DISCLAIMER: the scenario, characters, and places in the story are all for fictional and literary purposes. Any names or similar stories used are not intended by the author.
This story contains documents with adult language and content. It is not suitable for anyone under the age of 18 and may not be suitable for all adult readers.
:)
"Baks, saan ka? Party tayo? Nabuburyo na ako sa apartment ko," Malambing na ani ko kay Omar na kaibigan ko.
[Can't tonight, baks, dami work e.] aniya.
"Tangina! 'Yan din sinabi mo saakin last week!" bulaslas ko, "Sayang naman at maraming pogi doon." Pekeng napabuntong hininga ako.
[Alam mo, ang trabaho ko makakapag-antay pero ang mga pogi hindi! Mag-ayos ka na, baks, kita nalang tayo sa bar!]
"Tamo! Hindi makakatanggi sa pogi!" sabi ko bago niya ibaba ang tawag.
Mabilis akong nag-ayos ng sarili para makapunta na agad sa club. Expected ko na nandoon na agad si Omar dahil malapit lang naman ang opisina niya sa club.
"Kanina pa ako andito!" Hinila niya ang buhok ko.
"Pasensya ka na! Kung saan-saan kasi ako dinala ng taxi na nasakyan ko. Kesyo shortcut daw pero ang dami naming nilikuan!"
"Bobita ka kasi! Lapit-lapit lang ng apartment mo rito sa club, nagtaxi ka pa!? Talaga ba, Lai Anne!?" Diin niya sa pangalan na ayaw na ayaw kong tinatawag saakin.
Inikutan ko siya ng mata, "Alam mo, kahit kailan leche ka."
"Paano ba naman kasi, Baks! Ilang taon na ang nakakaraan hindi pa rin mawala-wala ang pagiging mapait mo sa pangalan mo na binigay niya." Mahina niya akong tinapik sa braso ko.
"Baks, hindi naman kasi madali ang magmove on lalo na siya ang first ko sa lahat!" Napaupo ako sa bar stool sa tabi niya.
"Yun nga e, ayaw mo kalimutan ang mga first mo sakanya! Give chance to others naman, andami napila sa'yo," sinuklay-suklay niya ang buhok ko.
"Ayoko, Baks. Okay na ako mag-isa." ani ko.
"Alam mo kung may award ang pagiging bobita, ikaw na ang panalo!" Napailing-iling siya, "Okay na raw mag-isa pero kapag nalasing sasabihin hindi kaya mag-isa at kailangan mo siya! Bobita!"
Dinuro ko siya, "Ikaw kanina ka pa! Kanina mo pa ako sinasabihang bobita!"
"Totoo naman kasi, atleast nga honest ako sa'yo e."
"Hindi ko nagugustuhan 'yang pagiging honest mo." Tinalikuran ko siya para umorder ng inumin ko. Usual order ko ang blue lemonade cocktail.
Muntikan na mabuga ni Omar ang iniinom niya dahil sa tinitignan niya. Sa reaksyon niya palang ay alam ko na kung ano ang nakita niya.
YOU ARE READING
What if?
FanfictionPaano kung bumalik ang greatest what if mo? Leslie Villeza was still in love with her greatest Love Raffael Abuervo. Will she say hi? No? or she'll ignore him?