chapter 2

3 0 0
                                    

chapter 2

Mas mainit pa sa tirik ng araw ang ulo ko nang makakita ako ng tarantado.

Tangina.

Wala na bang mabuting mangyayari sa buong week na 'to?

"Kinah!"

"Bilisan niyong maglakad!" Hila ko sa tatlo pero ang dalawang gagang si Milky at Hash ay nakuha pang kawayan ang tarantadong tumawag sa pangalan ko.

"Oy! Boyfriend mo, o!"

"Tanga, wala akong boyfriend. Tara na!" Nilakasan ko ang hila sa kanila dahil nagpupumilit pa ang mga gaga na hintayin si Wendel.

"Aray ko! Parang hindi masakit, ah!"

"Ay, may away yata. Break na kayo?"

"Tangina, mamaya na kayo!"

"Kinah! Lalabs ko!"

Puta.

Wala na, naabutan na ako ng basura. Wala na akong nagawa dahil humarang siya sa daanan namin. Matabang ko siyang tinignan, mula ulo mukhang paa.

"Labs, pwede ba tayong mag-usap? Please?" pagmamakaawa niya.

"Alis muna kami?" Hampas ni Hash sa braso ko. Sinamaan ko siya ng tingin. "Silence means yes. D'yan lang kami sa tabi. Usap well!" Agad niyang hinila paalis si Lemon at si Milky na nakangiwing nilingon ako.

"Labs? Sorry kung ngayon lang kita napuntahan, ah? Sobrang busy kasi. Pwede pa naman natin maayos 'di ba?"

"Ang sabi ko tatanggalan kita ng buhay kapag pinuntahan mo ako sa campus, 'di ba?"

"E, wala pa naman tayo sa loob ng campus niyo, o? Nasa harap pa lang tayo ng gate."

Paano ko natagalan nang ilang taon ang gunggong na 'to?

"Halika ka sa loob at saksakin kita," mahinang sagot ko.

Lalo akong nairita nang kagatin niya ang labi niya habang nakatingin sa akin.

Ba't ko ba pinatulan ang bwisit na 'to? Pangit naman. Ang lakas pa ng loob magloko. Wala pang oras sa akin. Paano ko natiis ang kapangitan ng taong 'to?

"Labs naman, e. Sorry na nga. 'Eto o, flowers. Pumunta pa ako rito kahit tanghaling tapat para lang ibigay sa 'yo 'to. Binili ko pa 'yan sa mga bata sa simbahan. Bati na tayo please?" Hinarap pa nito sa akin ang mga sampaguita na akala ko ay ibebenta niya.

Hindi ako madasalin pero sa araw na 'to, gustong-gusto kong ipagdasal na sana ay pigilan akong sakalin ang taong nasa harap ko dahil sa gigil at galit.

Nagpipigil kamay kong dumapo sa mukha niya nang kunin ko sa kamay niya ang hawak niyang sampaguita. Talagang sa gitna nang tirik na tirik na araw niya ako gagaguhin.

"Alam mo? Tangina mo at ng buong pagkatao mo. Sa susunod na magpapakita ka sa akin, pakitanggal 'yang pagmumukha mo. Noong isang gabi ko pa sinabi na tapos na tayo, hindi ka ba marunong umintindi? Bobo ka ba?" ni hindi ako makasigaw dahil maraming estudyanteng nagsisidaan sa tabi namin at ang gunggong ay nakangiting pinakikinggan ang mga sinsabi ko. "Kung puro kaputanginahan lang gagawin mo sa buhay, 'wag mo na akong idamay. At itong sampaguita, ibalik mo sa mga bata. Para kang tanga."

Isinaksak ko sa dibdib niya ang mga sampaguita at mabilis na naglakad papasok sa campus.

"Kinah! Shekinah! Lalabs! Please naman, oh!"

Hindi na ako nito nahabol nang itaas ko ang gitnang daliri ko sa kaniya habang nasa gitna ako ng mga estudyanteng nagsisiksikan papasok sa campus.

"Parang masarap ang ice cream ngayong tanghali," salita ni Milky nang sumabay na sila sa paglalakad sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 06, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Shed 17Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon