Chapter 2: Her Plan
Halos hindi na magkandaugaga ang mga taong nag-aayos sa akin ngayon. Andito ako ngayon sa backstage ng venue ng fashion show kung saan ako ang magsusuot ng finale gown-- na siyang isinisuot sa akin ngayon. Kasama ang mismong designer para i-assist yung mga nag-aayos sa akin.
Medyo mahirap kasing isuot ito, dahil narin sa disensyo nito. It is an all white long-gown with a long fur on both shoulder blades then a very long cape with a very long trail. At pag sinabi kong very long. Literal talaga yun. Maganda ang gown na ito. It is a very fitted gown na turtle neck. Hakab na hakab sa katawan ko kaya naman lumabas talaga ang curve ko. Then may kasama itong long gloves na lagpas hanggang siko. Habang yung buhok ko nakalugay lang at pina-straight lang nila. Then my make-up, ayun light but enough to make me look so fierce.
And I like it.
Medyo ngalay na nga lang dahil ilang oras narin akong inaayusan but still i can manage pa naman. Wala eh. Ganito naman na talaga kapag model. Sanayan nalang yan. haha
After a hundred years ! At last ! Natapos narin, at ngayon naka-ready na ako dito sa likod ako na kasi ang susunod. Meaning finale na ng show. The coordinator gave me the cue na pwede na ako lumabas. I composed myself. Whoo ! Medyo kinakabahan din ako at the same time excited. Syempre kapag passion mo ang ginagawa mo you will always be excited and happy on what you were doing.
Chin up. Chest out. Stomach in. Fierce look. Inhale. Exhale. Then i slowly ramp on the runway. Syempre may mga naga-assist pa sa likod ko para ayusin ang trail nitong gown. Nung maayos na nila at makaalis that's my cue again to give my shot. I gave them a very satisfying show. Every eyes on me while amazement and admiration is etched on their face and they are very wowed as they saw the gown with me. Parang naging isang silent sanctuary pa nga ang buong venue dahil ang lahat ng manonood ay tahimik na nakamasid sa akin. Tanging tunog lang ng mga nagkikislapang cameras ang pumapainlalang sa lugar. As i reached the end of the runway platform i posed there. Giving the photographers enough time to grab a good shot on me.
After how many minutes natapos narin ang pagrampa ko. Hayys grabe ! Nakakangalay na talaga. Matapos ko rumampa, bumalik lang ulit kami sa labas. Lahat ng models habang ako kasama ko naman yung mismong designer ng gown which happened to be my friend and also my co-designer. Kaya nga nung ini-offer niya sa akin itong slot na ito ay hindi naman na ako tumanggi.
"Thank you ! Thank you everyone !" Nakangiti at masayang pasasalamat ni Luscio Fabrigas. The designer himself and also one of my gay friend. Habang patuloy sa masigabong palakpakan ang mga viewers habang kami ay pumapalakpak rin.
"I really want to thank everyone of you for being here with me, i am very overwhelmed to see you guys here and supporting me on this very special event of mine. Thank you again. And to my models. Thank you and I love you all my dear and most especially to my very gorgeous friend and one of the most well-known model worldwide, Maddison Gent. Thank you for your time my dear." He said to me. I just smiled on him. Alam ko na naman iyon eh. And i know, mamaya kakausapin pa ako nyan personally.
After his speech ay dumiretso na kami sa kabilang function hall nitong hotel para sa after party niya. Actually it's more like a time for the prominent people, photographers, and co-designers to meet the models and to see the clothes.
Hindi pa kasi kami nagbibihis kelangan pa namin ito suotin hanggang matapos ang whole duration ng party.Hindi rin naman na ako nagtagal. After an hour ay tinawagan ko na si Nelson at nagpasundo na ako. Nagsimula na kasi ang totoong party at marami na ang nagkakasiyahan at bumabaha na ang mga liquors at ayoko ng pagurin pa ang sarili ko kaya naman nagpasya na akong umuwi.
Nagpalit lamang ako ng simpleng dress and doll shoes bago ako bumaba sa ground floor kung saan naroon na ang sundo ko.
