"Jusko, paano?" Nakakita na naman ako ng babaeng naiyak. Pati ba naman dito sa mall, meron?! Nilapitan 'ko siyempre. "Hi." Umupo ako sa tabi niya.
Hindi siya nagsalita.
"Knock knock." Sabi 'ko ulit
"Who's there?" Tumingin siya sa'kin. Namamaga pa ang mata niya.
"Civil war." Nae-excite tuloy ako sa knock knock 'ko, eh.
"Civil war who?"
Tumawa muna ako sabay kumanta. "Civil war ang tunay na mahirap~ Civil war ang tunay na may malasakit~"
"Huh?" Naguguluhang tanong niya. Ay hindi nagets! Isa pa nga.
"Knock knock. Sarreh sarreh." Ngumiti ako at ngumiti rin siya. Iba talaga kapag gwapo! Walang effort pero napapangiti ang kababaihan.
"Sarreh sarreh who?"
"Bahay kubo.. kahit munti.. ang halaman doon ay sarreh sarreh." Tumawa ulit ako at inabutan 'ko siya ng panyo.
***********
Thank youuu! :*
ulitin ko po, sa lahat ng hindi pa nakakabasa ng DS, nasa external link pwoehzxc :**