78

409 17 4
                                    


I drove fast to the hospital that Astley told me, Adelaide's younger brother. I went inside the hospital and asked for her name. I was informed that she's undergoing a surgery right now so I went to the waiting room outside the operating room.

I saw her family seating on the chairs, worried and crying. I slowly walked towards them. After a lot of years, ngayon ko na lang sila muling nakita. Si Kuya Darius naman ay nakaalalay kay Tita. Napabaling ng tingin si Astley sakin, sandali siyang nagulat bago tumayo at lumapit sakin.

"Kuya Apollo..."

"Astley, how's... her condition?"

Umiling siya. "Ate had a leg injury po and it needs to get operated on as soon as possible." dahan-dahan akong napatango, hindi ako nakaimik, tila wala akong mabuong masalita na aking sasabihin. "Nakausap ka na po ni Ate?"

"Hindi pa, dapat ngayon e." I said in a low tone. "Kung kailan gusto ko ng makinig, ngayon pa talaga nangyari 'to."

Napabugtong-hininga ako.

"Ano ba talang nangyari sampung taon ang makalipas? Ano 'yong dahilan ni Adelaide?" tanong ko.

"Siguro po ito na ang panahon na para malaman mo po ang nangyari noon." sambit niya.

He gestured to follow him, and we went to the rooftop of the hospital.

"Lumipat po kami ng Manila para sa negosyo namin na sinimulan nina Kuya at Dad. Sa mga unang taon, naging maayos naman po hanggang sa nagising na lang kami isang araw, hinuhuli na sina Kuya at Dad. Inatake sa puso si Dad na naging dahilan ng kaniyang pagkamatay tapos si Kuya, nakulong sa kasong nepotism at bribery. Bata pa po ako kaya si Ate ang sumalo ng lahat ng responsibilidad."

I froze when he mentioned what happened to their Dad.

"Nabaon kami sa utang kaya napilitan si Ateng magtrabaho habang pinagsasabay ang pag-aaral at paggawa ng paraan para makalaya si Kuya. Buong araw, gumagawa si Ate ng paraan para kumita at may makain kami sa araw-araw, mag-senior high school na rin ako kaya doble kayod si Ate para mapa-aral ako. Dumating na sa punto na tumigil po si Ate sa pag-aaral dahil hindi mabayaran ang tuition fee sa Culinary."

Adelaide stopped her studies? I didn't know...

"Halos tatlong taon din si Ateng naghanap ng ebidensiya para mapatunayan na inosente si Kuya at nagtagumpay siya, nakalaya si Kuya dahil nagkaroon ng sapat na ebidensiya na walang kinalaman si Kuya sa mga kasong 'yon at tanging napagbintangan lang sila."

Natahimik siya saglit at huminga ng malalim.

"Matapos makalaya ni Kuya, nakahanap siya ng trabaho kaya nagawang ituloy ni Ate ang pag-aaral niya. Pitong taon na inabot para lang mabayan ang lahat ng utang. Unting-unti na kami nakakabangon, si Kuya na-promote tapos nakapagpokus na si Ate sa pagiging Chef, nakilala siya ng mga tao bilang mahusay at nakapunta ng iba't ibang bansa. Matapos ang isa na namang tatlong taon, sinabi samin ni Ate na gusto niyang bumalik sa lugar natin upang makausap ka po at makahingi ng tawad."

I felt the goosebumps around my skin. I saw how his hand was shaking as well, he was very frightened. 

"Nang dahil sa maling akala, nang dahil sa mga sakim na tao, nasira ang pamilya namin. Nasira ang buhay namin. Kahit napatunayang hindi ito totoo, ang maayos at kumpleto na buhay namin ay wala na. Hindi na mawawala 'yong matinding hirap na naranasan ni Ate, ni Kuya, ni Mom at ni Dad. Idagdag mo pa po ang panghuhusga ng mga tao." he explained.

"A-all this time, I wasn't there for her when she badly needed someone."

"Ate pushed you away, Kuya and I saw how you spent five years, asking her why and did your best trying to save your relationship. Ate surely knew that you're been there every time. Pero ayon nga po, si Ate lang po talaga ang makakapagpaliwanag ng buong side niya." Napahikbi siya. "Gusto ko na pong mayakap si Ate, miss na po namin siya."

I gently pat his shoulder. "She'll wake up soon. Adelaide has always been tough."

Floral CardiganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon