Iminulat ko ang mga mata ko ng maramdaman kung wala ng ilaw, iginala ko ang paningin ko sa paligid kung nasaan ako.

nasa malaking kwarto ako, kulay lila ito lahat may mga picture ng mga korean na sikat noong hindi pa sila nasa ilalim ng pagiging sundalo ang pag kaka alala ko ay bts ang tawag sakanila, malaki ang espasyo ng kwarto at hindi gaya nung sakin sa bahay na naging makitid dahil sa malaki kung library area.

hindi ko alam kung sino ako, si baliryn ba? si rexiyan, o si krizzilian, hindi ko na rin mahanap sina syvil at solana nagising akong nakahiga sa kama at mukhang kakagising lang.

may nakita akong cellphone malapit sa alarm clock ko kaya kinuha ko yun at tinignan.

"Cheap naman, vivo lang ang cellphone nya?" bulong ko at pinindot ito, naka wallpaper din dito ang pitong koreano.

'ito ba ang magiging buhay ko dito magiging isang adik na tagahanga ng pitong koryano?'

buti nalang at walang password ang cellphone ng dalaga kaya na buksan ko ito, pero wala pa akong alam sa mga application at kahit na ano sa cellphone nya kaya ibinalik ko nalang ito ulit kung saan ko nakuha yun.

maya maya habang tinutupi ko ang mga pinaghigaan ko ay may tumawag sakin sa labas.

"baliryn! nasa labas na si lixidus, ang sabi ay may lakad daw kayo" kinabahan ako dun dahil nalaman kung ako ang natungo sa buhay ni baliryn, at akong magiging mas mahirap at malaki ang papel sa panahon na ito.

sino naman ang tumawag sakin, wala pa akong kilala ni isa sa bahay na to, sana lang ay isipin nilang nababaliw na ako kapag nag sabi ako ng hindi tama sakanila.

"B-bababa na rin ako maya maya, maliligo lang ako." Hindi ko talaga alam lung anong sasabihin ko, dumeretso nalang ako sa banyo at naligo, pag labas ko ay nag palit nalang ako ng pang alis na damit, puro labas kaluluwa ang mga damit no baliryn dito, hindi ako sanay, kulang nalang ay mag bra at panty nalang ako kapag lumabas dahil sa mga damit nya.

dahan² akong lumabas sa kwarto ko at sumilip sa baba, nandun ang leading man ng libro, si lixidus, mataas, maputi, at singkit, baka pag ngumiti to ay durog ang mundo, ayos na ayos ang damit at naka ayos rin ang buhok, pogi ah.

ngunit, nanlaki ang mata ko ng makita ko si solana na nakaupo malapit kay lixidus, inig nya sabihin sya si krizzilian?

ng makita nya ako ay agad ko ding nakita ang gulat sa mga mata nya pero hindi nya pinahalata iyon dahil alam nyang nakikita sya ni lixidus, hinawi ko ang kaba ko at bumaba ng dahan dahan sa hagdan.

tumayo agad si lixidus at si solana este krizzilian tsaka sabay na ngumiti sakin, pinag singkitan ako ng mata ni krizzilian at sinabing umayos daw ako ng tayo dahil mukha na akong matutumba kaka titig kay lixidus, amoy na amoy ko pa ang pabango nya hindi ko alam ang pabangong ito dahil sa panahon namin zylacysilver ang pinaka mahal na pabango samin.

"A-ahm, ano ah sandali lang lixidus ah may sasabihin lang ako kay sol- este kay krizzilian, mag hintay ka lang, sandali lang to." Tinignan ko si solana at sinabi sa mata ko na sundan ako at nakuha nya naman agad yun.

Pumunta kami sa dining kung saan malayo kay lixidus, niyakap ko sya agad at inalog.

"g*ga ka beh hindi ko alam kung anong gagawin ko, hindi ko kilala yun, pero pogi yun lang, anong gagawin ko, nasan si syvil?" Natatarantang sambit ko sakanya at normal lang ang reaksyon nya.

"wag pa dalos-dalos ang bunganga mo saika ha! delikado na marinig nya ang mga totoong pangalan natin, buti ka at ako ang kasama mo, si syvil ang delikado ngayon, isa lang ang ibigsabihin dahil wala si syvil dito, sya si rexiyan, ang babaeng magiging ka agaw mo kay lixidus!" Halos mapanganga ako sa harap nya ng marinig ko yun, ibig sabihin kami ni syvil ang gaganap na mag ka away sa librong to?

When the sky surrenders to the windWhere stories live. Discover now