♪ ♫ Track 01: ALAALA ♪ ♫
VALEEN's POV ***
♪ ♫ Alaala ... alaala ...
Alaala ... alaala ... ♪ ♫August 23 na naman.
Number 23...Isang memorable na number para sa akin...
Matapos kong maligo ay talagang nagpaganda at pabango ako. Mabuti na lamang at pumatak sa Saturday ang araw na ito. Sakto kasi walang pasok sa school. Malaya kaming makakapagkita ni Vince. Siya ang aking boyfriend. Napaka-importante ng araw na ito.
August 23...First anniversary namin...
♪ ♫ Araw-araw ay naghihintay sa yo
Dala-dala ang pangarap na hindi nabuo ♪ ♫Sa park na madalas naming tambayan namin ito icecelebrate. Kung saan nangyari ang lahat ng memorable moments naming dalawa ni Vince. Dito kami nagkakilala, laging nag-uusap. Dito sa lugar na ito rin siya nagtapat ng pagmamahal sa akin at syempre dito ko rin siya sinagot.
♪ ♫ Bawat alaala mo'y nagbabalik
Hindi pa rin malimot ang mga sandali ♪ ♫Umupo ako sa bench. Nakuha ang pansin ko ng dalawang babaeng nag-uusap sa bench na nasa katapat ko lamang.
"Grabe iyong ghost hunting namin sa old gusali sa Street 06. Katakot!"
"What? You guys make punta there?"
"Yup naman! So exciting kaya!"
BINABASA MO ANG
P-Pop Love Stories (Completed)
RomanceSongs that capture our hearts. Stories that will capture your heart...