Chapter 19

645 29 9
                                    

Benj's POV


It's been a month since nagkabati kami ni Lexie, thanks to Shirley. Back to normal na ang lahat.


Wala ng Benj at Lexie na nagbabangayan araw araw.


Wala ng Benj na gumagawa ng pranks para mapahamak si Lexie.


Wala ng Lexie na sinusungitan ako.


Wala nang nangb-bully sa school.


At most importantly, wala ng 'The Breakers'.


Na-realize ko kasi na yung mga pa-siga siga effect na dala ng grupong yun, wala namang mabuting naidudulot. Puro sakit lang ng ulo, kaya binuwag na namin. Pang-grade school lang kasi yung mga ganun. Na-suspend pa nga ako ng isang linggo matapos nung incident na nangyari kay Shirley eh. At hindi lang iyon, my dad cut-off my allowance at binlock niya rin yung bank accounts ko. Buti nalang kahit papaano ay may naipon ako, hindi naman kasi ako gastador.


Pero buti nalang, ngayon ay maayos na ang lahat. Napatawad na rin kami ni Shirley kaya ok na at nag e-enjoy na rin ako ngayon sa circle of friends ko kasama syempre nina Shirley, Lexie, at Patty. Too bad Marj had to leave LuvU, pumunta kasi siya ng ibang bansa dahil gusto ng daddy niya na doon siya mag-aral.


We were there during her departure though, kahit papaano naman ay naging malapit narin sa amin si Marj kahit sandaling panahon lang kami naging magkakaibigan.


And as for Ms. Sungit, na hindi na masungit ngayon. Na-realize ko na masaya din pala siyang kasama at mas gumaganda siya kapag nakangiti at hindi nakabusangot.


Kung hindi lang siguro masama yung naging simula namin? Baka nagustuhan ko na yun ngayon eh.


"Hoy Benj, tulala ka na naman jan. Alam mo ba na kada natutulala ang isang tao, namamatayan siya ng neurons sa utak." sabi ni Shirley sabay siko sa akin. Kasalukuyan kasi kaming kumakain sa cafeteria ngayon at medyo na-spaced out ako nung nag-reminisce ako ng mga nangyari this past month.


"Oh please Shirley, drop the nerd game. Wala tayo sa klase, wag kang magpakadalubhasa sa Biology, sumasakit lang ang ulo ko sayo." pabirong sabi ko sa kanya at umirap naman siya.


Kahit kailan talaga itong bestfriend ko, napaka-tomboyin pero kung umirap akala mo kung sinong maarteng babae.


"Hindi ba sumasakit ang ulo niyong mga babae sa kakairap niyo?" tanong ni Drake.


"Nako, hayaan niyo na nga ang pag-irap irap ni Shirley. Yan nalang ang natitirang sign na kahit kapiraso man lang ay may pusong babae parin itong si Shirley." sabi ko.


"Pinagt-tripan mo ba ako, Jalbuena?" sabi niya habang inaambahan ako ng suntok.


"Psh chill ka lang, bestfriend. Hindi ka naman mabiro. May dalaw ka ano?"


 

LuvU Too :">> (NashLene/JaiLene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon