k- 0 fs(- 3)

10 1 0
                                    

NASA silid na ako ng aming balay ni malakas. Di parin ako makapaniwala kung anong ba tong pinasok ko, sa mga teleserye at drama ko lamang ito nakikita, hindi kaya karma ito sa akin? at nagpagtataka bai lang di ko alam sa mga lenggwahe nila.

"magundula!" sigaw ko na kaya't agad agad pumasok sa silid si magundula.

"ano po 'yon bai hiraya?" Tanong nito.

"ano ang bai?" agad agad ko naman tanong dito, at bakas sa mukha ni magundula ang pagtataka.

"bai ay prinsesa, dahil kayo po ay anak ng isang datu at lakambini, ang mahal na datu ay isa sa mga malalakas na tagapagmuno." agad naman ding nitong sagot sa akin, prinsesa ako?? Anak ako ng isang datu.

~~~~

"Magundula, samahan mo ko mamimatas ng mga halaman gamot may alam kaba san tayo pwede mamitas?" saad ko. Gusto ko gumawa ng mga gamot at turuan ang mga mamamayaman sa pang gagamot, dahil ito ang gagawin ko habang naghahanap ako ng sagot sa mga tanong ko pano ako makakaalis dito

"alam ko po! kay ginoong baro ho tayo makakapitas ng mga halaman gamot, dahil nung nasa banwa ako ng baba niyo, sinamahan ko po ang inyong iloy mamitas." masigla nitong ani, kaya napatango ako at kinuha mga gamit ko.

"kung ganon halika't samahan moko mamitas" masigla ko ring sabi, pero hindi pa kumikilos si magundula.

"ngunit malalagot tayo kay ginoong malakas pag hindi po natin siya kasama." ani nito.

"ako na bahala, magundula. Ako na bahala makipag usap kay malakas" sagot ko naman at lumabas ng balay kasama si magundula. Dito ko itutuloy ang lahat.

~~~~

"Ginoong baro, ang bai hiraya ay nais mamitas ng halamang gamot sa iyong hardi- GINOONG BARO!" hindi na natapos ng isang uripon ang kanyang sasabihin na nadatnan ng lahat naka handusay ang ginoo, maski si hiraya di makapaniwala sa nakita.

"Tawagin ang punong babaylan!" Saad ko naman at nilapitan si ginoong baro, humihinga pa ito at pawis pawis na, wala naman bahid na sugat o ano man dugo kay baro.

"Ano ano ba ginawa ni ginoong baro?" tanong ko sa isang uripon ni baro, lumuhod ito at sinabi sa akin ang mga dahilan at pangyayari samantala ang ibang uripon ay tinawag ang punong babaylan.

pinaalalay ko muna sa mga armado kalalakihan si baro papuntang silid, habang inaantay ang punong babaylan. Habang kami ay nag aantay nakaramdam ako ng isang malakas ng ihip ng hangin at parang may bumubulong sa akin.

"magiingat ka sa mga nakikita nila sa magiging karugtong na iyong buhay" isang mahinhin na boses ang aking narinig sa dalawa kong tainga, kaya akala ko ay si magundula iyon.

"magundula tigilan mo nga iyong binubulong sa akin." Saway ko sakanya ngunit binigyan lang ako nito ng ganyan •-•

"bai hiraya, wala ako binubulong sa 'yo" ani naman nito. Kaya napatigil ako ng saglit, baka guni guni ko lamang iyon o gutom lang dahil wala ako almusal.

"Andito na po ang punong babaylan, bai." Saad ng isa sa mga uripon ni ginoong baro, si ginoong baro ay isang pang binata parang kasing edad ko lamang siya, moreno, matangka din at may kaakit akit na kagandahan na taglay din.

NGUNIT bago tignan si ginoong baro, hinawakan ng ale ang aking mga mapuputing kamay at pumikit ng mariin.

Ang babaylan ay isang salitang katawagan para sa mga katutubong Pilipinong manggagamot (karamihan ay mga kababaihan) at pinuno ng pamayanan. O tawagin din natin na sila ay nakakakita ng hinaharap.

"Tatlo magkakapatid, isa sa tatlo ang mamamatay sa hirap ng kalagayan.." sambit ito, kaya't natakot ko at inilayo ang kamay ko sa punong babaylan, at nangangamba.

"punong babaylan kailangan ni ginoong baro ang inyong tulong." Mahinhinkong wika dahil narin sa pag aalala at takot sa sinabi niya. Maya't maya umalis na ang punong babaylan pagod lang daw inabot ni baro, at kaya nagpaiwan muna kami ni magundula sa balay ni baro babantayan namin siya.

Naghanda naman na kami ng makakain para kay baro. Habang nakikipagusap ako kay magundula dumilat ang mga magagandang mata ni baro at tumayo sa kina hihigaan, kaya't lumapit ako sakanya at may tinanong.

"Ginoong baro, ayos lamang ba kayo? huwag muna kayo tatayo o magpapagod uli ng husto." saad ko.

"Ano at bakit kayo nandito magundula, at sino itong babae na to?" tanong ni barong, ay akala ko kilala niya ako peste pahiya ako dun ah. Todo alala pa naman ako tas di niya ako kilala?

Agad agad lumapit si magundula at yumuko kay baro.

"Salamat sa bathala dahil maayos po kayo, naparito sana po kami upang mamitas ng mga halamang gamot kasama ang bai hiraya, si bai hiraya po ay anak ni datu lumad galing po si bai hiraya sa banwa madula at umuwi sa ating banwa." Mga salaysay ni magundula, kaya napatango si baro.

"Nawalan daw po kayo ng malay ayon sa punong babaylan, kaya't kami po ni bai hiraya ang nagasikaso sainyo po." Dagdag pa nito. Ngumiti sa akin ang ginoo ng napakagandang ngiti, kaya napangiti rin ako na may nakakahiyang ngiti.

"maraming salamat bai hiraya, hulog po kayo ng bathala."

Ipinikit ko ang aking mga mata sa sandaling ihip ng hangin, hanggang sa...

"Maraming salamat Binibining Giraya" ani ng isang lalake, nagulat ako kasi ibang lalake ang nasa harap ko! Hindi ito si ginoong baro. Isang lalake naka barong at gulo gulo ang buhok, pinalibot ko ang paligid kami lang tatlo nila magundula ang nasa silid, naiba ang lugar!

"magundula! ANO ang nangyari!" agad agad ko saad dahil nag papanic ako sa nangyari. Gulat napatingin sa akin si magundula pagtingin ko naman kay magundula! Hindi si magundula ang kasama ko.

"Binibining Girina! sino po si magundula??" tanong din nito sa akin, napagulat ako at dahan dahan pumunta sa pinto, ano ang nangyayari!

~

NAPADILAT ako dahil nararamdaman ko na madaming nakatingin sa akin.

"Binibini! Ang binibini ay gising na! Tawagin si ginoong lakas ngayon din!" saad ng dalaga na parang uripon din, napahawak ako sa akin ulo. At ganon pa din nandito parin ako sa ewang lugar.

"Nasan ako, sino ka.." Ani ko sa dalaga.

"ako ho ito señorita, si magua. At nasa san idelfonso po kayo." Sagot naman nito, ang pag ka aalam ko nasa banwa ako kasama si magundula at si ginoong baro!

tumingin ako sa paligid at buti nalang may kalendaryo dun kaya napatingin ako sa date.

Enero 14 1856

HUWAAAATTTTTTT!!! bat naiba ang lahat!


END OF CHAPTER 3

diwani (𝐎𝐍 𝐆𝐎𝐈𝐍𝐆)Where stories live. Discover now