chapter 1

3 0 0
                                    

chapter 1

"Mas matino pa naman 'yang anak ni kagawad kaysa sa boyfriend mo!"

Sumama agad ang tingin ko kay Nanay matapos lumabas ng mga salitang iyon sa bibig niya.

"Ano'ng mas matino? E, hindi naman nag-aaral 'yon! Anak pa man din ng kagawad tapos patambay-tambay lang sa kanto na parang gago! May dala pang speaker na maingay!"

"Ang ibig kong sabihin, mas itatrato ka nang tama ng batang 'yon!"

"Ayoko sa jejemon!" inis na sagot ko. Kanina pa kasi nila pinipilit sa akin 'yung bwisit na tricycle na driver doon sa kanto. Parang tanga ang pormahan at galaw no'n! Nakakairita!

"Oy! Shekinah! Ayus-ayusin mo pagbubunganga mo, ah! Akala mo ay kaibigan mo lang ang Mama kung makasagot ka!"

Lalong sumama ang mood ko nang ako pa ang mapagalitan. Hindi ko na pinuno ng tubig ang tumbler ko at padabog na pumasok sa kwarto ko.

"Shekinah! Isa pang ganyan mo at malilintikan ka!" sigaw pa ni Tatay mula sa labas.

Umikot ang mga mata ko sa inis at isinuot na lang ang earphone ko saka nilakasan ang volume. Sila naman nagsisimula tapos sa huli, ako ang pagbubuntungan nila. Ano bang masama sa pagtatanggol sa sarili ko?

Nawala ang gusot ng mukha ko nang bumungad sa akin ang pangalan ni Wendel sa screen ko. Kaagad kong sinagot ang tawag niya bago binuksan ang tumbler ko saka uminom ng tubig.

"Lalabs," aniya.

Sumandal ako sa kama matapos ibalik ang tubig sa ibaba ng kama ko, masama ang tinging iginawad sa boyfriend ko.

"Oh? Tapos na kayo maglaro?" tanong ko.

"Hindi pa, may last game pa."

"Kagabi pa 'yang last game na 'yan."

"Last na talaga."

"Tanginang last 'yan. Last na rin natin 'to, hayop ka!" singhal ko.

"Last na, promise. Kapag nanalo naman kami dito, ililibre kita. Sorry na lalabas ko, ha?"

"Mukha mo! Maghanap ka ng ibang kausap mo." Ibinaba ko na ang tawag at inis na pinatay ang data ng phone ko.

Bwisit siya. Sabi niya kanina ay last game na nila kahapon tapos ngayon... Palibhasa'y may parang tangang tili nang tiling babae sa mga kalaro niya. Parang tanga. Nakakainis. Ipit na ipit pa ang boses. Tanggalan ko ng ngala-ngala 'yon, e.

Hindi ko rin natiis at kinuha ang phone ko para tignan kung nag-message ba siya.

Mahal: xori na kac labs! last na nga! promise. tatawagan ulit kita mamaya.

Tanginang 'to.

Napasabunot ako sa sarili dahil sa gigil. Nagpupuyos ako sa galit habang nagtitipa sa phone ko na halos mabutas na ang screen nito.

Shekinah: maghanap ka na ng bagong girlfriend mo gago. break na tayo. wag mo akong mapunta-puntahan sa campus namin at tatanggalan kita ng buhay.

You can't reply to this conversation anymore.

Matapos ko siyang i-block ay nag-deactivate rin ako ng mga social media accounts ko saka nagpatugtog na lang ng mga kanta ni Taylor Swift.

Ang dami ko pa namang gustong ikwento ngayon tapos hindi ko rin naman pala makakausap ang gago. Bwisit siya. Matalo sana sila at masira cellphone niya.

Kaya ko naman siyang hintayin kung busy siya. Pero kung sa paglalaro lang naman at walang kabuluhang bagay ay 'wag na.

Hindi na nga siya nakakapag-focus sa pag-aaral niya dahil sa kalalaro, pati ba naman sa akin ay tuluyan na siyang mawawalan ng oras? Sa akin pa raw ipagawa mga assignment niya para makalaro siya? Sa inis ko ay sinampal ko sa kaniya 'yung papel pero in the end, ginawa ko rin naman.

Gago siya, eh. Ang ganda-ganda ko pero nagpapakatanga lang ako sa tulad niyang walang kwenta. Wala namang ambag sa buhay ko kundi stress at sama ng loob.

Natulog akong bad trip at nang magising ako nang maaga ay malamang, bad trip pa rin.

"Oh! Shekinah!"

"'Di ako kakain! Alis na ako!" Walang kaasin-asin na paalam ko sa magulang ko bago isinukbit ang bag ko sa balikat at dali-daling umalis.

"Oy! Shrek!"

"Ano?!" iritadong sigaw ko kay Segundo, ang kapit-bahay naming isa pang bwisit sa buhay ko.

Hawak-hawak na naman niya 'yung speaker niyang basag ang tunog at mga kantang pinapatugtog pa niya ay parang tanga. Sa dinami-dami ng pwedeng ipanganak sa mundo, napili pa siya.

"Sabay ka?" ngisi niya habang inilalagay ang puting bandana sa noo niya.

"Hindi. Para kang tanga. Wala namang patay, naglalagay ka ng ganyan." Tinalikuran ko na siya at naglakad na paalis mula sa bahay.

Shed 17Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon