JACK's POV
Cassey Dayle Enriquez, 18 y/o. Maingay, makulit, matalino, maganda at kikay ?. Maganda talaga si Cass, madaming nanliligaw sa kanya pero ni isa e wala siyang sinagot. Baka may hinihintay siya. Mapili din kasi ang isang yun eh.
CANTEEN
CASS's POVGrabe 'tong bestfriend ko! Kung makasubo ng pagkain wagas. Akala niya maaagawan e. Parang hindi siya babae kung kumain.
"Hoy Jack! Are you sure na kaya mong ubusin yan?" Tanong ko sa kanya.
"O- -o nyaaman! " Sagot niya na puno ng pagkain ang bunganga.
"Baka ma-turn off ung manliligaw mo." Asar ko sa kanya.
"Manliligaw? Are you kidding me?" Tanong niya sabay tawa habang sumusubo.
"Ano ka ba naman Jack. Look at me." Ani ko sa kanya
Agad naman siyang tumingin sa akin gamit ang suplada niyang titig.
"So what now? I'm looking at you Cass." Iritado niyang sabi.
"Oh come on! Can't you see? Dapat ganito ang mga suot mo. Pangkikay Jack. Hindi parang emo. " disappointed na sabi ko sa kanya.
"Hinding-hindi mo ako mapapasuot ng ganyan. No thanks." Taas noo niyang sabi.
"Bakit ba? Bagay naman sayo pag ganito ah." Tila nangungumbinsi kong sabi.
"Nevermind Cass. So, ano ulit section mo?"
"Hay nako! Kaw talaga. By the way pareho tayo ng room." Sagot ko nalang.
"Nagbell na ba?" Tanong niya.
"Not yet. Hey, tignan mo ung guy Jack. He's looking at you." Sagot ko at ng mapansin ko ang lalaking nakatingin banda namin.
"He's not looking at me, sayo siya nakatingin." sabi naman ni Jack na halatang naiirita.
"No, its you!"pilit ko naman.
"Ikaw nga ang kulit naman nito, ika ikaw ikaw! Hindi naman ako tulad mo Cass eh." Sagot niya.
"Like me? What do you mean Jack?"Naguguluhang tanong ko.
"What I mean is I'm not pretty like you Cass." paliwanag naman ni Jack.
"Hay, You're pretty naman kasi eh!" sabi ko habang nakangiti.
"Don't joke around Cass." iritang sabi ni Jack.
"I'm just telling the truth Jack, I mean it. You're Pretty." Ulit ko. Wala kasing siyang tiwala sa sarili eh. Hmp!
"Cass stop it!"-sigaw ni Jack na halatang galit na.
"Okay fine. Whatever." Sabi ko nalang ng matahimik na ang kaluluwa niyang emo.
I forgot! Ngayon pala ay first day of school namin. Same university kami pumasok kasama si Jack.
Ako ri'y nagtataka kung bakit ayaw magka boyfriend ni Jack. Hindi naman siya lesbian. Babae siya, babae talaga. Ngunit hindi ko pa nakikitang nainlove na ang bestfriend ko.
Siya si Jackstin Dylanne Frentez, 18 y/o. Mabait, maganda, matalino, simple at mayaman. Mabait siya, pag mabait ka sa kanya.
Maganda, sabi namin sa kanya pero nagagalit siya. Matalino, kung ako ay nag aaral para maging matalino, siya hindi na. Gifted eh.
Simple, pero sobra naman ang pagkasimple niya. At mayaman, pero hindi magastos. Hindi ko talaga maintindihan si Jack, kasi ang feeling niya eh pangit siya but the truth is maganda naman siya pero hindi niya lang pinapakita.
Nung Prom nga namin nung highschool kami e siya ang Ms. Prom. After non, tinapon niya na yung sash tsaka crown niya. Well, to the rescue ako kaya pinulot ko. Sayang yun. Remembrance niya yun kaya tinago ko nalang.