Ayesha Pov.
Sabi nila kapag daw nag transfer ka at first day mo. Marami daw ang gustong makilala ka at gustong maging kaibigan, ngunit sa kaso kong to mukhang mali ata ng sinabi si Tita Melanie.
Kung bakit ko nasabi yun?
Dahil kanina pa ako nakaupo rito sa classroom namin ngunit wala man lamang nagtangka na lumapit at nakipagkaibigan sakin.
Napabuntong hiningi na lamang ako. Kung sana nakinig lang sina mama at papa sa pakiusap ko sa kanila na huwag na akong magtransfer, edi sana wala akong problema ngayon.
"Hii? Transferee ka?!"
Napa angat yung mukha ko ng may biglang nagsalita sa harap ko.
Maaliwalas ang kanyang mukha at sobrang tamis ng kanyang pagkangiti. Narinig ko siyang humagikhik.
"Ako nga pala si Flory May Martin. Ikaw?"
"A-Ayesha Montero." Nahihiyang saad ko. Ngumiti lang ito.
Mukhang tama nga sila?
"Ang ganda naman ng name mo. Bagay sayo."
"Salamat." Ngumiti ako ng matipid.
Maya maya pa ay nagsiupuan lahat ng kaklase ko, nang dumating na ang guro namin.
"Good morning class, I am Aira Velasquez, ako ang inyong guro sa Filipino."
"GOOD MORNING MA'AM!" Sabay nagming saad na nakatayo.
"Ako din ang inyung adviser sa taon na ito. At gusto ko na sa subject ko, na walang gagamit ng ibang wika. Maliwanag?!" Mataray nitong saad samin. Pero nag-english siya kanina? Tss.
"Opo ma'am!" Saa naming lahat.
"Mabuti kung ganon, kaya kumuha kayo ng ¼ na papel at ilagay ang inyong pangalan, edad, at kung saan kayo nakatira."
"Ma'am? ¼?" Si Flory.
"Kakasabi ko lang na ¼!" May inis na saad ni Ma'am Aira.
Kaya napapahiyang yumuko na lamang si Flory. Lalo pa't tinutukso siya ng iba pa naming kaklase dahil doon.
Natapos ang maghapon na walang ibang ginawa kundi magpakilala sa harapan. Medyo nahihiya pa ako sa kanila ngunit mukhang mababait naman ang mga kaklase ko at mas napansin ko na kunti lang kaming mga babae sa klase.
Mahina ako sa lahat ng subject, hindi ako matalino ngunit hindi rin naman ako bobo, masasabi ko na sakto lang ako.
*****
Dumating ang lunch break kaya lahat ng mga kaklase ko ay nagsitayuan na.
Ako nalang ang natira.
Hindi nadin kase ako pinansin ni Flory lalo pa't ang dami nyang kaibigan at mukhang close na silang lahat sa isa't isa.
"Kakain kana?" Napatingin ako sa nagsalita sa gilid ko.
Siya yung lalaki na ang daldal kanina, pinagalitan pa ito ng guro namin sa Science dahil di matikom ang bibig.
"O-Oo."
"Kung ganoon sabay na tayo, kakain na din kase ako." Masayang saad nito tsaka inilapag sa katabi ko na upuan ang dala niyang baon.
Panay ang sulyap nya sa akin habang kumakain kami. Kaya nakaramdam tuloy ako ng pagkailang.
"Saan ka nag aral dati?" Tanong niya habang ngumunguya.
"Sa Dela Cruz High."
"Maganda ba doon?"
"Oo."
"Kung maganda nga doon, bakit ka lumipat dito sa Althea High School?"
"Maganda din naman dito."
Yun nalang ang tanging nasabi ko. Nakakailang sa pagka't nakatuon ang paningin nya sa akin, hindi ko tuloy halos manguya ang kinakain ko.
Dumating ang hapon at umuwi na kaming lahat sinundo ako ni kuya Jade.
"Kamusta ang first day mo sa school?"
"Okay naman kuya."
"Mabuti naman." Ngumiti siya sa akin.
"Kailan ba uuwi si Papa?" Natigilan ito sa tanong ko.
"H-hindi ko alam, pero ipapa alam naman sa atin ni mama kung uuwi si Papa."
"Paano kung hindi na umuwi si Papa? Tsaka alam ba nya na lumipat na tayo ng bahay kuya?"
"O-Oo naman bakit naman hindi nya alam." Natawa ito ng konti.
Hindi ko alam kung bakit nagbago bigla si Papa samin. Isa siyang Doctor sa Spain. Tig anim na buwan sya kung umuwi dito sa Pilipinas ngunit nito lang huli hindi sya umuwi samin.
At natatakot ako na baka pag umuwi sya, hindi na niya kami makita pa.
End of Prologue
*************
YOU ARE READING
Kahit Saglit lang
RomanceSi Ayesha Montero ay isang simple lang na babae. Masiyahin, mabait at matulungin sa kanyang kapwa. Kasalukuyan siyang nasa Ika-10 Baitang ito ng di niya akalain na matatagpuan na niya ang kaniyang pag ibig kung pag ibig nga ba ang tunay niyang naram...