"So how's the show ?" Nelson asked me as soon as i seated on the shotgun seat.
"Succes." I simply replied. Wala. Pagod talaga ako at medyo nangangalay pa ang mga binti ko. Kahit pa sabihing trabaho ko ito at sanay na ako ay napapagod parin talaga ako. I rested my head on the headboard and close my eyes to relax myself.
Oo nga pala. May naalala ako.
"Kamusta naman ang lakad mo ? Nagawa mo ba ?" I asked him. May pinaasikaso kasi ako dyan kay Nelson kaya hindi niya ako nasamahan kanina dun sa fashion show.
I looked on him and he just rolled his eyes.
Problema na naman nito ? Itong baklitang ito talaga oo!
"Don't worry. Tapos na lahat. Okay na. Nakapag-set narin ako ng appointment so wala ka ng problema. Hayy nakakaloka ka talaga girl ! I really can't believe na pagod ka na nga't lahat pero naisip mo pa iyon ?" Nagmamaktol na sabi ni Nelson habang nakatutok parin sa pagda-drive. Tinawanan ko lang siya. Kahit kelan talaga itong si Nelson napakatalakera hindi nalang sabihin ng diretso na nag-aalala siya sa akin dahil pagod ako. Alam kasi niyan lahat ng daing ko kapag pagod ako galing sa photoshoot, pictotials and shows ko. hahaha
"Whatever you say Nel." Natatawa kong sagot sa kanya. Sinimangutan niya lamang ako. "So kailan ang appointment ?" Tuloy ko parin sa pagtatanong.
"Next week so you better be ready."
I arched my brow. ano daw ?
"And why should I ?" I asked.
"Maddy, i'm telling you, this is very risky. Hindi ko na talaga alam kung anong pinaplano mo, kinakabahan ako diyan sa binabalak mo."
"Hahahahahahahaha !" Tinawanan ko siya.
=___________= - itsura niya.
"What's funny at tumatawa ka diyang babae ka?" Naiinis na sagot niya.
"Eh kasi naman Nel, ang seryoso mo masyado. Haha hindi bagay sayo !" Natatawa paring sagot ko sa kanya.
"Pshh." Sambit niya.
"You don't have to worry Nel. I know what I'm doing. No need to be bothered okay ? Just leave it up to me." Matino kong explanation sa kanya.
Hindi naman ako gagawa ng isang bagay na alam kong sa huli ako ang matatalo. Hindi ako bumalik rito sa Pilipinas para lang gumawa ng isang kalokohan. I planned this and i am very sure of doing this. There's no way na aatras ako.
"Just make sure that you surely know what you were about to enter Maddy. Because the moment that you started it, there's no way to back off. You just have to end it so be careful okay ? Kahit naiirita na ako sayong babae ka, i still care for you dahil friendships tayo."
Aww. How thoughtful of him. I am really thankful at nagkaroon ako ng isang kaibigang katulad niyang si Nelson. Kahit kailan hindi talaga ako iniwan niyan sa lahat ng ups and downs ng buhay ko. He knew my past and all of my miseries kaya naman grabe din ang pag-aalaga sa akin niyan.
"I know Nel. And thank you for being here with me." I sincerely said. Sinulyapan niya ako saglit saka muling binalik ang tingin sa daan.
"That's what friends are for right ?" Nakangiti niya ng sagot sa akin. Maluwag rin akong ngumiti sa kanya. Saka ko ibinaling ang tingin ko sa labas at hindi ko maiwasang mapangiti.
Sa wakas. Malapit na. Konting panahon nalang at masisimulan ko na ang plano.
At sa oras na masimulan ko ito. I will surely make sure that i will be the one still standing in the end. *grins*
---
---The white gown na sinuot niya sa fashion show on the picture :)
YOU ARE READING
An Updated Version Of Me
RandomShe just loved but she was hurt. She was just a weakling who knows nothing but to cry. She was desperate to change herself. and she will do everything to take her revenge. The plan is settled. The game is on. And she is the game master. This is her...