RANDOM MEMORY #1
Yung pag may ma-alala kang kalokohan na ginawa, ma-alala mo din sya. Kasi either ginawa mo yun na kasama sya or sakanya mo ginawa.
Example:
Papa-uwi na kami galing, aba ewan ko saan yun, basta natatandaan ko may pedestrian lane. May napanuod kasi ako nun, yung girl pinagtripan nya si Guy. Bago sila tumawid ng Pedestrian lane sinabihan nya yung guy na magwish at after nun tapakan nya lang yung white lines hanggang sa makatawid sila at dapat i-hold ang paghinga. Ang weird di ba, so tinry ko sakanya.
Eto na. tatawid na kami. Sakto naman na wala masyadong sasakyan. Hinila ko sya sa braso nya.
"Alam mo ba, sabi nila. Kapag tumawid ka daw sa pedestrian lane tapos yung mga white lines lang yung tinapakan mo habang pinipigil yung hininga mo hanggang sa makatawid ka eh matutupad daw yung hiling mo" sabi ko sakanya habang nakahawak pa din sa braso nya para pigilan syang tumawid.
Tinignan nyo ako ng masama. Tas tinignan yung mga kasama namin na nauna na.
Binalikan ko sya ng masamang tingin. "hoy! Seryoso yun" sabay palo sa braso nya.
"tssss. Isip bata" hinila nya yung braso nyang hawak ko.
Hinila ko sya ulit. "Mag-wish ka na muna. Wala namang mawawala kapag ginawa natin to di ba"
Tinignan nya ako sabay pikit "hayyy. Nakooo. Ikaw talaga" rinig ko.
Di ba. Bibigay din sya. Pakipot lang tong lalaking to eh. Haha. Inarte nito. Sus, eto pa. Syempre nag-wish din naman ako. Kahit alam kong kalokohan lang yun. Pero malay ko naman di ba.
"Oh pwede na tumawid?" tanong nya.
"White lines lang tapos hindi hihinga ha" pagpapa-alala ko bago ako tumawid pero hinila nya ako.
"Aba, teka. Kailangan ko masiguro na hindi ka din hihinga" tapos sinipit nya yung ilong ko.
Ginaya ko sya kahit na mas matangkad sya sa akin, pinilit ko ding abutin ang ilong nya.
Para kaming ewan na tumawid na dalawa. Potek. Medyo nakakhiya pala yun. Naka-uniform pa kami nun.
Pero tawa kami ng tawa pag ka-tawid namin. Hindi ko alam kung bakit ako natatawa pag-naiisip ko yung ginawa namin eh, pero nakakatawa talaga.
"Anong winish mo?" tanong nya sa akin habang naglalakad.
"Secret! Baka hindi matupad. Abnormal ka ba?!! Pero ikaw anong wish mo??"
"Secret!! Abnormal ka din no!"
Natawa ako "HAHA. Kitams, gusto mo din matupad wish mo eh"
"Pshhhh. Alam ko namang di matutupad yun eh"
"Malay mo naman? Eh ginawa naman natin lahat ng kailangan" sabi ko. Keeping up with my cheperness.
"sabagay. Gayang-gaya sa napanuod ko na anoooo... tssss. Ano nga title nun..."
Napahinto ako sa sinabi nya. Tsss. So alam nya?!!! Pshhhhh!!!! Badtrip. Nakaka-inis. Akala ko pa naman hindi nya alam. Akala ko maloloko at maiisahan ko na sya. Arrghhh. Iiniisip ko pa naman paano sasabihin na hindi naman totoo yun. Hayyyyy.
Binalikan nya ako at inakbayan. "Atleast, naunahan mo ako dun" sabay tawa ng malakas.
Wala na akong nagawa kung hindi matawa. So balak nya din palang gamitin sa akin yun.
Sinuntok ko na lang sya at pinagpapalo.
xxx
Ngayon na nakaharap ako sa pedestrian lane. Ikaw ang naaalala ko.
Masaklap lang na sa dami ng kalokohan nyo ang hirap limutin ng mga iyon.
Bakit nga ba kailangan pang limutin?
Aba, syempre. Mahirap kaya mag-move on kung babalikan mo lang ng babalikan yung past. Di naman pwedeng tuklapin ng tuklapin yung sugat mo para maalala mo na nasaktan ka eh, minsan kailangan mo yun hayaan maghilom mag-isa.
That maybe will work with you.
BINABASA MO ANG
Random Daydreams
RomanceOne shot stories. Sometimes, inspired from true events. Mostly daydreams and what ifs.
