"sai? akala ko ba may pasok ka bat kanina kapa naka hilata dyan? si sol kanina pa umalis, afternoon class ako kaya mamaya pa ang alis ko." Kinalabit ako ni syvil kaya napa tingin ako sakanya.
Tinatamad akong gumalaw, gusto kung mag pa buhos ng malamig na tubig para bumangon na ako sa kinakahigaan ko, ano bang problema sakin ngayon?
Hindi pa naman dumating yung buwan ng dalaw ko pero mukha akong moody at tamad gumalaw!
"Ayoko pumasok ngayon sy, tinatamad ako, at tsaka kapag pumasok naman ako puro vacant yung subject, tinatamad lang lalo ako" Umayos ako sa pag kaka upo ko sa couch at yumuko tsaka pinag laruan ang daliri ko.
"Wala ka bang afternoon class?" Umiling ako at hinintay ang sagot nya.
'May plano nanaman to, alam ko' "Then, let's have a drink, mamaya skip ko nalang last subject ko then hintayin nyo ko rito sabay tayong umalis? ano sama ka?"'Sabi na eh!'
Ayoko tumanggi dahil alam kung hindi nya nanaman ako papansinin, tumingin nalang ako sakanya at tumango kaya makikita mo talaga ang saya sa mukha ng hayop.
Hindi talaga sya mabubuhay pag hindi sya naka inom kahit isang araw lang, kaya nga kahit hindi na sya mag tanong samin dahil hindi naman kami makakatanggi.
Tumayo sya sa tabi ko at sinabing maliligo na dahil may meet nanaman sya sa bagong ka m.u nya, itong mga ka m.u nya mukhang mga underwear na araw-araw dapat palitan, kahapon ay ibang lalaki ang nakilala namin ngayon naman ay hindi ko nanaman kilala.
Habang nag mumuni-muni ako ay sumigaw agad si syvil mula sa banyo tumayo ako at inabot sa kanya ang pinapapakuha nya, hindi pa ako nakabalik sa upuan ko ng mag vibrate ang cellphone ni syvil na nasa tabi ng coffee table, kinuha ko yun at tinignan.
Caleb:
— hey, sy im at the green leaf café now, where are u?'wth sa dami ng lalaki, si caleb? si caleb pa?'
Ito ba yung i m-meet nyang ka m.u nya? caleb was my highschool friend, ang pag ka alala ko naging happy crush ko to dati, tas hindi lang happy crush na hulog na rin ako dito, god ang liit nga naman ng mundo na ngayon ay ka m.u na sya ng makati kung pinsan.
"Huy!? Anong ginagawa mo sa cellphone ko, ng babasa ka ng mga conversation noh? ano ok ba? reto kita sa isa sa kanila, gusto mo? mga pogi yan HAHAHAHA." Tinarayan ko si syvil ng gulatin nya ako pag labas nya ng banyo, nilapag ko ang cellphone nya at hinarap sya.
"Reto? eh galing rin sa reto yan si leo, nag tagal ba? hindi na ako interesado sa mga reto² na yan, hindi naman nag tatagal." Natawa nalang sya at kinuha ang cellphone nya tsaka pumasok sa kwarto nya para mag bihis.
Nag lakad ako papunta sa library ko at nag hanap ng mga librong pwede kung mabasa dun, habang nag hahanap ako ay na agaw ng atensyon ko ang isang makapal na libro at kulay lila ito.
'When the sky surrenders to the wind, ang haba naman ng tittle nito'
Umupo ako sa study table ko at binuklat iyon, written by 'yourseptemberlove' weird ng codename.
isinunalat nya ito nung november 16 2020 at tapos nya at na i published worldwide nung november 16 2022.
'grabe, isang taon nya sinulat to, hindi ba sya tinamad'
Ang sabi pa dito sa before you read note ay napaka halaga daw sakanya ang unang araw ng septyembre at ika labing-anim na araw ng nobyembre.
—September 1: nung nakatagpo ako ng lalaking mamahalin ko at inakalang kung sya na.
—November 16: nung ipagpalit nya ako sa mas maganda at malapit sakanyang babae.
So, it means september 1 ng maging sila ng boyfriend nya at november 16 naman ng hiwalayan nya ito, so bali base in a true story to?
'kaya pala yourseptemberlove ang codename nya, ang husay naman ng manunulat na to'
binasa ko pa muna ang ilang nakasulat dun at sinabe rin dito sa libro na dalawang taon naging mag kasintahan ang dalawa.
ng ibuklat ko ito ulit sa isang pahina ay naubo ako dahil sa dami ng alikabok kaya pinagpag ko muna ito sa ilalim ng mesa at tinignan, nag taka ako dahil may tatlong blank thumb marks ang nandun, wala pang hurma ng mga thumb marks doon at sinabi dito na kailangan may tatlong thumb marks ang maidikit dito at sabay sasabihin ang title ng libro.
binuklat ko pa ilang pahina pero wala ni isang mga sulat o guhit doon, tinawagan ko agad sina syvil at solana para pumunta sakin bakasakaling pwede ang mga thumb marks nila dito.
napaka misteryuso naman ng libro na to, dapat ko pang pag hirapan para malaman ang storya nila.
maya² habang sinusuri ko ang kabuohan ng libro ay dumating na ang dalawa at pumunta ka agad sakin.
"Ang cheap mo naman saika nag babasa ka pa ng ganyan kaluma'ng mga libro? Inaalikabok na nga oh" Bungad sakin ni syvil ng makita ang libro na hinahawakan ko.
"Sandali! san mo nakuha yan saika? Isa yan sa mga sikat na libro dati, na kwento na sakin ng lola ko ang tungkol sa librong yan, si baliryn at lixidus ang dalawang mag kasintahan sa librong iyan, pero napaka delikado nyan saika" Tinignan ko si solana ng nagtatakang tingin at kinuha nya saakin ang libro.
binuklat nya ito sa pinaka huling pahina at nakita kung may sulat pa doon.
—Kung sino man ang tatlong makakalutas ng problema sa librong ito ay magiging isang matagumpay sakanilang pangarap at buhay -baliryn
"See, ang dapat na lutasin sa istoryang ito ay hindi dapat matuloy na hiwalayan ni baliryn si lixidus dahil kapag hiniwalayan ni baliryn si lixidus ay papatayin ni baliryn ang lahat ng pamilya ni lixidus at rexiyan, si rexiyan ang babaeng pinalit ni lixidus kay baliryn." Nag tinginan kami ni syvil at tinignan ulit si solana ng may sasabihin pa sya.
"Hindi madali ang pag lutas ng problema sang librong ito, dahil..." Hinintay lang namin ang sasabihin ni solana at nag umpisa na akong kabahan, "dahil, isa sa atin ang magiging baliryn, isa sa atin ang magiging rexiyan, at isa sa atin magiging pinsan ni baliryn na si krizzilian ang babaeng magiging susi sa problema ng lahat."
"Hindi pa naman nag tagal ang istorya nila dahil 2022 nya natapos ang sulat na yan at 2024 palang naman tayo, wala naman sigurong masama kung susubukan nating ilutas ang problema nila at wala naman sigurong mga kastila at espanyol na mag aaway sa harapan natin at madamay tayo noh, wala na rin naman ang mga iyan nung taong 2020" Mahabang salita ni syvil, tama nga ang sinabi nya wala naman sigurong mawawala samin kung susubukan naming ilutas ang problema nina baliryn at lixidus.
"Kapag sana sinubukan natin to kahit sino satin ang magiging, baliryn, rexiyan at magiging krizzilian ay hindi tayo mag aaway away ha! pangako nyo to" Naiiyak na sabi ko at niyakap muna sila.
"Kapag ako talaga ang magiging baliryn at ikaw naman si rexiyan saika talagang sasabunutan talaga kita! ay baka hindi naman pala pogi ang lixidus na yun diba?" Natawa kaming tatlo sa biro ni syvil at hinampas ko pa sya.
"Baka mabait dito sa baliryn, at imposibleng ikaw ang magiging baliryn sa libro noh! asa ka naman!" Pang babara ko naman sakanya.
"Tse! Mapanakit!" Tinarayan ako ni syvil at hindi na ako pinansin kaya natawa nalang ako.
"Let's try girls." Si solana na ngayon ang nag salita dahil sya ang mas nakakaalam ay nag pasya kami'ng ilagay ang mga hinlalaki ng aming mga daliri sa libro at nag tinginan.
"Tangina naman saika, ikaw ang basa nyan kanina anong ng gagawin?" Buyayaw ni syvil saakin.
"Ang sabi dyan sa libro ay pag nalapat na natin ang mga daliri natin sa thumb marks ay sabay sabay nati'ng ibigkas ang title ng libro, when the sky surrenders to the wind." Paliwanag ko kaya umayos naman sila ng tayo at suminghap muna ng hangin bago namin i bigkas ang pamagat ng libro.
"WHEN THE SKY SURRENDERS TO THE WIND!!" Sabay nami'ng sigaw at bigla nalang lumiwanag ng kulay lila ang paligid namin kaya tinakpan namin ang mga mata namin para makaiwas sa ilaw dahil sa sobrang liwanag nito.
To be continued~...