Pakyu, Kupido

3.7K 208 88
                                    

Inayos ko ang buhok ko at paulit ulit na pinunasan 'yung mukha ko. Syempre dapat pogi diba? Ang gwapo ko na kaya! Kala niyo ha, nagkalaman na ako. Tumaba na daw pisngi ko sabi ni Ate Pat, ang girlfriend ng kuya ko. Who you na kayo saken men!


Bigla nalamang may bumatok sakin, "Mukha kang tangang nag d-duck face jan"


Pinakyu ko si Adrianna. 'Wag niyong pansinin 'yan. Inggit lang 'yan.


Nag ring na 'yung skype ko at agad kong itinulak si Adrianna palayo sakin. Halos tadyakan ko na siya para lang umalis. Chismosa talaga 'tong si Dora.


"Hi!" bati ni Tanya nang nasagot ko na ang tawag niya. "Wow! Ang pogi ng mahal ko ah!"


"Ang panget panget nyan e!" sigaw ni Adrianna bago tumakbo palabas ng kwarto ko dahil inihagis ko 'yung unan ko sakanya.


"Si Adrian ba 'yun?" natatawang tanong ni Tanya.


Iniayos ko 'yung buhok ko, "Wag mo pansinin 'yun"


Ngumiti si Tanya at halos mag wala ang puso ko. Tangina cheesy. Inlove e! Naks.


"Kamusta ka na mahal?" tanong ko.


Nagkibit balikat siya, "Eto, namimiss ka."


Napahawak ako sa bibig ko para mapigilan ang kilig. Akalain niyo? Parang dati lang e lagi kong kabangayan 'tong babaeng 'to pero ngayon kami na? At bawat banat niya, kinikilig ako. Nakakainis lang dahil LDR kami, pero pinapatunayan namin sa lahat na pwedeng mag tagal ang mga long distance relationship. Mag a-anim na buwan na kami at huling kita ko sakanya ay nung umuwi ako samin para mag pasko at bagong taon. Dalawang buwan ko na siyang 'di nakikita dahil pa-text text at tawag lang kami sa isa't isa.


"Naks, sino naman kasing 'di makakamiss sakin diba?"


"Oo nga e, wala ng bungong malakad lakad dito samin."


"Ang poging bungo ko naman?!"


Tumawa siya at napangiti nalang din ako.


Tinanong ko siya tungkol sa pag aaral niya at sinabi niyang pinaplano na niyang tumigil dahil dahil mahal ang tuition. Pumasok bigla sa isip ko ang ipon ko. Graduating na ako sa Architecture at ga-gago gago man ako, seryoso ako pagdating sa pag aaral. Totoo 'yan. At madami na din akong ipon dahil nag p-part time ako minsan sa starbucks. Isama mo pa ang allowance ko na minsan ko lang ginagalaw.


"Saan ka pupunta?" tanong ni Adrianna nang makita niya akong palabas ng apartment namin nung hapon na 'yon.


"Sa banko," sagot ko.


"Mag w-withdraw ka?"


Tumango lamang ako at lumabas na para padalhan si Tanya ng kaonting pera na pwedeng makatulong sakanya. Sampong libo. Sapat na 'yon.


"Thank you," umiiyak na sabi ni Tanya nang tawagan ko siya para sabihing nagpadala ako. "Thank you, Von."


"Basta ikaw mahal," sabi ko sakanya.


Lumipas ang ilang buwan at mas lalo kong pinag buti ang pag aaral hanggang sa naka graduate na ako at nag take ng board exam. Kami parin ni Tanya at buwan buwan din ako nagpapadala sakanya kapag may extra ako sa sweldo ko sa pagt-trabaho sa starbucks. Ang laki na din ng pinagbago ko. Hindi na ako nognog. Nagkalaman na ako dahil sa pag g-gym at naging moreno na din ako. May ilan akong tattoo, gusto ko nga sana ipa tattoo ang pangalan ni Tanya pero sabi ni Mama ay itatakwil na niya ako kapag ginawa ko 'yun.


Lahat sila ay hindi sang ayon sa pagtulong ko kay Tanya pero ano bang pake nila diba? Hindi naman nila 'to buhay. Maipasa ko lang talaga ang board exam, uuwi ako at papakasalan ang mahal ko.


"Von! Von!" sigaw ni Adrianna habang tumatalon talon sa kama ko. Naramdaman ko ang kamay niya sa buhok ko at sinimulan akong sabunutan. "Von gising!"


"Ano ba?!" inis na sabi ko sakanya.


"Nasa balita ka! Tumayo ka na jan!"


"Ha?!"


Nagpunta kami sa sala at nakita kong andoon na ang kapatid kong si Kuya Raziel. Napaka lawak ng ngisi niya sa labi at agad akong niyakap. "Congrats man!"


Natulala ako sa tv. Nalimutan kong ngayon nga pala lalabas ang mga resulta ng board exam. Masyado akong napuyat kausap si Tanya kagabi.


"Top 2 ka Von!" tili ni Adrianna. "Top 2!"


That week, umuwi kami ng Olongapo para mag celebrate kasama si Mama. May dala dala akong rosas dahil naisipan kong surpresahin ang mahal ko. Ang tagal ko na din siyang 'di nakita dahil wala siyang oras para mag skype. Palaging tawag lang at sobrang miss na miss ko na siya.


Dumaan ako sa pamilyar na street na lagi kong dinadaan papunta kina Tanya at napailing nanaman nang makita ko 'yung basketball court kung saan nag squat kami nung dalawang nognog. Ang tagal na din nun, kamusta na kaya yung mga yun?


"Tanya!" rinig kong sigaw ni Aling Cecilia at napangiti ako. "Nagpadala na ba si Von?" Natigilan ako at nanlamig ang buong katawan ko. "Nako! 'Yung anak mo wala ng gatas!"


"Si Emerson na lang daw ang bibili Tita," rinig kong sagot ni Tanya.


"Mabuti naman! Napaka tamad ng asawa mong 'yan!"


Biglang lumabas si Tanya ng bahay nila at nakita ako. Agad siyang namutla.


Binitawan ko 'yung mga rosas na dala dala ko at nginitian siya Tanya bago tumalikod at maglakad paalis doon. Napatawa ako at napa iling nalamang.


Pakyu Kupido, naisahan mo nanaman ako.


-END-

Pakyu, KupidoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon