Chapter 21

267 15 6
                                    

Shirley's POV


Napapansin ko naman. Hindi naman ako manhid. 


Dalawang linggo na ang makalipas simula nung iniiwasan ako ni Lexie. Palagi nalang siyang masungit sakin, lagi nalang akong sinisigawan kada may gagawin akong hindi niya magugustuhan. Kapag kasama naman namin sila Benj, hindi siya ganyan. Palagi siyang nakangiti at nakatawa, pero pagdating sa akin iba ang turing niya.


Hindi na kami palaging sabay mag-review sa bahay, ni hindi niya na nga ako pinapansin sa bahay eh. Kapag naman sa school, hindi narin niya ako palaging pinapansin. Si Patty na yung lagi niyang ka-kwentuhan. Kaya ako, wala na akong ibang makausap kundi sina Benj at Drake. 


Iniisip ko nga kung ano bang mali ang nagawa ko para magtampo si Lexie sa akin ng ganito e'.  Baka mamaya mag nagawa akong hindi niya nagustuhan kaya siya ganyan. Di bale, magsosorry nalang ako, kahit sa totoo lang hindi ko naman talaga alam kung anong kasalanan ko. Nami-miss ko na kasi itong babaeng ito eh.


"Lexie, tara uwi na tayo." sabi ko sa kanya nung uwian na namin. Halos wala nang tao sa room at kaming dalawa nalang ang natira. Sinadya ko siyang sabayan dahil gusto ko siyang kausapin.


"Wala ka bang practice ngayon?" monotonous na sagot niya sa akin.


"Wala, pahinga muna kami sa pagpa-practice, exam week na kasi next week eh."


"Ahh ok, ite-text ko lang si Yaya Judilyn." sabi niya. Napangiti naman ako, at least pumayag siya na magsabay kami. 


"Ahm, wag na. Labas muna tayo saglit bago tayo umuwi. Alam mo na, hang out. Nami-miss ko narin kasi lumabas eh, puro nalang ako practice." napatingin siya sa akin at napairap.


"Eh bakit ako pa yayayain mo? Bakit hindi mo yayain yung pep squad friends mo." sabi niya.


"Eh syempre lagi ko na silang nakakasama, halos araw araw kaming magkakasama tuwing may practice eh. Eh ikaw, bihira nalang kita makasama." sabi ko sa kanya.


"Marami pa akong gagawin, nagr-review ako. Exam na next week, baka bumagsak ako pag hindi ako nakapag-review."


"Sus, ikaw pa ba babagsak? Eh perfect mo nga yung quiz kanina eh." natatawa kong sabi. Kilala ko itong si Lexie, matalino ito kahit hindi nagrereview. 


"Bakit ba napaka-mapilit mo? Eh wala nga ako sa mood lumabas, iba nalang yayain mo." naiiritang sabi niya. "Atsaka pwede ba, tigil tigilan mo ako sa mga pampupuri mo, wag kang plastic."


"Hindi naman kita pinaplastic, totoo naman ang sinabi ko eh." sabi ko.


"Yeah whatever."


"Ano bang nangyayari sayo? Hindi ka naman ganyan dati eh." sabi ko sa kanya.


"Ganito na ako ever since. Baka naman hindi mo lang talaga ako kilala ng lubos." sabi niya habang patuloy paring padabog na pinapasok sa loob ng bag niya yung mga gamit niya.


"Lexie, may nagawa ba ako? Bakit ka ba ganyan sa akin?" napatigil siya sa ginagawa niya at tumingin sakin. Para siyang natigilan. Ewan ko kung bakit.


Lexie's POV


  "Lexie, may nagawa ba ako? Bakit ka ba ganyan sa akin?" natigilan ako sa ginagawa ko at tinignan ko siya. Bakas na bakas sa mukha ni Shirley ang pagtataka. Siguro frustrated na frustrated na siya sa sarili niya kasi hindi niya alam ang nagawa niya.


Maski nga ako napatanong din sa sarili ko, ano nga bang nagawa ni Shirley at ganito nalang bigla ang treatment ko sa kanya. Wala naman diba? Nagsimula to nung nakita ko sila ni Benj na muntik nang maghalikan. Eh kasi naman naiinis lang talaga ako kasi inaway away siya ni Benj tas biglang magiging sila. Nakakainis. Tapos nadagdagan lalo yung inis ko kay Shirley sa tuwing pinapansin ni Yaya Judilyn yung mga achievements niya. Sa paningin niya, ang galing galing ni Shirley, maski yung maliliit na achievements ni Shirley napapansin niya, samantalang ako hindi. Nakakainis diba?


Parang palagi nalang akong naikukumpara sa kanya. At sa tuwing nangyayari yun, laging ako yung talo. Laging si Shirley yung magaling.


Pero hindi niya naman kasalanan yun. Alam ko namang hindi niya ginusto yun dahil sa tagal din naming nagsama nitong si Shirley, kahit kailan hindi niya ipinagmalaki o ipinagmayabang yun sa akin. Para sa kanya nga ako pa yung mas magaling e, kahit ang totoo ay hindi niya alam kung gaano siya mas angat kaysa sakin.


I felt guilt rush all over me. Nagagalit ako sa kanya sa dahilang hindi niya naman kasalanan. Napaka-insecure ko talaga.


"I'm sorry, wala lang ako sa mood. I didn't mean to lash it out on you." sabi ko sa kanya. Kailangan tigilan ko na yung pag-iisip ko ng masama kay Shirley. We are not in a competition, at kahit kailan hindi ko naramdamang tinuring niya akong karibal sa kahit anong bagay. Dapat ganun din ako sa kanya. Tinuring niya ako bilang kaibigan at kapatid, I should treat her the same. She doesn't deserve my treatment. 


"Ok lang yun, meron ka siguro no?" pagbibiro niya kaya bahagya naman akong napangiti.


"I'm sorry kung naging masungit ako sayo these past few weeks, tinopak lang siguro ako. Hindi ko rin alam kung anong nangyari sa akin." sabi ko sa kanya and I pulled her into a hug. Ibinalik niya naman ito sabay bulong ng, "Na-miss kita. Ang pabebe mo kasi eh." at sabay kaming tumawa ng malakas.


Pero habang kayakap ko si Shirley, mas napansin akong isang lalaking nakatayo sa labas ng pintuan ng classroom namin. He's smiling at me. What the hell is he doing here?


---

Mabuti naman at ok na sila. Hindi lang naman si Shirley yung nakakapansin sa inaasal sa kanya ni Lexie eh. Maski kami ni Drake nahahalata yun. Kaya nga after ng Friday classes namin, nagstay pa ako sa labas ng room, balak ko kasi sanang kausapin si Lexie at tanungin siya kung anong problema niya. Pero naunahan na ako ni Shirley, and I'm glad na nagkaayos na sila. Hayy, mahahati na naman ang oras sa akin ng bestfriend ko. Paano, nagkaayos na sila nung isa niya pang bestfriend. Pero mas ok na yun, para mas masaya na ang barkada. -Benj

---


Hi readers! Happy 2016! :* Omg, first update ko ito this year. Sorry kung medyo natatagalan ako sa update ha? Anyway kung meron pa ako natitirang kahit katiting na readers? Please, magparamdam naman kayo, kaway kaway sa mga silent jan. I have an important announcement.


Pwede bang gumawa tayo ng group sa fb? Gusto ko lang kasi kayong makilala lahat. :) Kung pwede lang naman? Wala kasing group group dito sa wattpad e, sayang. Anyway, na-miss ko kasing mag-update. Tsaka abangan niyo yung next chapters, may magkakagustuhan na, pero secret muna kung sino. :D




LuvU Too :">> (NashLene/JaiLene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon