Third Fang

50 1 0
                                    

Kinabukasan ay maaga akong nagising.. I'm wearing a thin, long, cotton, angry bird shirt and a cycling short. Hay nakakaloka kasi ang mag bra kung matutulog. Pasakit sa buhay.

Tumayo na ako at nag simulang mag lakad pababa ng hagdan..

"Ma.." Sabi ko habang kinukusot ang mata at hinihilamos ang kamay ko sa mukha ko habang pababa ng hagdanan namin.

Wag kayong mag alala.. Kabisado ko ito. 10 hakbang pababa na diretso at 5 na pababa sa kanan.

"Nako naman, anak!" Biglaang sagot ni Ma at dahil sa gulat ko ay napabaligwas ako sa gitna ng hagdan at napabukas ng malaki ang mata ko

At duon ko nakita ang 3 tao na karesperespeto ang mga itsura. Isang babaeng maganda na waring kasing edad lang ni Mama at ang dalawang lalaki na kaedaran ko na gwapo... Matitipuno.. Yummy--

Ay! Bastos kang bata ka! Ano ito? Start your day with ley-bug? Kaloka.

"A-ah" sagot ko kay Ma habang nakamulat ng malaki ang mga mata ko na pabali balik ang tingin kay Mama, sa babae, sa dalawang lalaki at kay Nia na nasa gilid at nakatingin lang sa akin na parang sinasabihan ako ng 'seryoso ka bang babae ka?'

"Akyat at mag bihis! Nako may mga binata, anak! Wala ka pang shorts!" Napapraning na sabi ni Mama

"A-ah! Meron po! M-maikli lang.. Sige ho." Sabi ko bagi kumaripas ng takbo papakyat sa kwarto ko.. Mukhang sumabay sa pag karipas ko ng takbo pataas ang pagtaas ng init papuntang mukha ko.

Nakakahiya!!!

Nag suklay ako at nag suot ng comfy shorts na medyo mahaba haba na at nag palit ako ng white shirt at may bra na ako this time.

Dahan dahan akong nag lakad pababa at ang unang sumalubong sa akin habang nag lalakad ako pabababa ay ang mga tingin nila sa akin. Yumuko nalang ako.

"Luto na, Zusane! Mga bata! Halika na.." Tawag ni mama.

Lahat kami ay pumunta na sa hapag kainan at nag simula nang kumain

"Enjoyed your sleep, Primrose?" Tanong ng babae sa akin

Nanigas naman ang katawan ko sa itinanong nito sa akin "A-ah. H-ho? Okay naman po. Sorry ho sa itsura ko kanina" paumanhin ko.

Napatingin naman ako sa dalawang binata na nasa tabi ng ginang. Ang isang binata ay nakangiti at mukhang nag eenjoy naman sya dito sa akin samantalang ang kanyang kapatid naman ay nakabusangot ang pag mumukha at kulang nalang ay may mga letrang bumurda sa nuo nito na ang nakalagay ay 'mas gugustuhin ko pang lamunin ng lupa.'

Kumain na ako ng mag salita si mama "Ay. Anak nakalimutan ko. Ito nga pala ang iyong Tita Zusane at ang mga binatang kasama nya ay ang kanyang mga anak"

Napalingon nanaman ako sa mga tao na kaharap namin sa mesa. "Hi po Tita Zusane" wari ko habang nakangiti. Lumipat naman ako ng tingin sa dalawang binata.

Waaaaaah! Anong sasabihin ko?

"Uy. Hehe"
"Uh. Hi?"
"Yo"
"Sup"
Waaaaah! Masyado kang marupok! Marupok!

Lihim na pag ka praning ko sa aking sarili. Kumurap akonng ilang beses at nag salita

"Hi." Bati sabay ngiti

Nag taas naman ng kamay ang lalaking masiyahin "ako si Byron Dash.. They call me Dash. Nice to meet you, Primrose" kinuha ko naman ang inalok nyang kamay at nakipag shakehands

Ang pormal nila..

Napatingin naman ako sa kapatid nito nanh bahagyang sikuhin ito ni Dash. Umirap naman ang lalaki.

His Official QuencherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon