Alexis's pov
*Krrrrrrnnggg!!!*
Tunog ng alarm clock sa bed side table ko na sya namng dahilan ng pagkunot ng noo ko,hinila ko ang kumot tsaka ito itinilakbo sa ulo ko sa pagbabasakaling mapahina nito ang ingay galing sa alarm clock at para narin makatulog ulit ako...pero kahit anong pilit ko patuloy parin sa pagtunog ang alarm clock kaya wala na akong nagawa at tuluyang minulat ang mga mataUurrgh!pagkatapos kong magunat ay agad naman akong tumungo sa banyo para maghilamos...habang akoy nakaharap sa salamin ay hindi ko mapigilang mapansin ang blush sa aking mga pisngi,dahil dito ay bigla nalamng lumipad ang isip ko sa panaginip ko kanina
"Kyaaaahhh!!!"pasigaw ko,ack hindi ko mapigilan ang kilig ng naalala ko ang panaginip ko tungkol kay karl,karl my one and only crush...at dahil dito isa nanamng sigaw ang lumabas sa bibig ko at hindi din maiwasan na mas mamula pa ng aking mga pisngi
"Alex tama ng kasisigaw,bumaba kana dito!"pag-tawag ni kuya mula sa labas ng kwarto ko,pero gayun pa man hindi ko parin matanggal ang kilig na nadarama...makalipas ang ilang minuto ay lumabas narin ako ng kwarto at ang unang bumungad sakin ay ang mabangong aroma galing sa nilutong almusal ni kuya,agad akong pumunta sa may kusina at doon nakita ko si kuya Jeff na abalang nagaayos ng lamesa
"Kamusta tulog natin??"tanong ni kuya Jeff habang isa-isa nyang inilalagay sa lamesa ang mga plato,kubyertos at mga baso
"Ayos lang..."sagot ko,hindi ko namn kase pwedeng sabihing basta basta na uy!kuya,napanaginipan ko yung crush ko na si karl!...hindi namn ganun kakapal ang mukha ko noh!
"En...kain kana tapos ako na maghahatid sayo sa bago mong school"sabi ni kuya at nagtungo pabalik sa kusina,akala ko ay tatanungin nya pa ako tungkol dun sa pagsigaw ko kanina pero mukhang napansin nya na ayaw kong pagusapan ang tungkol dun kaya umalis na lang sya saglit...at isa yun sa mga ugali ni kuya na gustong gusto ko,hindi sya insensitive at kahit kailan hindi nya ako pinilit na gawin ang mga bagay na ayaw kong gawin
Pagkatapos kung kumain ng almusal ay nilagay ko ang mga pinagkainan ko sa may lababo tsaka ito hinugasan at ibinalik sa may lalagyan
"Kuya!tapos nako kumain,ligo muna ako"sigaw ko at bumalik sa kwarto ko para maligo...hinubad ko ang aking pajama bago pumasok sa may shower cubicle...
Pagkatapos kong maligo at magbihis ng bago kong uniform ay bumaba na ulit ako para makita si kuya na naghihintay na sakin sa sala,nakabihis narin si kuya ng damit nyang pang opisina...ang alam ko magi-isang taon na syang nagtatrabaho sa isang kompanya pero hangggang ngayon hindi ko parin alam kung anong kompanya yun,pero debale na mukhang trinatrato namn sya ng maayos doon at malaki pa ang sweldo!
"Ayos na ba lahat??alis na tayo"sabi ni kuya na nakapagpaputol sa Iniisip ko,agad kong inayos ang strap ng bag ko tsaka ito isinabit sa may balikat ko bago ako sumunod kay kuya palabas ng bahay
Ni-lock ni kuya ang pinto pati narin ang maliit naming gate habang nakaupo ako sa may passenger seat ng simple naming sasakyan at naghihintay sa kaniyang sumakay din dito.
"Alex,susunduin kita mamaya okay..."sabi ni kuya,napatingin namn ako sa kanya habang nagiisip...bigla ko nalang naalala na inimbitahan ako ng pinakamamahal kong kaibigan na si jade na gumala after ng classes namin...so I think,uuwi na lang akong mag-isa after ng gala namin...?
"Hindi na kuya,uhh...uwi na lang akong mag-isa,siguro sabay na lang ako kay jade"sagot ko sa kanya at nakita ko si kuyang tumango,kaya ibinaling ko na ulit ang atensiyon ko sa ibat-ibang building na nadaanan namin...medyo malayo ang bahay namin sa bago kong university kaya ng bigla kaming huminto at currently stack sa may traffic ay alam ko na na magiging mahaba ang byahe nato...ngunit bago pa man ako makaidlip sa sasakyan ay may isang pigurang nakakuha ng atensiyon ko...isang babae na nakatayo sa may side walk at naghihintay ng tyansang makatawid,nakasuot sya ng isang croptop na white and a ripped blue jeans na talga namng mas nagpa-enhance pa ng curves nya at hindi ko mapigilang basain ang mga maga kong labi gamit ang dila ko
"Daaammnn,ang sexy nya!"sambit ko
"Huh...ano yun"biglang tanong ni kuya,at kung hindi lang dahil sa seat belt ay baka napatalon nako palabas ng kotse dahil sa gulat...hind ko alam na nasabi ko pala yun ng malakas pero hindi ko maiwasan,ang sexy nya talga...umiling lang ako kay kuya at nagfocus ulit dun sa babae,ang curvy ng katawan nya compared sakin na mukhang pader,at kahit sa malayuan halatado ang flawless at maputi nyang balat,walang nakasuot na kung ano anong jewelries sa katawan nya pero naka-lutang padin ang kagandahan nya...hayyss nakakainggit namn sya...
Gusto ko sanang makita din ang mukha nya KAso natatakpan ito ng itim na sumbrero at for the first time nakaramdam ako ng inis sa sumbrerong yun na pumipigil sakin para makita ang mukha nung babae
At kung masusunod lang ako ayy gusto ko pa sana syang pagmasdan ng kahit ilang minuto pa pero mukhang hindi ko na iyon magagawa ng bigla nang umandar ang sasakyan namin,lumuwag na ang daan at unti-unti naring nawawala ang traffic,bigla na lamang akong nalungkot kaya kahit sa huling pagkakataon ay lumingon ako sa lugar na kung saan nakatayo yung babae pero imbes na sya ang makita ko,isang black na van ang nahagilap ko at natatakpan ng van yun ang bagay na gusto kong makita
At ramdam ko ang pagkulo ng dugo ko dahil sa inis dun sa van na yun,I rolled my eyes at bumugtung hininga bago ako ulit tumingin sa direksyon na yun,wala na yung black van pero ang mas importante ay wala narin dun yung babae...I feel dissapointed at bago pa ako makapagbugtong hininga ulit eh bigla na lamang nagsalita si kuya
"Ayos ka lang..?bigla ka na lang bumugtong hininga..."hindi ko alam kung anong isasagot ko,mixture ng dissapointness at pagkainis ang nararamdaman ko at the moment...kaya imbes na sumagot kay kuya in words eh tumango na lang ako
"Sigurado ka.."tanong nya ulit at sa pagkakataong ito eh ramdam ko ang tingin nya sakin kayat wala akong magawa kundi sumagot..."ayos lang ako kuya!"
YOU ARE READING
Since I Laid My Eyes On You (Completed)
RomanceIsang maikling kuwento ng natatanging pagmamahalan na nabuo sa pagitan nina amber mondrogan at alexis corpuz... This have been stuck at my drafts for quites some time now so I just thought that why not publish it and share it with you NOTE! I'm not...