Alexis's pov
"K-kuya...*hik*...ikaka..sal na sya*hik*...pa-pano na...wala na...*hik*"sambit ko habang nakabalot sakin ang dalawang bisig ni kuya at patuloy na lamang sa pag-agos ang mga luha ko na para bang wala nang bukas...kahit ano pang gawing pagpapakalma ni kuya sakin ay hindi parin maalis ang kirot na aking nadarama...I feel betrayed,I feel lost...hindi ko na alam kung saan pa to patungo,kung saan pa patungo tong sikretong nararamdaman ko kay amber ngayong nalaman ko na ikakasal na sya sa fiancee nyang si simon
Pagkatapos sambitin ni simon Ang mga masasakit na salitang yun na tila ba isang karayum na tumusok sa puso't kaluluwa ko ay agad ko ng iniwan ang dalawa sa may hallway,nagsinungaling na lamang ako na baka malate ako sa klase ko para lamang makalayo na sa kanilang dalawa...dahil habang nakikita ko silang magkasama ay mas lalo lang tumtindi ang sakit na aking nadarama
Pilit ko silang iniwasan sa loob ng isang linggo...isang linggo nanamn ang nagdaan na hindi ko nakita si amber pero sa tingin koy hindi pa ako handang harapin sya...hindi narin ako palalabas ng bahay dahil alam ko na malaki ang posibilidad na magkita kami ni amber lalo nat magkatabi lang ang mga bahay namin
"Shh tama na...lagi ka na lang umiiyak,pumapangit ka tuloy"pang-aasar ni kuya at hindi ko na lamang mapigilang hampasin sya sa ulo kahit isang beses lang,pero alam ko na pinapagaan nya lamang ang loob ko kaya namay niyakap ko ulit sya pabalik...
"Alexis...seryoso na,iiyak ka lang ba talga lagi tulad nito...lagi ka na lang tumatakbo,bakit hindi mo harapin si amber...sabihin mo sa kanya yang nararamdaman mo,bakit hindi ka umamin.."wika ni kuya na nagpalaki sa aking mga mata dahil sa gulat...umalis ako sa kalong nya at umupo ng matuwid habang tinitignan sya ng mabuti,tinitignan kung nagbibiro lang ba si kuya o hindi
"Kuya...ikakasal na sya,may mahal na syang iba tapos sasabihin mong umamin ako sa kanya...h-hindi ko kaya..."sambit ko at napapikit na lang dahil ramdam ko ang mga mainit na likidong balak lumabas sa mga mata ko,akla ko ubos na ang mga luha ko sa Dami ng iniyak ko simula pa nung nakaraang linggo pero mukhang hindi parin ito ubos,at hindi ito titigil hanggat nandito parin ang sakit na aking nadarama
"Tsk...hindi kita pinalaki para maging manhid...anong may mhal na syang iba, alexis kitang kita ko kung paano ka nya tignan nung mga panahong magkayakap kayo dito sa sofa...at wag mo saking sabihin na ni minsan hindi mo yun naramdaman"wika ulit ni kuya at hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha sa aking mata habang inaalala ang mga matamis na salitang binigkas ni amber ng gabing iyon
~
"Uhhh!!grabe kaunti na lang talga mag-hahanap na ako ng kasambahy...ang dami kong hinugasan na pinggan"pagrereklamo ko habang inuunat ang mga braso na sumasakit na dahil sa Dami ng hinugasan kong plato ngayon ngayon lang...agad akong nagtungo sa aking kwarto at humiga sa aking kama,ipinapahinga ang pagod kong katawan ngunit bago pa man ako makatulog ay bigla na lamang tumunog ang cellphone ko na nagpapahiwatig na may tumatawag sakin...tawag,sa ganitong oras
"Hello.."sambit ko ng tuluyan kong sinagot ang tawag mula sa unknown number
"Hi alexis...uhh si amber to, hiningi ko KAsi yung number mo from jade...sinabe nya ba yun sayo???" Shit! Grabe namn na yung pagiging makakalimutin nya na nakalimutan nya yung about dun, yan tuloy muntikan na syang mamatay dahil sa heart attack at a young age!
"Alexis,you there??"
