:)
"Good morning, pretty!" Bati saakin ni Raffael na nakaharang sa hallway.
Nasa likod ko si Omar at parang kinikiliti ang puwitan niya sa kilig. Maging ako ay kinikilig kapag binabati ako ni Raffael tuwing magkikita kami, ang isang 'to ay nag-aantay nalang na sagutin ko siya.
"Good morning din." sagot ko pabalik at tinatago ang kilig na nararamdaman.
"Nag breakfast ka na?" tanong niya.
"Hindi siya nagbreakfast dahil nalate siya ng gising!" si Omar ang sumagot kaya tinapunan ko siya ng masamang tingin.
"Sakto! May dala ako para sa'yo," Inangat niya ang isang paper bag at tinapat iyon sa mukha ko.
Kinagat ko ang gilid ng aking pisngi. Nasa lalake na 'to ang lahat ng hinahanap ng mga babae. Gwapo, matangkad, maputi, matalino, mabait, mapagpasensya, marunong maghintay, family oriented, may sense of humor, gentleman, marunong kumanta at sumayaw, at higit sa lahat may takot sa diyos. Diba! andaming katangian ng lalaking ito!
"Kain ka na muna," binigay niya saakin ang paper bag at tinignan ang wristwatch, "Maaga pa at wala pa ang prof niyo."
"Salamat," Kagat ibabang labi kong tinanggap ang binigay niya.
"Una na ako!" Paalam niya at tumakbo papuntang hagdan dahil sa iba ang building ng mga psychology students sa amin.
Malawak ang ngiti ni Omar ng umupo siya sa tabi ko, "Ikaw na talaga, Baks! Grabe haba nang hair mo dun!"
"Naman! Ako 'to eh!" Maarteng hinawi ko ang buhok ko.
"Matanong ko lang, baks, kailan mo siya balak sagutin?" Pag-iiba niya.
Nilabas ko sa paperbag ang binigay niya saakin na pagkain. Isang microwaveable iyon na may lamang sangag na kanin na may itlog at longganisa, my favorite!
"Huy! Kailan nga?" Tinapik ako ni Omar.
"Sa totoo, Baks, 'di ko alam. Ayaw ko naman madaliin kasi gusto ko muna magfocus sa pag-aaral ko at sa career ko." sagot ko.
"Hoy, Leslie Anne, tatlong taon na nanliligaw sa'yo 'yung tao. Baka naman pinapaasa mo lang 'yang si Raffy-Raf!" aniya na hawak pa ang tinidor at ginamit iyon pangduro saakin.
Nilayo ko ang tinidor saakin dahil baka masira ang maganda kong mukha, "Gaga! Wala akong balak. Baks, masyadong perpekto si Raffael saakin at dahil doon hindi ko siya binabusted. Naghihintay lang ako ng tamang panahon para sagutin siya."
"At kailan 'yun?" Tinaasan niya ako ng kilay.
"Sa graduation." mahina kong sabi.
"Sa graduation!?" Ulit niya sa sinabi ko pero malakas iyon.
YOU ARE READING
What if?
Hayran KurguPaano kung bumalik ang greatest what if mo? Leslie Villeza was still in love with her greatest Love Raffael Abuervo. Will she say hi? No? or she'll ignore him?