Flashback...
Noong bata pa sila Josh at Mary nag punta sila sa isang Parke at sila ay umupo at nag usap.
''Asan nga pala yung Dad mo? Ba't parang di ko nakikita...'' Biglang tanong ni Josh kay Mary na agad naman sinagot.
''Ahhh...Ehh... Wala na siya, Iniwan na niya kame. Bata palang ako'' Sagot ni Mary na para bang naiinis.
''Ah, Sorry sa Tanong ko.'' Pag hingi ng paumanhin ni Josh
''Okay lang yun, Balak ko rin naman i-kwento sayo''
Sagot ni Mary na gustong Pagusapan ang nakaraan.
''Ba't nga ba kayo iniwan ng Dad mo?'' Tanong ni Josh
''Bata palang ako hindi na maganda ang pag sasama nila ni Mama, Lagi sila nag aaway. Araw gabi kaya tuwing gabi lagi nalang umaalis si Daddy at umaga na umuuwi... Pero isang araw yung ang pinaka Matinding away nila at ang Huli.
Nag impake na si daddy at umalis. at ang huling sabe niya ''Aalis nako! MAY IBA NAKONG PAMILYA! At may anak narin ako sa iba!'' At umalis na siya at di na nag pakita pa...Ayoko na siya makita! Ayoko sa mga mangloloko!'' Sagot ni Mary na halatang hindi matanggap at nangigigil.
''Nakita mo paba yung kapatid mo? Ilan ba sila?''Tanong ni Josh
''Hmmm. Hindi kona nakita! At wala akong balak. Ang sabe sakin ni Mama mas matanda sakin ng Isang taon. At lalaki daw'' Sagot ni Mary na naiinis
Hanggang nag usap at nag usap sila ng kung ano-ano
———————————————————————————————————————
BINABASA MO ANG
False Love: Nothing Like Us
RomanceSi Mary at ang kanyang Childhood Bestfriend na si Josh, Pero ang hindi alam ni Josh may gusto pala si Mary sakanya. Ano nga ba ang pwedeng humadlang sa kanilang pagsasama? At ano ba ang kanilang nakaraan? Support my new project: http://www.wattpad...