LUMANG PISO PARA SA PUSO

125 1 0
                                    

"Susmaryosep! Ano ba namang itong bahay na ito?"

Frustrated si Alexandra pagkakita niya sa itsura ng bahay.

Ang bahay na tinirhan niya ay hindi siya ang tunay na may-ari

Sa lola niya iyon na isang taon pa lamang pumapanaw

Dapat ang tiyuhin niya ang nakatira roon dahil ito ang rightful owner, subalit ayaw nito sa probinsya.

Sa maynila ito nagtaTrabaho at doon na kasalukuyan naninirahan kasama ang pamilya nito

Kaya naman mag-isa na lamang siyang nakatira sa lumang bahay

Ang mga magulang niya ay matagal nang nag final bow sa mundo.

May kalakihan din naman ang bahay, iyon nga lang ilang bagyo na lamang ay bibigay na iyon

wala nang natirang gamit na may value dun puwera nalamang siguro sa refrigerator na malakas sa kuryente at TV na hanggang channel 13 lamang ang naaabot

ang mga capiz na bintana ay butas-butas na, tinapalan nalamang iyon ng mga karton

ang bubong naman, kapag umuulan ay may tumutulo na

gustuhin man niyang bumili ng gamit para sa bahay o kaya ay ipaayos iyon ay wala rin naman siyang pera

Clerk lamang siya sa munusipyo at kulang na kulang ang sahod niya para sa sariling pangangailangan

isama pa ang bayad sa kuryente at tubig buwan-buwan

Inalis niya ang kurtina sa bintana

Puti iyon nuon pero ngayon ay nangingitim na

"Saan ko kaya ibababad ito? Sa wais na sabon o sa mamamahaling bareta?"

Napailing siya sa naisip.

LUMANG PISO PARA SA PUSOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon