Lei alcantaraHabang tinitignan ko ang sarili ko sa salamin kasabay ng pag patak ng ulan ay sya din pag patak ng aking mga luha, mga kulog at kidlat na nag papahiwatig kung gano ko gustong ilabas ang mga nararamdaman ko. Nag susumamo ang utak ko na sana bumalik ang dating sigla at mag pakita ang dating saya sa pagitan naming dalawa.
Kita ng mga mata ko kung gaano kalaki ang pinag bago ng katawan ko, mula sa pagiging malusog papunta sa mga pasang itinatago ko at mga sugat na hindi pa mga nag hihilom. Pero malayo sa sakit ng pisikal kesa sa sakit ng puso ang nararamdaman ko.
Napangiti nalang ako, " lei deserved mo pa ba na tiisin at ipag patuloy ang ganitong buhay?, hindi kaba naiinggit sa mga taong malayang nagagawa ang gusto nila?. Hindi paba sapat ang mga nararanasan mo araw araw?" Mga salitang tinatanong ko sa sarili ko pero kahit alam ko ang mga kasagutan sa mga salitang ito, tila parang isang makina ang katawan ko na pilit manatili sa tabi nya kasi naniniwala ako na kaya kong mapabalik ang dating sya.
Ako si Paul lei Pasco Alcantara, 25 years old na ako at mag isa nalang ako sa buhay simula ng mawala ang mga magulang ko sa isang trahedya 8 years ago. Ni hindi ko nakilala ang mga kamag anak ko o mga pinsan manlang kasi sabi ni mama at papa nang galing pa sila sa probinsya ng visaya. Kahit isang pag kakataon hindi kami nakauwi doon kasi tinalikuran daw sila ng pamilya nila dahil sa pag mamahalan nila. Kaya nag lakas loob sila na pumunta sa syudad para manirahan at mag negosyo. Naging sikat ang kainan namin dahil sa mga putahe nila mama at papa na tubong bisaya ang mga ulam. Kayat nagustuhan ito ng mga suki namin hanggang sa napalago at sumikat hanggang sa naging restaurant at nag karoon ng branch sa ibat ibang sulok ng kamaynilaan.
Pag sapit ng ika labing pito ng aking kaarawan dun nadin sila namaalam. Naaksidente sila sa personal car namin. And nobody knows how it happens.
Makalipas ang tatlong buwan pinakilala sakin ng personal lawyer ng aming pamilya na kailangan kong ipakasal sa isang tao para mapag patuloy ang aming business at manatili itong nakatayo. Hindi ko lubos maisip ang aking mararamdaman nung mga araw na iyon.
Nung araw nayon ay nakilala ko ang lalaking minamahal ko hanggang ngayon, Ang lalaking walang binibigay na dahilan kung bakit ko kailangang manatili sa kanyang tabi. Si Kendrick James Scott Alcantara.
Matapos ang kasal namin ay kailangan na naming mag sama sa isang bahay upang sabay na patakbuhin ang aming mga negosyo. Kasama ito sa habilin ng aking mga magulang na maipasa ang aming negusyo sa mga susunod pang henerasyon.
Natapos ang aking pag ninilay nilay sa nakaraan matapos pumasok ni james sa kwarto. Nakita kong lasing ito at wala sa katinuang nahiga sa kama. Marahil nag pakasaya nanaman sila nina jake at alfred sa bar. No wonder may mga kasama silang mga babae kasi ganun naman palagi ang ginagawa nila.
Lumapit ako at tinignan syang maigi sa kanyang pag kakahiga. Wala paring pinagbago ang kanyang mukha at katawan. Ganun parin sya kakisig at kagwapo. Napangiti ako kasi kahit ganun pa man kasama ang kanyang ugali sakin at itrato akong basura, hindi nya padin iniisip na iwan nalang ako at sumama sa ibang babae. Makita ko lang syang umuuwi ng bahay namin ay masaya na ako.
Inayos ko ang pag kakahiga nya inilagay sa table ang dala nyang briefcase. Tinanggal ko ang sapatos nya at necktie para makatulog sya ng komportable.
"Sana hindi nalang ako hinayaan nina mommy and daddy na makasal sayo, my life has been miserable with you, i have to forget my personal life just to have this successful career. Lei , simple life is enough for me, having those kids and simple wife is enough, but with you?, all those dreams and plans has no longer to have." Mga sinasabi ni james habang nakapikit ang kanyang mga mata.
Nakita ko nalang na pumapatak ang mga luha ko sa kama at unti unting binabasa ito. Those words are enough to burst out my heart. At kahit alam kong lasing sya ay tama lahat ng mga sinasabi nya.
" James.. im sorry for what we're facing now, sorry for keeping you until now, im sorry for letting you live in this kind of life, but i still giving my best just to give you a reason to choose me, i know you have your own reason this is not the life you ask for. Im sorry..." kasabay ng mga masasaganang luha ko ang paglabas ng mga salitang ito.
"But if letting you go is the key for you to be happy again and see you living in your life with the fullest, I'll give it to you james, thank you for being there for almost 8 years." You can now live without lei and any obligations.
Tumayo ako at nag tungo sa walk in closet namin. Kinuha ko ang luggage ko at nilagay doon ang mga gamit ko. Enough lang para kahit papano at may magamit ako.
Nag ayos ako ng aking sarili at sinoot ko ang sweater ko para maitago ang mga pasa ko sa labas ng bahay.
Lumabas ako sa closet at muli kong sinulyapan ang lalaking nag patakbo ng aking mundo sa loob ng mahigit walong taon
I have enough savings para masuportahan ang sarili ko, after this hindi na ako pwede umasa kay james, i know maalagaan nya ang business namin.
Lumabas na ako ng kwarto namin at pag baba ko ng hagdan sinulyapan ko ang mga larawan sa mga walls namin. Ni isang picture naming dalawa na mag kasama eh wala. Tila hindi nauubos ang mga luha ko kasi patuloy padin ito sa pag patak.
Dito nabuo ang mga masasayang ala ala namin nung una at mga bagay na nakuha namin ng mag kasama. But that's how life goes on. Not all the times happiness will be there.
Pag labas ko ng bahay namin. Muli kong tinignan ang bahay namin. Tapos na ang ulan at paparating na ang gabi. Pinapangako ko na pag lisan ng araw na to pareho na naming maibabalik ang buhay namin sa dati. Thank you james mag iingat ka palagi.
BINABASA MO ANG
PAIN/LESS (BXB)
Novela JuvenilAng storyang ito ay pawang nakalaan lamang sa mga taong bukas ang isip sa mga sitwasyong alam nating hindi naayon sa normal na nararanasan ng iba,ngunit kung ang iyong pag iisip ay sarado sa mga ganitong kwento ay maari mo pong lisananin at ipag sa...