Babala: 'Wag kang mag s-squat

6.3K 175 39
                                    

Tangina, ang pangit mo talaga.

Ano ba 'yan? Anong klaseng buhok 'yan men? Mukha kang tanga. Baduy. 'Di na uso fishcut! Matagal ng nalaos 'yun 'di mo ba alam?

Tapos 'yang siko mo! Tignan mo nga. Kasing itim ng pwet ng kaldero. Uso lotion 'tol. Lumaklak ka ng sandamakmak na lotion para 'di ka mag mukhang inaamag!

Ta's! Tss, 'yung ilong mo nga punasan mo! Pwede na mag prito sa sobrang daming mantika nyan e!

Maligo ka na kaya?!

"Ma, 'yung twalya ko?"

"Maghanap ka!"

"Thanks, Ma."

Ang bait bait talaga ng nanay ko! Palagi akong tinutulungan sa aking mga pangangailangan.

Nahanap ko 'yung twalya ko sa may sampayan pero basa pa 'to kaya naman pumasok ulit ako para kumuha nalang ng bago.

Sa loob ng banyo, nakita ko nanaman ang repleksyon ko. Ang pangit talaga! Bente uno ka na 'tol! Natutulog ka ba nung umulan ng mga disenteng mukha? Tss! Maligo ka na nga! Ambaho mo!

Alam niyo, ako kase wala masyadong arte sa katawan. Kaya wala pang sampong minuto e tapos na akong maligo at itinatali na 'yung twalya sa may baywang ko.

Kita ko kaagad ang maligayang mukha ng nanay ko pagka labas ko ng banyo. "Anak naman! Hindi naman kita ginugutom, bakit ba ang payat payat mo?"

Yumuko ako ng konti para matignan 'yung katawan ko. Para akong skeleton na pinatungan ng balat. Nalimutan lagyan ng laman. Tinignan ko ulit nanay ko sabay nagkibit balikat, "Uso 'yan ma."

Naisipan kong lotion-an buong katawan ko para 'di na ako magmukhang tustadong inaamag sabay pumasok sa kwarto ng kapatid ko para nakawin 'yung mga pabango niyang naiwanan.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Mama nang makita niya akong palabas na ng bahay.

"Jan lang sa kanto," sagot ko. "Babye!"

Hindi ako sa kanto nagpunta.

Kundi dooooooon pa sa malayo! Sa tindahan ni Aling Cecilia. "Tok tok pabili!"

Nakita ko sa may maliit na bintana si Tanya. Ang pamangkin ni Aling Cecilia. Tumayo mula sa kinauupuan niya para lapitan ako.

"Ano?"

"Sungit naman nito!" Inirapan niya lang ako. "Pabiling coke sakto tsaka chippie."

"Tatambay ka nanaman dito?"

Umupo ako doon sa upuang kahoy na nakakabit sa dingding ng tindahan sabay itinaas 'yung isang paa ko.

"Masama?"

"Bawal pangit dito."

"Ano ka pala? Exempted?"

Sinamaan niya ako ng tingin at tinawanan ko lamang siya. Etong babaeng 'to lakas manlait, asar talo naman! Ang bagal pa ibigay nung binili ko.

Dumating ang kaibigan kong si Emerson at umupo siya sa tapat ko. "Ano 'son?" bati ko.

"Ang init puta," reklamo niya.

"Panong 'di iinit e ginawa mong daster 'yang t-shirt na suot mo?"

Isa pa 'to e, nognog the second. Bungal 'yan. Gago kasi e, nag-dive sa kanal. Lalo tuloy pumangit. May grupo kami nyan, kala niyo.

Pogi Squad

"Oh, asan na si Arvin? Para kumpleto na 'yung feeling pogi squad."

Malamya kong tinignan si Tanya, "Tanya.. manahimik ka nga." Sinamaan niya ako ng tingin. "Ano na? Asan na coke ko?"

"Ako nga din," sabi ni Emerson. "Paki-plastik."

"I-plastik mo na din 'yun akin." Naglagay ako ng bente sa may bintana bago tignan si Emerson, "Libre na kita."

Nakarinig kami ng yapak ng tumatakbo at nakita si nognog the third. "P're, p're! May chiks p're! Bilis!"

Tumayo kami ni Emerson, "Saan?" tanong ko kay Arvin.

"Doon sa kanto, bilis!"

"Hoy! 'Yung coke niyo!" sigaw ni Tanya mula sa tindahan nang makita niyang paalis na kami.

"Teka lang!" sagot ko at sinundan na ang kaibigan ko.

May birthday party kase sa may kanto. Sumilip na ako jan kanina kaso wala akong na spot-an na chiks. Kadarating lang siguro nitong nakita ni Arvin.

Tumambay kami sa may basketball court malapit sa party. Mga naka squat kami at kunwaring nanonood ng laro.

"Asan na?" tanong ko.

"Ayun! Ayun! Naka puting shorts."

Hinanap ng mata ko 'yung itinuturo ni Arvin at agad na napamura nang makita ko siya.

"Ang sakit naman nun p're," sabi ni Arvin habang nakahawak sa likod ng ulo niya.

"Oh, ano nangyare?" tanong ni Tanya nang makita niyang bumalik na kami.

"Tanginang Arvin 'to," ani Emerson.

Tumawa si Tanya, "Bakit?"

Naalala ko 'yung nakita ko kanina at mas lalong napasimangot. Bakit ba kasi naka squat kami?

"Yung chiks na sinasabi nitong ni Arvin?" tinuro ko 'yung gago. Tinaasan ako ng kilay ni Tanya. Umiling iling ako, "May betlog."

Tumawa ng napaka lakas si Tanya. May kasama pang pag padyak at napa ungol nalang kami nina Emerson.

Mula ngayon, hinding hindi na ako mag s-squat.

Tinignan ako ni Tanya at umangat 'yung gilid ng labi niya. "Try again next time, Von Jasper Castillo."

Pakyu, KupidoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon