Alexis's pov
"pasok ka amber,uhh...feel at home"wika ko habang papasok kami sa bahay at tumungo sa may sala...pinaupo ko saglit si amber sa may sofa bago ako kumuha ng pares ng plato at kubyertos para sa mga dala nyang pagkain...uugghh bakit para it's giving me a sugar mommy vibes damn!!
"Tulungan na kita"sambit nya at akmang tatayo na sana ng hinawakan ko ang balikat nya at pinaupo sya ulit,"hind na...bisita kita tsaka ikaw na nga ang may dala ng mga pagkaing ito tapos ikaw padin ang mag-aayos ng plato...ako na bahala"sabi ko nmn at inihanda ko na nga isa isa ang mga plato sa may lamesa sa sala,inilabas ko narin ang pagkain na kanyang dala sa may supot at hindi ko inasahang ganito kadami ang dala nya...a one bucket of fried chicken,two servings of mushroom steak,two large cups of sundae,4 pieces of burger,and a two cup of drink...gague balak ba nitong babaeng ito na ipaubos ang lahat ng ito sakin
"Uhhh,hindi ko alam kung anong gusto mo so...sorry masyado bang madami?"sambit nya at hindi ko maiwasang mapangiti sa guilty expression nya plus ang namumula nyang tenga,damn it!only god knows kung gaano ko sya gustong halikan right now--halikan?!,"ayos lang pero hindi ba naubos savings mo ng dahil dito.."tanong ko at lord hindi ko na kaya ang torture na ito,gusto ko na talga syang halikan gooshh she's so cuteee!!!and I admit,yes halikan!magtatampo ba si jollibee kung mas gusto kong kainin si amber...?kyaahh the way she blush because of embarrassment!!!kaya yan tuloy iba na naiisip ko, hormones siguro.
"Hindi nmn,don't worry...kain na tayo"and with that we started to dig in on our food,grabe kung ganito lang na pupunta si amber every lunch dito sa bahay then I won't mind being left alone here..!plus ang sarap talga ng dala nyang pagkain, pasalamat na lang at hindi ako madaling tumaba
"By the way,saan nga pla ang kuya mo"tanong bigla ni amber na nakapagpatigil sakin sa pagkain,"oh... pumasok si kuya kaya wala akong kasama dito sa bahay"sagot ko namn at uminom ng isa sa mga drink na dala nya
"En.. parehas pala tayo,magisa rin KAsi ako sa bahy at ayaw ko namng kumain ng magisa so pumunta ako dito sa inyo...but I didn't expect na wala dito ang kuya mo"dagdag pa nya sabay kain ulit
Pagkatapos nun ay nabalot na lang kami bigla ng katahimikan but I didn't find it akward instead naging komportable panga ako,hayyys amber and her affects on me...we ate in silence at hindi maiwasan ng mga balikat namin na magdikit kada minuto dahil narin sa sikip ng sofa and this actually makes my heart beat faster,sa sobrang lakas nga ng tunog ng puso ko ay nag-aalala nako na baka naririnig narin ito ni amber at hindi ko maiwasang mamula dahil sa ideyang iyon,"ayos ka lang alexis???your face is so red"wika bigla ni amber at halata sa tono nya ang pag-aalala na naging dahilan pa ng pag-lakas ng tibok ng puso ko at pag-pula pa ng pisngi ko...at hindi ko inasahan na ilalagay nya ang kamay nya sa noo ko upang tignan ang aking temperatura
"May sakit kaba...hindi ka nmn mainit eh,wait let me bring you some glass of water"wika pa nya at halata ang kayang Pag-aalala kayat hindi ko namng maiwasang makonsensya dahil nag-aalala lamang sya sa wala,"hindi na,ayos lang ako amber"pagsasalita ko namn at agad syang pinaupo ulit dahil balak na nyang pumunta at kumuha ng tubig mula sa kusina,"you sure your feeling well.."tanong pa nya at hindi ko maiwasang manghina ng bigla nya na lamang akong hinwakan sa pisngi at tinitigan sa mata,hindi ko rin maiwasang mapatitig din sa kanya pabalik at hindi ko na namalayan na lumilipas na pala ang oras sapagkat habang nakatingin kami sa isat-isa ay para bang automatic na huminto ang mundo pero natigil kami ng bigla na lamang bumukas ang pinto ng aming bahay at doon ay nakita ko si kuya kayat agad akong napatayo at napalayo kay amber,sa sobrang panik ko na baka nahuli kami ni kuya na magkatitigan at malaman nya na gay ako ay hindi ko na alam kung imahinasyon ko lamang ba ng nakita ko ang bakas ng lungkot sa mukha ni amber ng lumayo ako
"May bisita ka Alex..?"tanong bigla ni kuya na nagpabalik sa akin sa wisyo,namumula pa ang mga pisngi ko dahil sa mga naunang pangyayari ng akoy sumagot,"k-kuya si amber...kaklase ko"may pag-aalangan kong pakilala kay amber,hindi ko alam kung ano bang tamang salita na pwedeng maglarawan sa relasyon namin ni amber,hindi namn kami ganun ka-close para matawag na magkaibigan and halatado rin namng hindi kami magkasintahan,hindi pa sa ngayon....
"Hello po,ako po si amber mondrogan...ka-kaklase ni alexis"pagpapakilala namn ni amber habang tumayo sya sa sofa bilang pagpapakita ng respeto kay kuya...uhuh that's my future wife kuya!!!
"Oh ganun ba??nice to meet you at wag mo na kong I'po' nakakatanda"pagtawa ni kuya habang tinatanggal nya ang suot nyang sapatos.."tawagin mo kong kuya Jeff...kumain naba kayo??"tanong ulit ni kuya at sinagot ko namn sya ng "oo,tapos na"
"Uhhh...sige po,mauna na po--ako kuya Jeff"wika bigla ni amber na nagpalungkot sakin,ang bilis nmn gusto ko pa nmn sana syang makasama kahit ilang sandali pa
"Aalis kana agad.."tanong ko at pilit na tinago ang lungkot sa aking mukha pero kahit anong gawin ko mukhang napansin parin ni amber ang pagkunot ng mga noo ko...lumapit sya sa akin at hinawakan ang aking mga kamay na nagpabilis sa tibok ng puso kong kanikanina lamang ay matamlay,hindi ko din maiwasan ang pagpula ng mga pisngi ko dahil sa lapit namin sa isat-isa,gooooosshhh magpakatino ka alexis nandito si kuya!
"Wag ka ng malungkot,see you at school na lang"sabi pa nya at ngumiti, ngumiti din namn ako pabalik at bigla na lamang bang huminto ang mundo ko ng kung walang ano ano ay niyakap ako ni amber,si amber niyayakap ako!!!kyaahh!!!!
Niyakap ko rin pabalik si amber at tuluyang nalunod sa kanyang masarap na yakap...may pag-aalinlangan akong bumitaw at lumayo sa mga bisig nya ng maalala kong katabi lang namin si kuya,pagkatapos nun ay nagpaalam ulit si amber bago sya tuluyang lumabas ng pinto at gusto ko sana syang samahan palabas ng gate pero pinigil ko ang sarili ko dahil ramdam ko ang matatalim na tingin sakin ni kuya,gagi naghinala ba sya nung nagyakapan kami ni amber...pero lahat namn ng magkakaklase at magkakaibigan ay nagyayakapan kaya imposibleng maghinala sya....don't panic it's organic!
"Mag-usap nga tayo alexis corpuz!"daammnnnn wala na,alam na ni kuya na bading ako!

YOU ARE READING
Since I Laid My Eyes On You (Completed)
RomanceIsang maikling kuwento ng natatanging pagmamahalan na nabuo sa pagitan nina amber mondrogan at alexis corpuz... This have been stuck at my drafts for quites some time now so I just thought that why not publish it and share it with you NOTE! I'm not...