"Ahh oo...yeah andito ako,bakit ka nga pla napatawag"tanong ko at bumalik sa pagkakaupo sa may kama pagkatapos kong makarecover sa gulat
"Nothing...just want to talk to you,it may sound strange but...para bang gusto kong naririnig lagi ang boses mo after nating magkita for the first time in the garden"badump...badump...badump...yeahhh magkunwari nalang tayong hind bumilis ang tibok ng puso ko dun
Tsaka the audacity for amber to say those things habang eto si Alexis, currently overthinking kung nababading ba talaga sya
"Ha-ha-ha...talga ba..uhh kamusta ka"
Tanong ko habang sinusubukang pakalmahin ang mabilis na pagtibok ng puso ko"Ayos lang...just thinking about you every now and then.."wika nya at bigla ko na lamang pinutol ang linya,habang tuluyan kong hinagis ang cellphone ko sa may tabing drawer malapit sa kama ko at nagtalukbo ng kumot....mabilis na pagtibok ng puso at mapupulang pisngi are the things that accompany me to the dream land
~
"Paano nga kung may gusto talga sya sakin kuya,eh ikakasal na sya dun sa fiancee nya...may magagawa pa ba yun.."tanong ko at hindi ko na lamang mapigilang mag-isip kung what if umamin nga ako kay amber,what if sabihin ko sa kanya tong mga bagay na nararamdaman ko sa kanya,what if gusto rin pala nya ako and what if ng dahil dun ay hindi nya ituloy ang kasal...ughhhh sumasakit lalo ang ulo ko ng dahil dito
"Paano mo malalaman kung hindi mo susubukan...i-try mo lang Alex,para atleast diba triny mo at hindi yung hindi mo sinubukan at lagi mo na lang iisiping what if..."sambit ni kuya habang hinahagod ang buhok na nagpakalma namn sakin...tama si kuya, atleast sinubukan ko diba,huh...mukhang dapat atang nag-psychologist si kuya imbes na naging graphics designer
"Tama ka k--"hindi ko na lamang nakumpleto ang mga salita ko ng biglang tumunog ang doorbell ng gate namin
"Alexis...let's talk plss!!!"napatingin na lamang ako kay kuya at tumango lang sya sakin bago ko sya niyakap ulit tsaka ako tumayo mula sa sofa at tumakbo palabas ng bahay namin na sa sobrang pagmamadali ko ay hindi ko na naisuot ang tsinelas ko
Agad kong binuksan ang pinto ng bahy namin at ang pigura ni amber na nasa gate,basang basa sa ulan ang sumalubong sakin...agad akong tumungo sa lugar kung nasan sya habang may dala-dalang payong
"Ano kaba,are you dumb!!!"pasigaw ko at tuluyang binuksan ang gate tsaka sya pinayungan pero payungan ko man sya ay tuluyan na syang nabasa ng ulan...mula ulo hangggang paa,basang basa!
"Tignan mo nga ang sarili mo....bakit ka andito huh...at really pumunta ka dito para makipag-usap ng hindi man lang nagdadala ng payong,what if magkasakit ka huh...sige nga..sinong magaalaga sayo,at pano kung maging malala yung sakit mo at dalhin ka sa ospital...hindi mo ba naisip na baka mag-alala ang mga magulang mo...pano ako,hindi mo ba naisip na baka mag-aalala ako huh...bakit hindi ka na---"
"I like you...no scratch that...I've fallen in love with you,I love you alexis"wika ni amber na nagpatigil sa pagsasalita ko at nagpatigil sa pagtibok ng puso ko pati narin sa pagikot ng mundo ko...and ladies ang gentlemen the last string na tumatali at nagpipigil sa mga nararamdaman ko kay amber snap! At walang pag-aalinlangan pa ay binitawan ko ang hawak ko sa payong at hinayaan itong bumagsak sa sementadong daan...hinawakan ko ang pisngi gamit ang kanan kung kamy at hinila sya palapit sa akin gamit ang maliit at petite nyang bewang,at hindi ko na napigilan at inilapit ang mga mukha naming dalawa hanggat naramdaman ko na lang ang malambot,malamig,at matamis nyang labi sa labi ko...
I kissed amber mondrogan!!!

YOU ARE READING
Since I Laid My Eyes On You (Completed)
RomanceIsang maikling kuwento ng natatanging pagmamahalan na nabuo sa pagitan nina amber mondrogan at alexis corpuz... This have been stuck at my drafts for quites some time now so I just thought that why not publish it and share it with you NOTE! I'm not...