PROLOGUE

3 0 0
                                    

Nasa dagat ako ngayon lagi ako nandito dahil gustong gusto ko ang hangin dito at iniintay ko ang sunset. Tuwang tuwa kasi ako kapag naka kakita ako ng sunset, para nga daw akong bata kapag naka kakita ako nun.

"Rosie!" sigaw ni mommy sa akin

Lumingon ako hawak hawak ko ang buhok ko nakalimutan ko ipitan ang sarili ko. Ano bayan!

Nginitian ko si mommy at kinawayan ko ito ganun rin ang kaniyang ginawa. May katabi siyang lalaki hindi ko kilala, bago niya ba itong kaibigan? Bakit ngayon ko lang nakita ang kaniyang mukha? Infairness ha gwapo siya! Mukha siyang artista siguro anak ito ng artista.

Lumalapit sila sa akin at ganun rin ginagawa ko. "Anak si Martine pala." pagpapakilala sa akin ni mommy, nag ngitian kaming dalawa kaso bakit parang kakatapos niya lang umiyak?

"Hi ako pala si Rosie! Masaya ako na nakilala kita Martine." inalok ko ang kamay ko sakaniya ngunit tinititigan niya lang ito ng matagal.

Inalis ko na dahil nakakangawit hays! Bakit ayaw niya makipag shake hands sa akin?! Hindi naman madumi kamay ko!

"Anak hindi mo ba siya naalala?" tanong sa akin ni mama.

Sabay tingin ako sakaniya, e ngayon ko nga lang nakita pag mumukha niya. Paano ko siya maalala? Sino ba siya?

"Anak si Martine first love mo."

"First love po?"

It's too late to love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon