CHAPTER 3

6 0 0
                                    

Nag dilat ang mga mata ko tumama iyon sa liwanag kaya napapikit akong muli. Nagising ako sa isang silid na hindi pamilyar sa akin. Puro puti at asul ang naroon. Nakasuot rin ako ng hospital gown.

Nasaan na naman ba ako? Baka kinuha na naman ako ng sindikato. Inalala ko ang mga nangyari. Nabaril ako! Tinignan ko ang buong katawan ko at may gauze na ang braso kong nabaril.

Tang ina naman kasi ni Mr. Valleje! Bakit akong ang binaril niya? Dapat si Kiernan dahil ayon naman ang kalaban niya.

Bumukas ang pinto at pumasok doon ang nag ngangalang Xavier. Natandaan ko ang mukha at pangalan niya.

"Mabuting gising ka na. Halos dalawang araw ka rin tulog," Nag lakad siya patungo sa paahan ng hospital bed.

"Dalawang araw? Are you joking?" Gulat kong tanong.

Paanong dalawang araw akong tulog? Sa braso lang naman ako tinamaan. May iba pa bang nangyari sa akin na hindi ko alam?

"I'm not joking, Khadija. Dalawang araw kang tulog. Dahil na rin 'yan sa pagod at gutom. I guess, hindi ka pinakain ni Mr. Valleje," Tinignan niya ako sa mata.

Doon ko rin napansin ang mata niya. Kulay asul iyon pero mas light ang kaniya kaysa kay Kiernan.

"Nasaan ako?" Tanong ko at bumangon. Naalarma naman siya sa pag tayo ko kaya dinaluhan niya ako upang alalayan.

"Yegor's Palace in Russia," Sagot niya sa akin.

Napabitiw ako sa hawak ko sa kanya. Letse! Russia? Anong ginagawa ko rito? Paano ako napunta rito?

"Bakit ako na sa Russia?" Umupo ako muli sa aking hospital bed.

"Walang tiwala ang kapatid ko sa mga doktor sa Pilipinas kaya ka niya dinala rito," Umupo siya sa couch na naroon.

"Maayos na ba ako? Pwede na ba ako umuwi?" Tanong ko sa kanya pero bumukas ang pintuan.

"Who says you're going home?" It's Zagreus Kiernan.

"Ah? Bakit? Hindi naman ako taga rito. Tsaka pwede bang sabihin niyo sa akin kung bakit ako naririto?" Tininignan ko pa silang dalawa.

"You don't remember?" Napatayo pa si Xavier sa pagkakaupo niya.

"I remember what happened. Nabaril ako ni Mr. Valleje sa braso 'di ba? Ang pinagtataka ko ay paano ako napunta rito at ano ang nangyari roon? Gusto ko lang rin malaman kung ligtas na ba ang mga kasama kong babae?" Nakanguso kong tinignan si Xavier.

"Don't pout," Sita sa akin si Kiernan.

"Let her, Kuya," Nakangising tinignan pa ni Xavier si Kiernan.

"Care to explain to me? Please?" Tumayo ako muli at ayon na naman si Xavier upang alalayan ako.

"Xavier! Out!" Parang lumindol sa sigaw ni Kiernan.

"Chill, brother. Inaalalayan ko lang kagigising lang niya after two days," Saad ni Xavier.

"I said out! She doesn't need your help," Lumapit pa siya.

"Hoy! Kailangan ko kaya ng tulong. Nagugutom na rin ako," Iritado kong sagot sa kanilang dalawa.

"See? She needs my help," Biro pa niya.

Tinignan siya ng masama ni Zagreus. Letse rin 'tong si Xavier, e. Pag ako binaril ng kuya niya, siya ang gagawin kong panangga!

"Tell the chef to cook her food," Utos niya agad namang sinunod 'yon ni Xavier.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 11 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Yegor's Palace 1: Chained By That Russian ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon