*Third Person POV*Kinaumagahan ay masayang nagsalo-salo ang bagong Haring si Vhlad at Reyna Maerna kasama ang magulang ni Vhlad na dating namumuno sa kanilang lugar.
Natigil lang iyon ng sumigaw ang kanyang inang si Usnevia.
"Aaaaaaaahhhhhhh."sigaw ni Reyna Usnevia.
"Mahal ko anong nangyayari sayo?"may pagaalalang tanong ng ama ni Vhlad na si Haring Sutern.
Halos lahat doon ay nagpapanic isa na rin si Vhlad dahil biglang nawalan naman ng malay ang kanyang ama at kasunod naman ang kanyang ina.
Samantalang ang isa naman ay lihim na napangiti.
Ibinuhat nila ang mga magulang niya papuntang kwarto nila at tinawag nila ang Doktora ng mga vampira.
Pagkadating naman ng Doktora sinuri niya ang ama't ina ni Vhlad, pero walang nakitaan ni isang problema.
(Fastforward)
Isang linggo ng nakakaraan pero hindi pa nagigising ang mga magulang ni Vhlad ganun na rin siya katagal naghahanap ng solusyon para magising ang mga magulang niya.
Ngayon ay nandito sila sa carmet(ginagamit nila para pumunta sa ibang lugar ng mabilisan parang elevator pero nagteteleport eto)papuntang Fharealand mundo ng mga Fairy para maghanap ng solution at manghingi ng tulong sa mga fairy dahil sa kanila ng problema.
Papunta na sila ngayon sa pinakamakapangyarihang Fairy dito para humingi ng tulong at ngayon ay nasa harap na sila ng isang napakagandang nilalang ang pinakamalakas na white fairy.
"Anong maipaglilingkod namin sainyo kamahalan?"magalang na tanong ni Lia ang malakas na white fairy sa lahat.
"Kaya niyo bang gisingin ang ama't ina ko?"walang paligoy -ligoy na tanong ni Vhlad.
"Oo, kung ordinaryo lang."ngiting sabi ni Lia.
"Hindi eto ordinaryong pagtulog lamang ."seryosong sabi ni Vhlad.
Nawala naman ang ngiti ni Lia.
"Kung ganun gusto kong makita."balik na seryosong sabi niya.
Mabilisang pangyayari nasa Palasyong Vumpirad na sila.
Tinitigan naman ni Lia ang dalawang nakahiga sa gintong kama.
"Hmm gumamit sila ng isang malakas na itim na mahika."biglang sabi ni Lia pero nakatingin parin siya sa akala mo'y mahimbing na natutulog sa isang malaking gintong kotchon.
"Kung ganun anong gagawin para magising sila?"seryoso paring tanong niya.
"Mahirap pero....hmmm ang pinuno lang ng black fairy ang makakatanggal ng ganyang kadilikadong itim na Mahika."sabi niya kay Vhlad.
"Saan makikita ang pinuno ng Itim na mga fairy?"tanong niya sobrang desperado na siya para lang magising ang mahal na ina't ama niya.
"Sa loob ng bundok summeterin pero kailangan niyong magingat dahil hindi sila katulad namin."sabi ni Lia.
Ngayon ay naghahanda na ang mga vampira sa pagpunta nila sa Bundok summeterin wala na silang pinalipas na araw sa pagpunta para sa mabilisang pagkagising ng magulang niya.
Pagkarating nila sa Fharealand ay nagkakagulo ang lahat at halos ang ibang mga fairy ay nakahandusay nalang.
Pati mga kauri nila ay nakahandusay rin may ibang bampira ang gumagamit ng carmet upang makatas sa mga nilalang na hindi nila malaman kong ano dahil natatakpan sila ng makakapal na itim na usok.
Mabuti at sila ay may kalasag para kung sakaling may sumugod sa kanila ay walang manganaganib sa mga kawal niya pansamantala.
Natuon naman sa kanila ang biglang pagkahandusay ng isang bampira noong binugahan siya ng itim na usok ng isang itim na fairy pero isang bangkay dahil sa mga iilang parte nito na may lumalabas na buto ,at mata nito na halos matatanggal na dahil sa sobra ng nakaluwa eto.
Nabigla naman sila sa kanilang nakita kaya nag-ala spartan sila dahil sa paphalanx ng kanilang ayos.
Dahil sa nawala na nga ang kapal ng usok na tumatakip sa mga bangkay na fairy nakita nila eto kung gaano karami kaya nagphalanx formation sila.
Ilang minutong lumipas halos wala na silang nakikitang nag tatakbuhan lahat ay nakahandusay na sa malamig na lupa.
Sila nalang ang natira kaya nakatingin sa kanila ang mga itim na fairy na mga bangkay.
Tumakbo ang mga bangkay na fairy ang iba ay lumilipad pasugod sa kanila.
Pero ni isa sa kanila ay hindi gumagalaw at nakatingin lang sa mga sumusugod sa kanila.
Parang mga ilang taon ng hindi pa kumakain ang mga fairy sa labas ng kanilang kalasag dahil sa kung paano sirain ang kanilang kalasag na hindi pa nasisira o nakikitaan ng pagkawarak.
Nagulat naman sila sa pagtigil ng mga bangkay na fairy sa pagwasak ng kalasag nila at nahati ang mga fairy na parang may dadaaan hindi lang iyon yumukod pa sila.
Totoong ngang may dadaan at katulad rin nila eto pero hindi na masyado expose ang lamang loob nito.
Mas nagulat sila dahil sa isang pagpitik lang ng dalawang daliri nito nawala ng parang bula ang kanilang kalasag.
Doon naman sila naalarma at lalo pa silang nagdikitdikit.
*Haring Vhlad*
Hindi ko akalaing ganito ang madadatnan namin dahil kanikanina Lang ay masaya pa ang lugar na eto.
Hays subalit datapwat habang wala pang humihinga sa amin magpapakilala muna Ako ng mabilisan.
Ako nga pala si Haring Vhlad Bhiszel/Vhladimer ang hari ng mga vampires at ang pinakamalakas sa lahat ng nilalang na ipinanganak sa Vumpirad.
Susunod na ang next
BINABASA MO ANG
♦The Ghostvampire and the Fairyzombie♦
RandomDalawang mundong puno ng saya maraming transaksyon hindi iniinda ang magkaibang pagkatao nila. Pero ng dahil sa trahedyang magaganap babaliktad ang sayang kinagisnan nila. Ano kayang mangyayari babalik pa ba ang mundo ng pagkakaibigan o kaya ay for...