001

203 3 0
                                    

CHAPTER ONE: THE INTRODUCTION TO THE WORLD OF THE DATING APP.

_____________________________

ANAIAH MARITHE LOPEZ

Natatawa ako sa naaasar na mukha ni Heaven habang pinapanood kaming maglandian ni Kyle sa harap niya.

“Ang landi niyo, mabundol sana kayo nang truck mamaya pag naglakad kayo sa gilid nang kalsada.” Aniya, tumawa naman ako bago ito hiritan.

“Pano kami mabubundol eh nasa gilid nga kami.” Natatawa kong rebat dito.

“Che! maghihiwalay din kayo, itaga mo sa bato!” padabog itong tumayo sa plastic chair na nasa harap namin ni Kyle at papadyak padyak na nag walk out.

Napasapo naman ako sa noo ko, lagi naman kasi s'yang ganiyan, bitter.

Tuwing may date kami ni Kyle lagi ko siyang sinasama kasi gusto ko siyang sanayin sa labas.

Si Heaven kasi ay yung tipo na hindi mahilig lumabas sa unit niya, taong bahay s'ya eh.

Minsan naiisip ko, tao ba talaga siya or bampira?

Charot.

At one more thing, nbsb din siya. Gusto ko sana siyang kumbensihin na mag boyfriend, o hindi kaya retohan ko siya nang papi dyan sa tabi tabi.

Feeling ko naman hindi siya interesado sa mga relationships kaya hindi ko siya titigilan hehe.

“Love? let's go?”

Hindi ko na pala namalayan na nakatulala ako habang pinagmamasdan si Heaven na humahakbang palayo samin.

Nabalik lang ako sa ulirat nang magsalita si Kyle.

I sighed, tinanggap ko ang kamay netong nakalahad upang alalayan ako tumayo.

“Okay, let's go somewhere else.”

______________________________

HEAVENLY GRACE de DIOS

Pagkapasok ko sa bahay ay bumungad sakin si mommy na nakaupo sa sofa habang nanonood nang tv.

“Oh umuwi kapa pala. Saan ka galing, ‘nak?” Aniya.

“Lumabas lang saglit.” Aniko at hindi na siya pinansin, pumunta nako sa kwarto ko.

My god, nakakapagod na araw nanaman.

Pagkapasok ko sa kwarto ko ay sinara ko ang pinto’t humilata sa kama’t nag browse nalang sa SocMed.

Ampota, puro mag-jowa lumalabas sa newsfeed ko lately.

Lord sign na ba to na mag jowa na ako?

Joke, ayuko.

Nakakabaliw pala kapag mag isa kalang lagi no? Sobrang boring nang buhay bilang only child.

Lumipas ang ilang minuto na nakaharap ako sa cellphone ko ay dinalaw ako nang antok at aksidente kong nabitawan ang phone ko.

_______

Napaigtad ako nang may naramdaman akong mainit at maliwanag na tumatama sa mukha ko.

Ininulat ko ang mga mata ko't napagtanto na umaga na pala.

Shit.

Nakatulog akong hindi naghapunan at nagbihis?

Dali dali akong pumunta sa banyo at nag ayos, sakto namang paglabas ko ay may kumatok sa pinto nang kwarto ko.

“Nak! bumaba kana! nandito sila Kyle at Anaiah sa living room, kanina kapa hinihintay.” Aniya.

“Wait lang po ma!”

Putangina ang aga aga nandito nanaman yung malanding mag shota na yon.

Hindi ba sila nagsasawa sa pagiging thirdwheel ko sa dates nila? Sabagay, sila naman nag aaya at isa pa, libre ang foods kaya tiyak na mabubusog ako.

Pagtapos kong magbihis ay bumaba na ako, kitang kita ko nanaman ang harutan nila habang nasa sofa sila.

Dito pa talaga sa pamamahay ko sila maglalandian?

Ganyan ba talaga kapag may jowa ka? Kung saan saan nalang kayo maglalandian?

Tumikhim ako at patuloy na naglakad papunta sa direction nila, napansin nila ako't tumigil na sila sa paghaharutan.

Amp, buti naman.

“Oh? ano nanamang kailangan niyong dalawa sakin?” Kunware naiinis kong saad.

“Kami na nga itong kusang dumadalaw sayo dito susungitan ko pa kami, grabe ka naman.” Ani Anaiah.

“Ano ba kasing pinunta niyo dito? Bakit kayo nandito?” Tanong ko.

“Guess what..”

Naiinis kong tiningnan si Anaiah sa sinabi niya, mukha bang gusto ko maglaro nang hula hulaan?

“Sis, may ire-recommend akong dating app sayo.” Aniya’t kinindatan ako.

I raised my left brow at her.

“Kung ‘yan lang din naman pala ang pinunta mo dito aba eh umalis na lang kayo kung ayaw niyong pagbuhulin ko yang mga atay niyo.”

Dire-diretsong saad ko habang nakatingin din nang diretso sakaniya.

Tumayo ito sa pagkakaupo sa sofa’t hinawakan ang magkabilang balikat ko.

“Trust me, sis. Legit ‘to. I promise!”

“Lumayas na kayo nang boyfriend mo sa harap ko.”

Naiinis kong saad at pinagcross ang dalawa kong kamay.

May nilapag siyang card sa harap ko’t nagsalita, “Call that # kung nakapagdesisyon kana, friend.”

Huling aniya’t hinila ang boyfriend niyang nakaupo sa sofa't lumabas na sila sa bahay.

Sa aking kuryosidad, kinuha ko ang card at binasa ang nilalaman nito.

Do you want a boyfriend in just one snap of a finger?

Well, this service is for you! Call the # below for more details about your future boyfriend.

FJS: THE LOVE APP

“find your true love in just one snap!”

Hotline #: 09123456789


REVISED VERSION.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 12, 2024 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Dating App Where stories live. Discover now