Rejane's POV
Nandito ako ngayon sa cafeteria, kasama ko si Bella ang best friend ko simula pag kabata hanggang ngayon magkasama parin kami. Kaklasi ko rin siya kaya mas napapalapit kami sa isa't-isa. Siya lang ang ka isa isahang kaibigan na nakakaalam ng sitwasiyon ko ngayon kahit kasi sa iba naming barkada e hindi ko sinabi para iwas narin sa chismis.
“Hoy kamusta naman ang buhay mo doon sa bahay ng asawa mo? Hindi kaba nahihirapan doon? O hindi kaba pinapahirapan doon?” mayamaya ay tanong niya sa akin habang sinusuri ang katawan ko kung may pasa ba o sugat.
“Ayos lang ako..... Hindi....... Hindi?” sunod sunod na sagot ko sa lahat ng tanong niya
“Buti naman kung ganon, buti naka tagal ka don” sabi pa niya sa akin
“Yeah, tama ka medyo hindi naman mahirap doon” sabi ko sa kanya“sana nga” dagdag ko pa
Kung may iba lang sana kaming choice nang mga panahon nayun hindi sana ako makakasal sa lalaking hindi ko naman mahal at ang masagwa pa ang bata bata ko pa nung mga panahon nayun.
Mahigit isang taon narin ang lumipas simula nong maikasal ako sa anak ni Mr. Bernard Montereal Dela Vega at ni Mrs. Alexa Jane
Smith Monteclaro-Dela Vega na si Alexander Raven Monteclaro Dela Vega. Mahigit isang taon narin akong naka tali sa lalaking hindi ko mahal.Ayos naman ang trato ng mga magulang ni Raven sa akin sakatunayan nga gusto nila na mama at papa narin ang itawag ko sa kanila pero nahihiya ako dadagan pang ni minsan hindi kami nagka sundo nang anak nila kaya kahit pinipilit nila na mama at papa na ang itawag ko sa kanila ay nananatiling tita at tito parin ang tawag ko sa kanila.
Akala ko nga e masasama sila at wala silang alam kundi ang makipag patayan pero nag kamali ako kasi mababait silang mag asawa sa akin, ni minsan hindi nila ipinaramdam na mag isa ako sa bahay nayun kundi pinaramdam nila sa akin na puwede ko sila maging magulang, ipinaramdam nila sa akin kung anong pakiramdam na may magulang, sila ang tumatayong pangalawang magulang ko, sila ang nag bibigay sa akin ng payo liwanag at pag asa.
“Hoy Rejane ayos kalang ba? Natulala kana naman diyan” puna sa akin ni Bella
“Pasensya kana may na alala lang ako” sabi ko saka nag buntunghininga.
“Alam mo kung hindi mo na kaya bakit kapa nag titiis? Bakit hindi mo nalang kausapin ang mga magulang ni Raven?” mayamaya ay sabi niya
“Kahit naman na kusapin ko sila hindi din sila papayag. Isa pa saan ako kukuha nang 8 Million US Dollar kung mag papabayad sila? Saan ako kukuha nang ganoon kalaking pera? Wla akong ganon, ni kahit 100,000 thousand wala kami yun pa kaya?” nasabi ko nalang.
Napa buntonghininga nalang din siya dahil sa sinabi ko.
“Alam mo minsan naiisip ko kung may patutunguhan paba ang buhay ko kasi alam mo yun parang malabo na kung may kinabukasan kapaba, yung wala kanang plano sa buhay kasi lahat nang palano mo nag laho nalang na parang bula? Feel mo yung ganoon? Para kasing ganon nalang ang nararamdaman ko ngayon” sabi ko saka ngumiti nang malungkot
“Ano kaba think positive, kapit lang ok? Nalalampasan mo rin yan” pag papagaan niya sa loob ko.
“Sana nga”
Minsan napapatanong nalang ako sa sarili ko kung tama ba ang desisyon ko noon, pero kung iisipin ko rin kung hindi ko yun ginawa buhay pa kaya ang uncle ko hanggang ngayon, buhay pa kaya ang pamilaya ko hanggang ngayon o buhay pa kaya ako/ kami hanggang ngayon?.
YOU ARE READING
I'm the pay of my Uncle's Debt
RomanceSi Rejane Rose ay isang mahirap na babae na namumuhay nang simply at contento sa kung ano ang meron sa kanila ngayon, hindi siya nag hahangad nang sobra dahil masaya na siya kahit sa mga maliliit na bagay lang. Pero paano kung dahil sa isang kasinu...