Binilisan ni Leann ang pagtakbo. Male-late na siya sa unang klase! Na-late kasi siya ng gising. Dahil absorbed siya sa pag-aaral, nakalimutan niyang i-set ang kaniyang alarm clock at cell phone niya. At hayun at para siyang binagyo makaabot lang sa unang subject niya aa umagang iyon.
Naku naman! Nasa'n na ba 'yong suklay at ponytail ko? Mukhang naiwan ko pa yata, tanung ni Leann sa isip habang binubutingting ang sling bag. Maano man lang na makapagsuklay siya at makaipit man lang. Pagkaligo at pagkabihis niya ay dali-dali siyang umalis na ng bahay. Hindi na siya nakapag-face powder at nakapagsuklay kaya para na siyang dinaanan ng malakas na bagyo, bruhilda.
At dahil abala siya sa pag-hunting sa suklay at pony, natalisod tuloy siya at nasagi ang isang estudyante. Nahulog din ang mga gamit at librong dala niya sa sahig. Lalaki ang nasagi niya base sa nakitang dalawang kamay na tumulong sa kanya sa pagtayo at pagpulot ng mga gamit niya.
"I'm sorry! Pasensiya ka na at nasagi pa kita. Hindi kasi ako tumitingin sa dinaraanan ko. Male-late na kasi ako sa unang subject ko kaya ako nagmamadali. Sorry talaga," hinging-paumanhin ni Leann sa lalaking nasagi habang tumatayo.
"It's okay. Hindi naman ako nasaktan. Ok ka lang ba?" Ikaw itong natalisod, eh.
Noon siya napatingin sa kaharap. Ganoon na lang ang gulat ni Lala nang mapagsino ang kanyang nasagi. Si Dylan Matt Olivarez!
Dylan Matt Olivarez was a campus heartthrob. A Civil Engineering student. Galing ito sa mayamang pamilya. Sikat na sikat ito sa eskuwelahan nila dahil sa maamo at guwapo nitong mukha. Maraming babae at binabae ang nagkakandarapa at nagkakagusto sa lalaki. Bukod sa kaguwapuhan na taglay ni Matt, magaling din ito maglaro ng basketball at Math. Kapag basketball competition, si Matt ang palaging pambato ng mga taga-College of Engineering. At dahil dito kaya palaging nananalo ang mga ito. Kung tutuusin ay puwedeng puwede si Dylan Matt sa UAAP. Pero wala raw itong interes sumali at hobby lang ang paglalaro ng basketball.
Ang guwapo pala talaga ni Dylan Matt sa malapitan parang nasa langit kana, mala-anghel ang datingan ng binata. Napakatangkad. Hanggang dibdib lang siya nito. His hair was disheveled. Pero kamangha-manghang maayos pa rin itong tingnan. Litaw na litaw ang kaguwapuhan pa rin. He had bluish gray eyes. At parang laging nakangiti ang mga mata. His scent was manly. Nakakaakit naman talaga.
Bigla tuloy na-conscious si Leann sa hitsura niya. "O-okay lang din ako. Salamat" Iyon ang unang beses na nakausap niya si Dylan Matt.
"Duh? Baka sinadya niya lang magpatalisod at masagi si Matt para magpapansin."
"Tama. Trying hard. She looks poor dirty and ugly. And a witch, too. Look at her hair. Super messy, parang gubat in short Bruhilda."
Tumawa ang mga ito.
Hindi iyon nakaligtas sa pandinig ni Leann. Nakita niya ang tatlong babaeng malakas na "nagbubulungan, nag-ma-marites" hindi kalayuan sa kinatatayuan nila ni Dylan Matt. Sa hitsura pa lang ng mga ito, masasabi niyang mayaman ang tatlo. Mga sosyalera. Madiel was exception. Kahit mayaman ang best friend, mabait pa rin ito sa kanya kaya mabilis silang nagkasundo. Hindi lang talaga maiwasan na maka-encounter siya ng mga nanghahamak ng kapwa na schoolmate.
"Sige, mauna na ako. Salamat uli," paalam niya kay Dylan Matt. Hahakbang na sana siya nang pigilan siya ng binata sa braso. Natihilan si Leann dahil parang may kuryenteng nanulas sa kanyang ugat aa paghawak nito. Bumilis din ang tibok ng kanyang puso. Ano ang nangyayari sa kanya?
"Wait, alam kong male-late ka na but I have to do this." Marahan siyang hinila ni Dylan Matt palapit sa kinaroroonan ng tatlong babaeng nagparinig sa kanya. Dahil sa kakaibang nararamdaman at pagkawala sa sarili kaya walang kahirap-hirap siyang nahila nito. "Both of you, ano nga ulit 'yong sinabi n'yo? That this girl looks poor, dirty and ugly? A witch? That she's trying hard to get my attention? Narinig n'yo naman, right? Na male-late na siya sa klase nila kaya siya nagmamadali at kaya niya ako nasagi?" paninita ni Dylan Matt sa tatlong babae na ikinasinghap ng mga ito. Pati siya ay napasinghap. Hindi siya makapaniwalang ipinagtanggol siya ni Dylan Matt!
"K-kasi... M-Matt..." nauutal na sabi ng isang babae. Pahiyang-pahiya ang mga ito.
"Apologize to her," utos ng binata sa mga ito.
Matalim siyang tiningnan ng tatlong babae. "Sorry," sabay na sabi ng mga ito pagkatapos ay umalis na.
Alam ni Leann na hindi naman sincere ang mga ito sa pagso-sorry sa kanya. Obvious na obvious na napilitan lang ang tatlo dahil kay Dylan Matt.
"Pasensiya ka na," anito mayamaya.
"H-ha? Bakit ka naman humihingi ng pasensiya? Wala ka namang kasalanan," nagtatakang sabi niya.
"Dahil sa akin, kaya nila nasabi ang mga bagay na 'yon sa'yo."
"W-wala 'yon. Salamat din sa pagtatanggol sa akin. Pero kailangan ko na talagang mauna. Male-late na ako aa klase."
"Oh, right." Tumawa ito. "You can go now."
Saglit na napatitig si Leann kay Dylan Matt. Ang ganda-ganda naman ng ngiti niya. Nakakatolero pala talaga ang kaguwapuhan niya. Nginitian din niya ito, saka nagmamadaling tumakbo papunta sa kanilang classroom.
Laking pasalamat ni Leann at wala pa ang professor nila. Nakapag ayos pa siya ng kaniyang sarili. Nakasabay rin niya si Madiel kumain ng pananghalian. Ang buong araw ng klase niya ay naging matiwasay at wala ng naging problema.
YOU ARE READING
It started on a right swipe
RomanceMahilig si Leann na manood sa mga vlogs sa youtube . Palagi niyang napapanood roon ang mga LDR couples sa pamamagitan ng Apps na tinatawag na Tantan, isang site sa pakikipag-chat. Marami ang walang jowa na nagtratry sa Apps na ito at napagtatagumpa...