PANGANAY SUMMARY

7 0 0
                                    

Hi ako ay si janella ang panganay saaming tatlong magkakapatid, isa akong nagaaral at nagtratrabaho sa maynila, nagpapadala ako ng pera sa mga kapatid ko at sa nanay ko ngunit hindi ko alam ang nangyayari sa probinsya namin nung nasa maynila pa ako. Tuwing nagpapadala ako minsan ng pera, ang aking inaakalang nagagamit nila ang pera sa tama sa aking pinapadala. Si nanay ang inaasahan ko upang makapag aral ng maayos ang aking mga kapatid ngunit hindi ko akalain na napababayaan niya na ang aking mga kapatid at mga halaman na iniwan samin ni tatay nung namatay sya. Ang aking mga kapatid ay si jazlyn, Juliet at jane at ang aking nanay ay si nanay jona.

Si jazlyn ang ikalawang panganay sa aming magkakapatid. Si jane naman ang hindi ko kadugong kapatid hindi ko alam na siya ang humahawak ng aking pinapadalang pera at tumataguyod din saaming pamilya at şi Juliet naman ang bunso naming kapatid sya ang pinakamabait sa aming magkakapatid at sa kanya ko lang din naramdaman yung pagmamahal na lagi niyang pinaparamdaman at sya rin ang laging kumakamusta saakin tuwing naguusap kami sa facebook, si nanay naman ang gumagawa ng mga bagay na hindi dapat nya gawin, sya rin ang umuubos ng aking mga pinapadala para lang may ipangsugal, siya at hindi niya alam kung gaano kahirap mag trabaho ng hindi sila nakikita,

Biglang isang araw nabalitaan ko nalang na nagkapatong patong ang mga inutang ng aking ina at sa sobrang galit ko ay napauwi ako sa probinsya at kinausap ko ang aking nanay at ang aking mga kapatid ni-hindi ko alam kung bakit ako pa ang sinisisi ng aking nanay sa mga nangyayari. Umaasa akong gumanda ang aming buhay ngunit sa isang iglap nagka wasak wasak ang aking mga pangarap para sa kanila. Tinatanong ko sarili ko kung nararapat ba lahat ng pinaparamdaman ng aking pamilya. Walang araw na hindi ko sila napabayaan, walang araw na hindi ko sila pinapadala ng pera minsan.

ww Nung araw na kami ay nagkakagulo na at nagkaroon ng problema, napaisip isip ako na kupkupin nalang ng tita ko sa maynila ang aking mga kapatid at bigyan si nanay ng magandang trabaho din sa maynila habang ako naghahanap ng matitirahan namin sa maynila.

PANGANAY (IN A PROGESS)Where stories live. Discover now