Chapter 3

16 0 0
                                    

Silent Healing: Chapter 3









"Dai!" bungad ko kay Kendra at tumabi sa kaniya. "What if sabihin ko na crush ko siya ulit?" nanlaki ang mga mata ni Kendra dahil sa sinabi ko.

"Sabi ko na nga ba! Tama nga ako." Napatabon siya sa labi at hindi alam ang sasabihin.

"What if lang, dai! 'Wag kang OA."

"Pero bakit biglaan?" kunot-noong tanong sa akin ni Kendra. "May nangyari ba?"

"Dai, one week vacation ang nangyari syempre wala."

"Oo nga. Malay ko ba at baka nag-chat lang kayo buong bakasyon o 'di kaya may nangyayari ng video call sa inyong dalawa ha."

"Hala tanga! Wala. Nilagnat ako after ng examination kaya wala akong update kahit kanino."

"Napansin ko rin, dai, na hindi ka online no'ng bakasyon. So, okay kana ba ngayon?"- Kendra.

Mabagal akong tumango at pilit na ngumiti. "Oo naman."

Napatingin ako sa labas ng classroom nang makarinig kami ng ingay. Alam kong sila na 'yan dahil kilala ang section nila na pinakamaingay sa buong campus. Pasimple akong tumingin sa kay Andy pero agad rin akong napaiwas ng tingin nang mapansin si Jasper na nasa loob ng classroom nakatingin.

"Dai, mukhang hinahanap-hanap ka ni Jasper." asar sa akin ni Kendra pero inirapan ko lang siya at hindi pinansin.

Maganda naman ang simula ng klase pagkatapos ng bakasyon,'yon nga lang hindi na ulit ako nakipag-usap kay andy kahit na sa chat.

"Dai, submit ko lang 'tong project kay Ms. English." paalam ko kay Kendra na busy sa pagkopya ng assignment sa Math.

"Sige, dai."

Habang tinatahak ang daan patungo sa faculty room ay isang maliit na ngiti ang gumuhit sa labi ko nang marinig ang huni ng mga ibon sabay sa paghampas ng hangin sa mga dahon sa puno na gumagawa ng makalmang ingay. Tahimik kasi ang lahat ng estudyante dahil may kani-kaniya silang mga klase. Mabuti na lang at vacant ng teacher namin sa English kaya makakapasa pa ako ng project.

"Mau!" Napahinto ako sa paglalakad at nilingon ang tumawag sa pangalan ko. Ramdam ko na naman ang panlalamig ng mga kamay ko nang makita si Andy na may dala ring folder. "Papasa ka rin ng project sa English?"

"Ah. Oo." Pilit akong tumawa ng mahina dahil hindi ko alam kung ang sasabihin. Piste. Bakit ba nagkakaganito ako kapag siya ang kausap ko?

"Sabay na tayo." tumango na lang ako sa kaniya dahil wala naman akong sasabihin sa kaniya. Mabuti na lang at malapit na lang kami sa faculty room kaya hindi ko na kailangang makipag-usap sa kaniya.

"Good afternoon, Ma'am." sabay naming bati ni Andy sa English teacher namin.

"Yes?"- English Teacher.

"Papasa lang po kami ng project." sabi ko.

Agad namang kinuha ng teacher ang project namin, mabuti na lang at pwede pang ipasa. "Wait, sabay na tayo pabalik."

Nagulat ako ng akmang lalabas na ako ng pintuan ng magsalita si Andy. "Okay." napapikit ako ng mariin dahil pinag-iisipan ko na kaagad kung ano ang pwede naming pag-usapan, hindi naman pwedeng iwan ko siya dito at mauna.

"Let's go." ngumiti ako sa kaniya at tumango ng matapos na siya. "Napansin ko na hindi ka nag-online no'ng bakasyon. So, how's your vacation?"

"Okay lang namann, 'yun nga lang nilagnat ako ng ilang araw." sagot ko sa kay Andy.

"I see."

"Ikaw. Kumusta ang bakasyon mo?"

"Okay lang din naman.I slept all day."

"Wow. Same." natawa kaming dalawa. "So any update sa inyong dalawa ni Shella?"

"We're just friends."

"Weeh?"

"Totoo nga."

Pilit akong tumawa dahil sa reaksyon niya, if I could just read his mind.

"Dai, what if bumalik ang feelings ko sa 'yo?" tanong ko sa kaniya ng hindi namamalayan.

Napatawa siya. "Okay?"

"What if lang, dai."

"Okay. What if bumalik ang feelings mo sa 'kin?" napaisip siya ng ilang segundo bago siya magsalita ulit. "Then I would ask first 'why me?'."

"Bakit ikaw?" bahagya akong napayuko at natahimik. Aminin ko man o sa hindi alam ko sa sarili ko na hindi ko makita ang reason kung bakit siya sa lahat ng lalaking ka-close o kakilala ko. Ilang araw, gabi ko ring inisip kung bakit siya ang nagustohan ko pero hindi ko talaga mahanap eh.

Naalala ko pa no'ng first time kong magkaroon ng crush, naging crush ko lang naman ang taong iyon dahil matalino siya, ang ikalawang naging crush ko naman ay babae na matalino rin. Mas lalo pa akong napaisip nang ma realize ko na wala namang something special sa kaniya kung ikokampara ko sa mga naging crush ko dati.

"Dai, kung 'yan ang itatanong mo sa 'kin hindi ko 'yan masasagot kasi to be honest hindi ko rin malaman ang reason kung bakit ikaw." sabi ko kay Andy.

Natahimik kaming dalawa ng ilang segundo bago siya magsalita ulit. "What if crush ka rin ng crush mo?"

Natawa ako sa tanong sa akin ni Andy kahit na ang totoo ay kinilig ko ng konti. "'Di wow."

"By the way, can you give clues about your crush right now?" kahit na nagdadalawang isip ako kung bibigyan ko ng clue si Andy ay wala na akong nagawa dahil may parte rin sa akin na gustong malaman niya na may nararamdaman pa 'ko sa kaniya.

"Sure." ngumiti ako sa kaniya. "Same kayong dalawa ng thoughts at feelings."

Mas lalo pa akong napangisi nang mapansin na unti-unti siyang ngumisi. "Are you sure?" tumango ako sa kaniya.

Mayamaya ay natawa na lang kaming dalawa dahil sa katahimikan. Malapit na kami sa mga kani-kaniya naming classroom. "Pero totoo, hanggang ngayon."

"Can you tell me why?"

"Update kita kapag nahanap ko na ang reason." natawa kaming dalawa hanggang sa marating namin ang pintuan ng classroom namin.

"But you know what? I also did." napatigil ako sa pagtawa at gulat na tumingin sa kaniya. "Crush ka rin ng crush mo." sabi niya bago tuluyang pumunta sa classroom nila habang ako ay naiwang nakatulala sa kawalan, pilit na prinoproseso ang sinabi niya.

"Kaya pala ang tagal mong bumalik ha." bungad sa akin ni Kendra.

"Dai." humarap ako kay Kendra at pilit na kinakalma ang sarili. "Feel ko na na-crusback ako."


-YayaVan

Silent HealingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon