Track 02: ANONG NANGYARI SA ATING DALAWA?

19.4K 488 124
                                    

 ♪ ♫ Track 02: ANONG NANGYARI SA ATING DALAWA? ♪ ♫

XERUN's POV***





 ♪ ♫ Ikaw ang pinangarap
Ikaw ang hanap-hanap  ♪ ♫



Masaya kami noon ng babaeng mahal ko. Ganoon naman talaga yata kapag start pa lang ng isang relationship. Matamis...Parang hinog na mangga. Masarap sa una pero kapag napabayaan mo na...Nabubulok. Hindi naman sa sinasabi kong "nabubulok" na ang relasyon namin pero mukhang doon na rin ang punta noon...



Nakakalungkot lang isipin na wala naman siyang ginawang masama at mali pero hindi ko alam ang talagang dahilan kung bakit ko gustong makipag-break sa kanya...Six years na ang relasyon namin.

Bakit ngayon pa? Marahil ay nagsasawa na rin ako sa araw-araw naming routine...



Routine...Dahil paulit-ulit na lamang...



Gigising.



Phone calls...



Magkikita...


Papasok sa trabaho...


Sabay na uuwi...


Phone calls...Hanggang sa makatulog.




 ♪ ♫ Ngunit bakit nagbago ang lahat
Ang init ng pagmamahal
Parang naging salat  ♪ ♫

P-Pop Love Stories (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon