Chapter 6

449 11 0
                                    

Inumpisahan ko na ang pagluluto at sisiguruhin kong magustuhan niya ito. First time ko palang ipatikim sa iba ang luto ko, kahit kila mom at dad ay hindi ko ito pinapatikim dahil sa takot na hindi nila magustuhan pero alam ko naman sa sarili kong marunong at magaling talaga ako.

I was humming and dancing while cooking, mom once told me na mas masarap ang niluto kapag hindi labag sa loob mong gawin ito.

After kong magluto ng adobo ay naglinis na ako sa kusina at umakyat sa kwarto para mag ayos. Bumaba ako at ni prepare ang table.

Tiningnan ko ang oras at maaga pa naman, it's still 6 o'clock. Hindi ko na ni text si Jericho para ma surprise siya.

Matiyaga akong naghintay at ilang beses pa akong lumingon sa cellphone dahil iniisip ko kung tatawagan ko nalang ba siya pero sa huli ay ipinilig ko nalang ang ulo ko at napagpasyahan hintayin nalang siya.

Medyo matagal na rin akong naghihintay, almost 1 hour na at sa ganitong oras ay nandito na dapat siya. Isina walang bahala ko nalang iyon at hindi na inisip pa, basta hihintayin ko nalang siya at sabay kaming magdi dinner.

An hour passed again and again and now it's 10 in the evening at medyo nakakatulog na ako. Nilalabanan ko nalang ang antok ko pero makalipas pa ang kalahating oras ay napagpasyahan ko nalang na humiga, tinakpan ko nalang muna ang pagkain.

Hindi na ako kumain dahil nga sa antok at papahiga na sana ako ng tumunog ang cellphone ko. Pumasok dito ang message ni Jericho.

JLanze

- I'll be home late tonight. Mauna ka nalang kumain at matulog ka ng maaga. Good night and see you tomorrow morning. I'm really sorry

Matapos kong mabasa iyon ay kusang lumaylay ang braso ko at hindi ko namalayang tumulo ang luha ko.

I prepared and put effort just to be a good fiance pero wala lang palang patutunguhan, ni hindi na nga ako kumain dahil sa pag hihintay sa kanya tapos malalaman kong hindi pala siya makakauwi. I hate him!

Tahimik kong hinayaang dumaloy ang luha ko. Hindi ko inakalang ganito ang magiging epekto nito sakin, just because of that dinner na hindi natuloy iiyak na ko? Duh! Bahala siya sa buhay niya.

Nakatulog nalang ako dahil sa kaiiiyak.

Nagising ako ng maramdaman kong bumukas ang pintuan ng kwarto at alam kong si Jericho na iyon ngunit hindi ko na iminulat ang mata ko.

Ramdam ko ang paglapit niya sakin at ang bahagyang pag halik niya sa ulunan ko. I even felt him touching my face.

"I'm sorry kung hindi ako nakauwi agad. If only I knew that you prepared dinner for us edi sana umuwi nalang ako agad. I'm really sorry, you could've texted me and told me that you prepared. Babawi ako sayo baby, I'm really sorry" rinig kong bulong niya at hinalikan ang noo ko.

Kung alam mo lang! I want to tell him how angry I am but I stayed quiet. Narinig ko ang pagbukas ng isang pintuan bago ang dumadagasang tubig mula sa shower.

Maya maya pa ay naramdaman ko na ang marahang pag tabi niya sakin at tinabunan ng kumot ang katawan ko bago ako niyakap at isiniksik ang mukha niya sa leeg ko.

Hanggang sa nakatulog nalang ulit ako.



Nagising ako at nagmulat ng mata ngunit napapikit ulit ng tamaan ako ng sinag ng araw mula sa bintana ng kwarto namin. Today is Sunday at walang trabaho ang fiancee ko ngayon.

Nag iinat ako ng narinig kong bumukas ang pinto at iniluwa nito ang gwapong si Jericho. Pawisan ito at nakasuot pa ng apron at may dala pang sandok at pagkain para sakin.

"Good morning! Breakfast in bed! How's your sleep princess?" Nakangiting tanong niya sakin. "Good morning too, I had a good sleep except that I didn't eat dinner last night because I was waiting for my fiancee but he didn't came home" pagpaparinig ko sa kanya.

Lumapit ito sakin at masuyong hinawakan ang dulo ng buhok ko. "Hey I'm sorry, busy kasi sa office at may kailangan pa kong tapusin kagabi kaya hindi ako nakauwi. Don't worry, I don't have work today, babawi ako" aniya.

"Ok but please let me eat breakfast first. Kumukulo na ang tyan ko" saad ko and he chuckled at lumayo na sakin.

"Get yourself ready, we're going somewhere" aniya bago humalik sa pisngi ko at lumabas.

Naghanda na ako at pagkatapos ay bumaba na, naka dress lang naman ako at siya naman ay naka pants lang din at T-shirt.

"Let's go" aniya at nauna nang lumabas.

Sumunod na ako sa kanya at pagpasok sa kotse ay tinanong ko siya kung saan pupunta and he said grocery lang daw.

Sa totoo lang ay medyo di parin ako nakaka move on sa nangyari kagabi. Nag effort pa ko at hinintay ko pa siya, ni hindi nga ako kumain kahit medyo gutom na ko para lang magkasabay kmi. Nilingon ko siya at seryoso lang siyang nakatingin sa kalsada.

"Sorry about last night, I wasn't able to come home but can you cook again later? I liked it and I'll eat with you" aniya at hindi na ako sumagot.

Arranged MarriageWhere stories live. Discover now