Prologue

8 1 0
                                    

A/N: Please vote, comment and share! 😉😉

Basahin mo pa lang 'to ay ayos na sa 'kin. Salamat sa pagbabasa, sana magustuhan mo. 😊😊😊

ADVANCE MERRY CHRISTMAS! 🎄💗

PROLOGUE

Nakakatuwa silang panoorin. Isang maliit na pamilya na nagsasalo-salo sa hapag kainan. Sayang nga lang, dahil ito na ang huling beses na magagawa nila 'yan.

Gustuhin ko mang hindi na ituloy ang balak ko pero hindi pwede, lalo na't malaki ang kasalanang kaniyang ginawa sa akin at sa pamilya ko.

At ngayon na ang tamang oras para makaganti ako sa kaniya. Sa lalaking sumira ng lahat. Sa lalaking nagpa-hirap sa pamilya ko. Sa lalaking pumatay sa mga taong pinaka-ma-mahal ko.

Maximus Antonio Rizal.

Napapikit nalang ako habang paulit-ulit na nagpapabalik-balik sa ala-ala ko ang lahat ng nangyari noong gabing 'yon.

Ang gabing pinaka-kinamumuhian ko. Ang gabi kung saan nasaksihan ko ang pinaka-masakit na pangyayari sa buong buhay ko. Ang gabi kung kailan.. sa harap ko mismo.

SA HARAP KO MISMO PINATAY ANG PAMILYA KO!

Marami na rin ang nasayang kong oras, kaya hindi na ako papayag pa na madagdagan iyon. Sapat na ang apat na taon na nasayang ko para paghandaan ang araw na ito. ANG ARAW KUNG SAAN KO SIYA PAPATAYIN.

Sariwang-sariwa pa rin sa akin ang lahat ng nangyari noong gabing 'yon.

MASAKIT. SOBRANG SAKIT!

Walang katumbas na sakit ang naramdaman ko noong gabing 'yon. Lahat sila ay nawala sa piling ko. At tila himala na ako lang ang natira. Hanggang ngayon tuloy ay palaisipan pa rin sa akin ang bagay na 'yon.

Batid kong alam niya na naroon ako, kaya bakit mas pinili niyang iwan at itira ako?

Pero mabuti na rin ito dahil kung pati ako ay nawala, walang makakapag-higanti para sa pamilya ko.

Hah! Humanda ka Maximus, dahil ipaparanas ko sayo ang hirap na dinanas ng pamilya ko sa kamay mo.

Naghintay lang ako ng ilang minuto bago sumugod. Maraming humarang sa 'kin, kaya napangisi ako. THIS IS EXACTLY WHAT I WANT.

Ang makakita ng dugo. Ang mapatay lahat ng taong pipigil sa 'kin. ANG MAKAPAGHIGANTI!

Kung hindi suntok at sipa ay nakakatanggap sila ng hiwa mula sa dagger na hawak ko. Sunod-sunod din ang mga naririnig kong sigaw at mura dahil sa sakit na natatamo nila mula sa akin.

'S-sino ka ba?!'

'Putangina mo!!!'

'Demonyo ka! Hayop!'

'Aarrghhh tama na!!!!!'

'Punyeta ka!'

'Tarantado!'

'Siraulo ka, gago!'

'Maawa ka samin..'

'Please, ayoko na! Maawa ka!'

'MAMATAY KA NA SANA!!'

Malakas na sigaw nila kaya napatawa ako ng malakas. Gustong-gusto ko talaga na naririnig silang nagmamaka-awa sa sakit.

Kung tutuusin kulang pa 'to si ginawa ng boss nila sa pamilya ko!

Hindi ko muna sila pinatay dahil gusto kong makaranas muna sila ng matinding hirap at pasakit. Gusto kong sumigaw at magmaka-awa sila sa harap ko na gusto na nilang mamatay kesa ang danasin ito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 07, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Only Girl Where stories live. Discover now