Ang Chikahan :)

50 0 0
                                    

"Hoy Alex! Kumuha ka naman sa Avon"

alok ni Cedes, ang kasamahan niya sa munusipyo na tinaguriang walking supermarket

maraming anak ang babae kaya naman lahat yata ng pwedeng ibenta ay ibinibenta nito mula produkto ng Avon hanggang sa tocino at longanisa

"Naku! Cedes wala akong ibabayad sa iyo"

"Sige na, three gives naman ito" pamimilit pa nito.

"Kahit twenty gives pa iyan, wala talaga"

"Itong Sara Lee baka gusto mo? Mayroon din akong Natasha" :)

"Puwede bang one hundred gives?" Tanong niya rito ^_^

Tila nainis naman ito "hmph. Bahala ka na nga riyan" -_-"

Tumuloy ito sa ibang kasamahan at doon nag-alok

napailing si alex (wala na yata itong natatapos na trabaho)

Maya-maya ay lumapit sa kanya si lolita, ang Tsismis Queen! Ultimo janitor ng munisipyo ay iniintriga nito

"Hoy Alex! Alam mo na ba ang latest chika?" ^_~ tanong nito.

"Siguradong malalaman ko na" >:\

Inis siya rito at hindi niya mapigilang maging suplada

Ayaw pa kasing mag Showbiz, tiyak maluluma si Boy Abunda rito

"ikaw naman! Nandiyan daw sa ibaba si konsehal magtulis. Pupuntahan ka yata. May dalang bulaklak" ^_^ at tila kinikilig pa ito

LUMANG PISO PARA SA PUSOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon