'Di ako lasenggg

3.4K 134 38
                                    

Impake. Impake. Putakte. Impake.

"Kailangan mo ba 'yan Von?"

Oo Ma, 'wag kang magulo.

Ishinoot ko nalang ng ishinoot lahat ng damit na magkakasya sa backpack ko. Jansport 'yan men. Astig na mamahalin pa! Pero tangina naman kase p're...

Pink

Gagong pinsan ko kase, sabi ko kahit ano kulay pwede. Eh isa't kalahating gaga, nang aasar ata. Pink ang binili. Aniya, "Pang lalaki din naman ang pink Von!" bago umiyak sa kakatawa. Gagu.

"May brip ka na dyan?"

Napamura ako nang mapansin kong wala pa pala akong nilalagay na brip at boxers sa bag. Isasara ko na sana! Kung 'di pa binaggit ni Mama panigurado ilang araw nakalaylay alaga ko hanggang sa mapilit ko si Adrianna na i-libre ako ng pangsapin sa hotdog ko.

"Saan ka matutulog ngayong gabi?" tanong ni Mama habang inaalis 'yung bawat damit na inilalagay ko sa bag para itupi 'to ng maayos.

"Dito na ah," sabi ko sakanya. "Bukas na alis ko e."

"Hindi na doon kila Adrian?"

"Hindi na, magkikita nalang kami nun sa terminal." Kapag iniwan ako ng gagong 'yon bukas lalagyan kong poknat buhok niya.

Bukas na ang alis ko pabalik ng Maynila kung saan ako nag-aaral. Bye bye tropa na. Sayang! Gumagwapo pa naman ako kapag katabi ko sila.

Kasama kong bumyahe pabalik 'yung ugok kong pinsan na si Adrianna. Adrian for short. Angas noh? Panglalake nickname. Feeling may itlog 'yun minsan e, sarap bugbugin.

"Pupunta ako sa kanto Ma, paalam lang sa tropa." Ang sabi ko sa mabait kong nanay. Pero syempre hindi ako sa kanto nagpunta.

Kinilabutan ako nang madaanan ko 'yung pinag squat-an namin nina Emerson noong nakaraang buwan. Naduwal pa ako nang maalala ko 'yung nakita namin. Tanginang Arvin kase e.

Nakita ko kaagad 'yung tropa sa tindahan ni Aling Cecilia. Nagulat pa ako nang makita si Tanya na naka upo sa pwesto ko imbis na doon sa loob ng tindihan. Nakita ko ding nagsimula na sila. Nakalahati na ni Emerson 'yung hawak hawak niyang bote ng redhorse.

"Oh, ba't andito ka?" tanong ko kay Tanya bago umupo sa may tabi niya. Nahulog ang tingin ko sa legs niya dahil naka shorts lang siya, makinis pala 'to?

"Masama?" nakangusong sagot niya na may kasamang irap pa.

"Di naman," sagot ko bago pindutin 'yung binti niya. "Usog ka konti, may naka usling kawayan dito. Natutusok pwet ko."

"Diba mahilig ka naman sa ganun?"

Tinaasan ko siya ng kilay habang si nognog one at two naman ay tumawa. Tinitigan ko sila at agad naman silang tumahimik. Takot e. Pero si Emerson, tanga tanga. May alak pa sa bibig nung biglang pinigilan niya 'yung tawa niya kaya lumabas 'yung alak sa ilong niya.

Tumatawang napailing nalamang ako bago magbukas ng sarili kong bote. Mamimiss ko 'tong mga gagong 'to.

Tinusok ko 'yung tagiliran ni Tanya kaya naman inangilan nanaman niya ako. "Pabili akong tomi tsaka tattōōs, 'yung tig pipiso lang."

"Eh," pumadyak siya. "Tinatamad ako. Bumunot ka nalang jan."

Kaya naman ayun na ang ginawa namin buong gabi. Ishinoo-shoot 'yung kamay doon sa maliit na bintana sabay bubunot ng chichirya. Pare-parehas kaming mga tinamaan ng alak pwera kay Tanya.

Hindi naman ako ganun kalasing, naalala ko pa lahat lahat pagka gising ko nang umaga. Lalong lalo na ang pagyakap sakin ni Tanya at pagbulong ng, "Crush kita."

Pakyu, KupidoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon