HIT AND RUN.
Unang papasok sa utak mo yung aksidente na Hit and Run.
Matapos banggain ng di sinasadya, iiwan nalang basta basta.
Hindi ka pananagutan.
Tinakasan nila yung kasalanan nila.
Yung mga taong 'yon, duwag sila.
Hindi sila tumatanggap ng pagkatalo.
Hindi din nagbabayad ng kasalanan.
Sinaktan ka tapos tatakbuhan ka lang.
Ang galing no?
Pero, hindi Hit and Run na aksidente yung tinutukoy ko.
HIT AND RUN SA PAG IBIG!
Getching mo na?
HIT.
- kasi bigla bigla ka nalang makakaramdam ng kung ano sa taong yun.
Hindi mo alam kung bakit mo sya nagustuhan.
Biglang BOOM! Mahal mo na agad.
Handa kang ibigay lahat ng meron ka para sa kanya.
Kahit alam mong mali ginagawa mo.
Kasi mahal mo sya, kasi alam mong mahal ka nya.
- HIT! Kasi wala kang dahilan kung bakit mo sya minahal.
Bigla ka nalang binangga ng kakaibang damdamin.
Yun na! Mahal mo na sya.
Minsan nga magugulat ka pa.
Hahahaha!
Yun yun eh.
Bigla ka nalang magmamahal ng tao.
RUN.
- Alam nyo yung binigay mo lahat lahat tapos hindi naman pala papahalagahan.
Sabi di ka iiwan.
Pero nasan ka?
Sabi mamamatay daw sya kapag nawala ako sa sistema nya.
Puta. Kapeng kape na ko oh. O baka naman nakaburol ka na?
Nakaburol sa kama ng ibang babae. -.-
Nangako na mamahalin ka ng walang hanggan.
Tangina! Nasan ka na ngayon?
Nasan na yung sinasabi mong walang hanggan?
Tangina! Inaamag na yung 'walang hanggan' mo!
Nangako, hindi naman tutuparin.
Nagbitaw ng salita, hindi naman pala kayang gawin.
Manloloko diba?
Matapos mong mahalin, tatakbo lang sa ibang babae.
Ginamit ka lang.
Pinaglaruan.
Sinaktan.
Inabuso yung pagiging mabait mo.
Alam nyo yung pakiramdam diba?
Aminin mo teh, nangyari na sayo to no?
Na HIT AND RUN ka na rin ba sa pag ibig?
---------
Pasensya na. May pinaghuhugutan eh.
Joke! Nakita ko lang sa isang Kanta.
Comment sa gusto makarinig.
Saka bigay na din kayo ng magandang Topic. :)
> Jaycee<