PROLOGUE

22 2 0
                                    


*Third person POV.*

"Isang kuko ng seberian dog,

tatlong buhay na gamo-gamo,

Buto ng elepante,

Laway ng buwaya,

Isang buhok sa singit ng itim na pugita,

Isang daliri ng puting fairy,

Isang tinik ng cactus,

Ngipin ng pinakamatandang fairy,

At last mata ng kwago."


Pagkatapos niyang ilagay lahat ng sangkap sa isang malaking kalan inihalo niya eto at nagsalita naman ng mahika.

"Fathing totolemas utotretas summong lutomedas korinsenuas dilaksj kshoalsak yiamamkkalsko ushosmnakaoe skowkaoeut
Libelive tomupasyolanki shoklanvosh."


Pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang iyon ay lumiwanag ang buong kabahayan.


Sa kabilang dako naman ay masayang nagkekwentuhan, nagkakantahan, at nagsasayawan ang mga vampira at mga fairy ng bigla silang natigil dulot ng nakakasilaw na liwanag na nangagaling sa bundok summiterin.


Lahat sila ay napapikit dahil sa sobrang liwanag at nang iyon ay natapos pinuntahan naman nila kung saan ang nakakasilaw na liwanag na iyon.


Pero bago iyon may narinig naman silang pagsabog na nagmumula sa kalangitan iyon ay mga kwitis kaya napunta naman ang kanilang atensyon doon hanggang makalimutan nila ang kaninang liwanag sa itaas ng bundok.

xxxxxxxxxxxxxxx

Pagkatapos ng ilang minutong nakakasilaw na liwanag kumuha ng isang bote si Matilda upang ilagay doon ang fusion na makakapagbigay buhay muli sa kanyang minamahal na kapatid.


SI Matilda ang namumuno sa mga black fairy dahil siya nalang ang nagiisang pinakamalakas sa kanilang uri na dati ay ang kapatid niyang nakakatanda na si Micaela.

Ngayon ay bubuhayin niya gamit ang kaninang ginagawa niyang fusion ang kapatid niya.

Namatay ang kapatid niyang si Micaela dahil sa pagsaksak sa kanya ng nakakalasong kutsilyo na kahit sino pwedeng mamatay kahit man eto ang makapangyarihan sa lahat at ang sumaksak noon ay ang traydor na matalik nilang kaibigan dati dahil sa isa rin palang sakim si Domea.


Gamit ang pakpak niya lumipad siya papunta sa lugar kung saan inililibing ang mga sawing black fairy dito sa Fharealand(tawag sa mundo ng mga iba't ibang mga Fairy) isa na rin Micaela doon.


Maling mali naman ang tayming dahil sa pagtapak ni Matilda sa lupa iyon naman ang pagbuhos ng malakas na ulan.


Gamit ang kanyang kapangyarihan bilang fairy gumawa siya ng malaking itim na dahon upang gawing sanggaan sa malakas na ulan.

♦The Ghostvampire and the Fairyzombie♦Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon