Of Class breaks

10 0 0
                                    

Napakabihira ng pagkakataon na to. Magkatabi kami ni Gino ngayong Seminars class. Goodluck sa kapayapaan ng klaseng ito. Goodluck din sa aming dalawa. Nawa'y walang ma Call attention sa amin.

Matiwasay na natapos yung first speaker sa klase namin. Pero itong pangalawang speaker, parang hindi na kinakaya ng attention span ko, nasagad na ata.

Tinignan ko si Gino na halatang nagpapanggap na lang na nakikinig.

"hoy" mahina kong sabi ng may kasamang pag-siko kay Gino.

Tinignan nya lang ako na para bang nagtatanong ng bakit

"wala lang" sabi ko ng hindi nakatingin sa kanya

Naramdaman kong umayos sya ng upo at nangalumbaba sa may table namin.

"Inaantok na ako" sabi nya habang nakatingin sa harap.

Kunwari ay may sinulat ako sa notebook ko pero lumapit lang ako sa table para maka-usap si Gino ng pabulong

"Alam ko, halata kaya"

Napatingin sya ng saglit sa akin. Iniyuko ko na lang yung ulo ko kasi natatawa ako sa reaction nya. Tinignan ko sya ulit at ngumiti

"Ano?" tanong nya na parang naiinis na

Dahan-dahan kong kinuha ko yung notebook nya na wala ng sulat bukod sa title ng topic at sinong lecturer.

"Ay isip-bata" sabi nya ng mabasa nya yung nakasulat na:

ang panget mo

Nangisi na lang ako sa itsura nya

Bigla syang tumingin sa harap kaya't napatingin ako bigla. Binasa ko yung presentation para tignan kung nasaang part na ng discussion.

Naramdaman kong tumawa sya pero mabilis syang nagkunwaring nagsusulat.

"Epal" mahina kong sabi

Naloko ako nun ha. Baka kasi napansin na pala kami ng lecturer na hindi nakikinig. Kahit nasa may 3rd Row kami pwedepa rin kaming mahuling hindi nakikinig. Although, alam ko na hindi lang naman kami yung nagpapanggap sa klaseng ito.

"Masyado ka namang kabado" mapang-asar nyang sinabi

Hindi ko alam bakit napakabagal ng oras namin ngayon.

Tinignan ko si Gino na kinakalkal ang bag ko na nasa pagitan ng upuan namin.

"May pagkain ka ba dyan?" tanong nya

"Meron" sagot ko

"Labas mo na oh"

"Ubos na na eh"

"Bwisit to. Umasa ako"

Tinawanan ko lang sya

"Pero nagugutom na nga din ako" sabi ko sakanya "bili tayo?"

"Sige. Baba tayo" sabi ni Gino na parang nag-iba yung awra nya

Tumango lang ako at tumingin uli sa harap.

"Mauna kang lumabas tas-" pabulong kong sinasabi pero naka-alis na agad si Gino sa kinauupuan nya.

Natawa ako dahil halatang-halata na gusto nya ng umalis ng room. Pinakiramdaman ko kung nakalabas na sya ng classroom at unti-unting kinuha yung wallet ko sa bag. Buti na lang ay nasa may bandang gilid kami ng room at di kami gaanong makaka-abala kapag tumayo.

Sinakto ko na nakayuko ang lecturer at agad akong tumayo para lumabas na.

"Tagal mo naman. Kala ko tinokshit mo na ako" Sabi ni Gino ng nakabusangot

Random DaydreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon