Napatingin ako sa school bago ako pumasok.
Napakalaki talaga ng school namin. Malalaking buildings, air conditioned rooms, good facilities. Katabi sya ng isang simbahan. Catholic school kasi to.
Ako nga pala si Lalaine Benedicto. Nag-aaral sa Caysasay Academy. 15 years of age. Grade 9 lang ako. Inabot kasi ako ng K12 eh. I came from a rich family. Well, isa ang pamilya namin sa mayayamang pamilya dito sa bansa. Kami ang may-ari ng BNV (Benedicto New Voyage), isang yatch destination. Halos kami ang may-ari ng 14 na yatch dito. Kami din ang may-ari ng BSR (Benedicto Summer Resort) at marami pang iba. Kasi nga, mayaman kami.
Ganda nya talaga.
Si Lalaine yun ah! Mayaman daw yan tol.
Matalino pa. Tsaka sobrang bait.
Yes! Totoo yun. Matalino ako. Hindi naman katalinuhan, pero hindi ako nawawala sa honor roll.
In-on ko na yung cellphone ko muna yung cellphone ko since maaga pa naman. 2579 unread messages, 970 missed calls. Grabe! Dami. Hindi naman ako ganoong kasikat sa school, pero sikat ako tsaka friendly lang siguro. :)
Biglang nagring cellphone ko.
Katy calling . . . .
Inaaccept ko yun call.
"Besty!" sigaw nya. Namiss ko tong bestfriend ko. Tagal ko na syang hindi nakakausap.
Si Katy Marasigan. Sya ang bestfriend ko. Since high school ko syang naging bestfriends. Magkasosyo din sa trabaho parents namin. Parang na ngang kaming kambal nito eh.
"Besty!" sigaw ko naman pabalik.
"San kana? I'm here na sa school, waiting for you."
"Dito na. San tapat ka? Pupuntahan kita."
"Nasa quadrangle ako."
"Sige, otw na." tapos in-end call ko na.
Hindi pa naman masyadong madaming tao. Maaga pa naman kasi. It's only 6:35. 8am pa start ng klase. Hinanap ko si besty. Habang hinahanap ko sya, tumama ang tingin ko sa isang lalaki. Nilapitan ko sya.
"Uhm. Excuse me? Kanina mo pa ako tinitingnan. May problema ba?" nakatingin parin sya sakin.
"Kapal naman ng mukha mo. Bat naman kita titingnan?" sabi nya sakin. Aba! Sa ganda kong to!
"Eh sino?"
"Ewan ko sayo. Iwan mo nga ako!"
"Stupid." bulong ko sa sarili ko at naglakad na.
Agang aga, badtrip. Psh! Maya-maya pa ang nakita ko na si besty. Nilapitan ko sya. Sa likod nya ako dumaan para gulatin sya.
"Bulaga!" sigaw ko habang nakatalikod pa sya.
"Ayy! Kabayo! Besty!" niyakap namin ang isa't isa. Syempre namiss ko to.
"Makakabayo ka naman. Sa ganda kong to?"
"Ginulat mo kasi ako." sabi nya na natatawa.
"Bat ka natawa?"
"Ikaw ha, sinong yung kausap mong lalaki kanina? Akala mo hindi ko kita? Nako! First day, meron na agad?" habang tinuturo nya yung lalaking sobrang sungit.
"Ahh. A stupid guy."
"Maka-stupid ka. Transferee yun."
"Transferee? Maka-asta. Hindi ba nya ako kilala?"
"Transferee nga diba? Malamang hindi tayo kilala nyan. Balita ko, lapitin yan ng chicks. Gangster." sabi nya habang natatawang nakatingin sakin.
"Yun? Inang! Gayuma."
"Grabe ka naman. May itsura naman."
Sabagay, may itsura nga sya. Matangkad, slim, gwapo. Pero BASTOS. Napaka! Nakakapanggilaiti. Hindi pala gwapo. Mukhang aso. Hahaha!
"Tara na nga!" hinila ko sya at naglakad lakad na kami.
Habang papasok na kami ng room, nakita ko na naman siya. Kasama ang sikat na mga gangsters sa school. And guess what, pumasok sila sa room namin. Kaklase ko sya at palagi ko syang makikita. F*ck!
Hi Lalaine!
Ganda nya talaga.
Yeah, I know. Maganda ako. Hindi na nila kailangang ipagkalag pa. Hezhez. Pumasok na kami sa room ni Katy. Magkaklase kame. Malakas kasi family namin sa school na to. Officer kasi noon si Mommy dito.
Pagpasok namin sa upuan namin, nakita ko si 'Stupid Boy'. Nagtama ang tingin namin. Inirapan nya ako. Aba! Who is he para gawin sakin yun? Damn! Nakakasura!
Sino nga ba si Stupid Boy? Hmmm.
- elynbrst. 💋