One-sided Love

135 2 1
                                    

One-sided love

(c) berlstephendutosme, 2013

Love? Ito yung feeling na nakukuha natin after admiring someone for 3 months and more as they say. Ito rin yung feeling na nagkakaroon ng butterflies ang tiyan. Yung feeling na namumula ‘pag nakakasama o nakikita siya. Yung feeling na nanginig ka sa kaba sa tuwing makakausap mo siya. Pero ganoon din nga ba ang nadarama niya katulad ng nararamdaman mo para sa kaniya?

**

Tuwing  huwebes ng hapon ay lagi akong pumupunta sa tapat ng kaniyang paaralan, tumatambay sa overpass malapit sa building kung saan siya nag-aaral. Nakasanayan ko na ito nung humingi ako ng permiso sa kaniya kung pwede ba ako manligaw.

Ako si Blythe Steven Sy. 15 years old. Minamahal siya ng sobra-sobra at hindi alam kung may patutunguhan ang aking nararamdaman sa kaniya. Ewan, basta mahal ko siya at hindi ko alam kung ano ang rasun kung bakit biglang sa isang iglap ay nabago ang lahat at tumitibok ng mabilis puso ko at bumabagal sa tuwing kasama ko siya, nagiging masaya kapag nasusulyapan ang kaniyang mga ngiti at doon ko na lamang napagtanto na siya ang isinisigaw nitong aking puso.

**

“Tsk. Tagal niya naman lumabas.” Pag-rereklamo ko dahil alas kwatro na ng hapon at kanina pa ako sa overpass ng alas-dos. Dalawang oras na ako naghihintay dito pero walang bakas ni Brina ang aking naaaninag.

“Kalma lang, tol. Lalabas din siya. Hintay-hintay lang muna." Sabi sa akin ni Vince na matalik kong kaibigan simula nung first year kami sa high school.

“Tss. Sige na nga. Kung hindi ko lang sana...”

At may biglang sumingit sa aming pag-uusap...

“Hi Blythe. Hi Vince. Sorry napag-hintay ko kayo.” Naku! Anghel na yata ang nagsasalita sa harapan ko. Sarap pakinggan ang boses niya at talagang hindi nakakasawa tingnan ang bawat anggulo ng kaniyang mukha.

“Hi Brina. May dadaanan ka pa ba?” Tanong ko sa kaniya habang nagkakamot pa sa aking ulo.

“Yeah, pupunta sana ako ng bookstore para bumili ng mga requirements ko.”

“Sige, samahan ka na naming ha? Pati na rin sa pag-uwi mo. Pwede ba?”

“Sure, why not? Thanks boys. You two are truly gentlemen by heart.” Tss. Wag ganiyan. Sabi niya habang nagflaflash ng kaniyang smile. Baka matunaw ako sa ngiti mo.

Naghintay kami ng taxi na dadaan sa harap ng kaniyang paaralan. Hanggang sa makakuha kami at makasakay. Tumungo kami sa isang mall malapit sa bahay (a jeepney or a taxi away) niya para mas mapadali ang kaniyang pag-uwi. Diretso sa bookstore at siya hanap ng hanap ng kaniyang requirements at kami naman ni Vince ay nakabantay lamang sa kaniya na para bang P.A niya kami o Bodyguard.

Matapos ang 30 minutes ay nakalabas na kami sa bookstore. Nagkaayaan kumain at kumain kami sa isang fastfood chain, madali lang naman. Pagkatapos nun ay naghintay ng taxi sa labas ng mall. Binuhat ko lahat ng kaniyang dala pati ang bag niya, inalalayan naman ako ni Vince sa pagdala dahil alam naman niya na nabibigatan na ako.

Limang minuto ang nakalipas at nakarating na rin kami sa bahay nila.

Pinagbuksan ko siya ng pinto at inihatid lahat ng gamit sa loob ng restaurant na pagmamay-ari nila.

“Brinna, mauna na ako ha? Ingat ka lagi. I love you, brin.” Sabi ko with happiness obviously seen o my face.

“Thank you, Blythe.” What? Thank you lang? Ang ikli naman ng sagot niya. Wala man lang I love you too mula sa kanya. Tss.

One-sided LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon