CHAPTER 2

567 13 0
                                    

"Why do you look so sad Princess?" Tanong nito sakin, hindi ko maaninag ang mukha niya pero ang boses niya ay masarap sa tenga. I can imagine his angelic face.

"E kung ikaw kaya i engage sa di mo kilala, matutuwa ka?" Sagot ko naman. "Well depende yun sa papakasalan ko, as for me wala naman akong pakialam sa love e. I don't believe in love and luluha kalang don kaya mas mabuti pang pakasalan mo nalang yung makakatulong sa kompanya nio diba" anito.

Maya maya pa ay narinig ko ng tinawag ako, "Tonight is also the engagement of my daughter Asher Kieanna Guzman and the son of Mr. And Mrs. Semper Jericho Lanze Semper for the partnership of AshGon group of companies and the Semper Company" saad ni mom sa mikropono at nagpalakpakan lahat.

Umakyat ako agad sa stage at tumabi sakin ang Jericho na sinasabing fiance ko na. Ayoko siyang lingunin pero may nagtutulak sakin na tingnan siya kaya naman ay napalingon ako.

I was standing beside a hot gorgeous guy! His grey colored eyes don't show any emotions, his pointed nose, and his thin reddish lips! God! Feeling ko pwede akong mahimatay dito ngayon. Is he a God? Artista?

"Don't stare too much princess" he said coolly and I realized na siya yung kausap ko kanina. Napahiya naman ako at nag iwas ng tingin, I heard him chuckle.

Damn! Ang pogi naman neto. Sure ba sila na sa kanya ako papakasal? Payag na talaga ako as in payag na payag!

Matapos ang picture taking ay bumaba na kami ng stage at kasama parin namin sila Jericho at ang parents niya.

"Happy birthday hija! Your daughter was so gorgeous Kino, manang mana talaga!" Saad ni Mrs. Lazenne, "Uh thank you po Madam" magalang na sagot ko at natawa naman sakin ang ginang. "Hija, don't call me Madam. From now on you should call me tita or pwede ring mom nalang" anito at humagikhik. "At dahil engaged na kayo ng anak ko, you are moving into our mansion!" Ani pa nito na mukhang excited.

Nilingon ko si Jericho and I saw him smirking. What are you thinking moron! "I'm so excited to have you in the mansion, bukas ay susunduin kana ni Jericho at doon muna kayo habang wala pang nabibiling bahay si hijo. Don't worry hija di ka mabo bored don" saad uli ng ginang at niyaya si mom na mag usap sa malayo.

Naiwan kaming dalawa ni Jericho at wala kaming imikan. Tahimik lang kaming dalawa kaya naman ay nailang ako and I started a conversation. Pero bago pa ko magsalita ay nauna na siya.

"Nice to meet you my fiancee. Don't worry, di naman kita papahirapan" saad niya. "Yeah whatever" masungit na sagot ko. Nagulat ako ng kunin niya ang kamay ko at isinuot doon ang isang singsing. "We're engaged now and dapat lang may engagement ring" he explained. I looked at the ring that has a red stone, mukhang mamahalin at saktong sakto lang sakin.

"So ikaw pala kanina yung nakausap ko, why didn't you tell me na ikaw na pala ang fiance ko?" Tanong ko sa kanya, "Well wala naman, I just want you to find it out your own" saad nito bago ngumiti at umalis.

I was left there imagining being married to that guy. I even told mom and dad na ayokong magpakasal kaso ngayon parang payag na payag na yata ako.

Natapos ang party at pumasok nako sa kwarto para matulog pero pumasok naman si kuya Ashton. "Can I have a minute with you?" Anito, close na close kami ni kuya noong bata pako, he's 5 years older than me. Mula ng lumaki ako at nagdalaga ay hindi na kami masyadong nagkakausap dahil medyo busy din siya.

"Uh sure kuya" saad ko at umupo siya sa gilid ng kama ko. "Happy birthday" malambing na ani nito at iniabot sakin ang regalo niya. "Thanks kuya" saad ko at niyakap siya at hinalikan niya naman ako sa noo. Sweet talaga si kuya sakin at overprotective din kaya naman walang lumalapit saking lalaki.

"You're already 18, at engaged kana. Kahit ayaw ko mang ipagkatiwala ka kay Jericho ay hindi pwede, pero kung saktan ka man niya ay sabihan mo lang ako. Sigurado kana ba talaga na papayag ka dito? Pwede ka namang tumanggi" saad niya habang malamlam ang matang nakatingin sakin.

"Oo naman kuya, tsaka mukha namang mabait si Jericho. Don't worry kuya hindi naman kita kakalimutang bisitahin e, tsaka kahit anong mangyari ikaw parin naman ang ikalawang lalaki sa buhay ko e ikalawa kay daddy" sagot ko naman.

"Oo na, basta kung sakaling magbago ang isip mo sabihan mo lang ako ha. I love you princess" sabi niya pa, "I love you too kuya" sagot ko naman, "Sige na magpahinga kana, alam kong pagod ka. Goodnight" saad niya bago umalis at sinarado ang pinto.

Natulog na ako agad, bukas ay lilipat nako sa bahay nila Jericho at sana naman ay maging ayos lang ako don.

Arranged MarriageWhere stories live. Discover now