ang pangalan ng babae. Ito ang representative ng Engineering Department sa gaganaping Miss SPU. Kung iyon nga ang tinutukoy ni Elyza ay makakalaban niya si Sarah sa korona ng pagandahan sa susunod na semester.

          Kinalabit siya ni Elyza nang natahimik siya. "Hey...are you okay?"

          Itinaas ni Michelle ang noo. "Oo naman. Eh, kung si Sarah lang din naman, di-hamak namang mas maganda ako sa babaeng 'yon. Mahaba nga ang legs niya, puro buto naman ang tuhod. Hindi gaya ko na medyo may laman. Masarap haplusin..." Hinaluan na lang niya ng joke ang sinabi para maibsan ang tila pait na gumuhit sa kanyang dibdib. "At saka baka hindi sila kasi... kasi... kung sila na... eh, di dapat kasama si Sarah kahapon sa debate match. Wala naman siya doon to support Migo." She was trying to console herself and to control the sudden flow of emotion deep within her.

          Bakit ba ganoon? Bakit kailangan niyang maramdaman ang matinding lungkot sa narinig? Dati naman siyang mabilis magkagusto sa lalaki pero madali ring mawala. Nakailang boyfriends na nga siya. In fact, first year high school pa lang ay nagkaroon na siya ng boyfriend. At sa maraming pagkakataon ay siya mismo ang nagpapakita ng interes sa mga ito.

          Kakaiba ang nangyari kay Migo. Magdadalawang taon na itong pinapa-charming-an ni Michelle pero wa epek pa rin. To the point na marami siyang iginive up na paboritong pagkain para lang pumasa siya sa panlasa nito.

          Ano pa ba? Ano pa ba ang gusto ni Migo? Para tuloy gusto niyang maiyak.

PILIT ang pagsasaya ni Michelle sa araw na iyon kahit umuukilkil sa kanyang utak ang sinabi ni Elyza tungkol kina Migo at Sarah. Hindi naman siya puwedeng magmukmok dahil lang doon. Ayaw niyang ipakita sa lahat na apektado siya kahit pa marami ang nakakaalam tungkol sa kanyang nararamdaman kay Migo. Marahil nga ay pinagtatawanan siya ng ilan sa mga kakilala niya. But inside, she was crying out loud.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 15, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Bubbly Girl (Soon To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon