Chapter 2

81 4 3
                                    

Jennifer's POV

"Okay, Class. I hope this year will be memorable for all of you. Remember to pay attention to your studies... Class dismissed." Ms. dela Cruz said her expectations and messages for all of us. Hay. I will miss high school.

Inayos ko na yung gamit ko. "JC!" Hindi ko siya pinansin. Natandaan ko yung marathon namin kanina. Kaloka. Ang bilis niya tumakbo, hindi ko tuloy siya nahabol. Pwede naman kasi siyang bumili.

"Ito naman parang Piatos lang yun e. Hayaan mo bibilhan kita mamaya." After he said that my face lit up and stared at him. I want to know if he's lying or not.

"Talaga?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Syempre. I would never break a promise." Sabi niya at ngumiti. I held out my hand and extended my pinky. I still believe in pinky promises. I know it sounds childish but who cares. I believe in it.

He intertwined his pinky finger with mine and smiled. "Promise?" I asked. "Promise!"

"Let's go!" He messed up my hair. Maiinis sana ako kaso naalala ko bibilhan niya ko. Pinabayaan ko nalang siya at inayos ang buhok ko.

-

"JC, ilan ba gusto mo?" We are now outside the campus. And as promised, he will buy me my favorite snack.

"Tatlo."

"Gusto mo ba magkaroon ng bato sa kidney? Grabe ka, JC!" Natawa naman ako sa naging reaksyon niya.

I laughed at what I said and his reaction. It was a joke, okay? Kahit naman favorite ko yun hindi ako kakain ng ganun kadami.

"Joke lang! Isa lang." Sabi ko. Natatawa parin talaga ako.

"Akala ko tatlo talaga e." Napakamot siya ng ulo at ngumiti. Sinabi niya na rin kay ateng nagtitinda. Eto naman si ateng nagtitinda titig na titig kay Ulap. Gusto atang tunawin. Kaya kailangan pang ulitin ni Ulap yung sinabi niya.

Buti naman at bumili na nang sarili niyang Piatos si Ulap. Pag siya talaga nakikuha pa. Mabait naman pala tong lalaking to e. Pwede na.

'Pwede na' meaning?

Meaning okay lang siya maging kaibigan. Hindi talaga siya flirt. He is really nice. Isipin mo first day pa lang may libre ka na. Oh diba?

"Tara na?" Tumingin ako sa kaniya at tumango.

Same subdivison lang din pala kami. Walking distance lang. Pag umaga sasabay ako kay Kuya tapos pag uwian pwedeng mag tricycle nalng ako lakad.

"Kakanan na ko. Salamat nga pala ulit."

"Ah. Dito ka na pala. I'll remember that. Sige. Ingat ha. Your welcome." Naglakad na ako palayo. Kinawayan ko siya at ngumiti.

-

"How's your first day, Princess?" I'm so happy. Tumawag sila Mama at Papa. It's like I haven't heard their voice for so long eventhough they just called last week.

"Masaya po! Maganda po yung school at may bago po akong kaibigan." I happily said. I miss them soooo much. Sana makauwi na sila agad.

"Really? Who is your new friend?" Tanong ni Papa.

"Si Cloud po. Nilibre ako ng Piatos. Oh diba. May taga-libre na ko."

"So hindi pala kaibigan. Ka-ibigan pala." I heard Kuya said. Tumabi siya sakin at tinabig ako. "Oy! Hindi kaya." Tinabig ko siya ng malakas.

"Chad, niloloko mo nanaman yung kapatid mo. Princess, iba ang nagpalibre sa nilibre ha." Sabi ni Mama.

"Niloloko niya po yung sarili niya." Sabi naman ni kuya Chad. I'm sure iba na ang topic namin ngayon. Tsk. Hindi ko nalang siya pinansin.

Bestfriends Lang Kami!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon