PRC Curving

1.5K 1 0
                                    

May seminar kami dati sa DLSU-Dasma. Andun si Engr. Marcelo...nakwento nia mga bagay bagay about sa board. Isa sa info na nabangit nia is that naguusap usap pala ang mga industries sa Pinas kung ilang numbers lang need nila na Engineers. Kaya nareregulate talaga at yun din ung reason why ang baba ng passing percentage...madami nga papasa eh hindi naman need or konti lang kailangan, parang ganun ung logic. Siguro isang factor na nakaafect dun is ung recent na recession sa US, tinamaan talaga ng husto mga semicon company dito sa Pinas...mass layoff...may nag sara pa nga totally...yung Intel.

Nabangit din nia na may databank pala ng questions ang bawat subjects...random at computer ang pumipili ng mga lalabas na tanong sa exam. Required ang mga examiner na gumawa ng bagong 300 questions kada board exam. Ung mga hindi napiling tanong at ung mga previous pa na taong napupunta sia sa databank. Take note, nagsimula ang multiple choice type ng exam year 1995. Isipin nio nlng gano na karami yun haha!!! (Although hindi na nia binangit ung details about sa databank).

Marami nagsasabi, and I think, malulupet talaga mga ECE nung mga 70's. Manomanong solve, show your solution. May nagkwento nga sakin dati, ganito daw ung mga tipo ng tanong...Draw the block diagram of superheterodyne receiver, Derive Walli's formula haha...mas mahirap parin kasi yun kesa sa multiple choice type of exam na pwedi kang tumama kahit nanghula ka lang.

Diskette daw ang gamit nila sa pagsesave ng mga questions para sa board exam...old school. Inaisolate din ang mga examiners kapag piniprint na yung mga questionnaires para sa board exam...nasa isang room lang sila at may bantay from NBI. Nabangit din nia ang tungkol sa curving.

Meron talagang curving. Si Engr. Marcelo mismo nagexplain nito nuon. Meaning inaadjust nila ang passing scores depende sa average ng scores ng mga kumuha (ang mandated passing scores ay 35/50 for Math and the rest three subjects 70/100). May 2 scenarios dito, una ung delikado....eto ung pag masydong maraming kumuhang magagaling or masydong madali ung exam, tendency is tataas ung passing scores, and kung hindi mo talaga inabot ung 70 percent per subject, mahirap na talagang pumasa kasi they cannot adjust it anymore kasi un na ung ceiling eh. Yung isa naman, eto ung maganda, pag masydo namang mahirap ung exam, or madaming mabababa ang scores, bababa ung passing scores, dito kahit di mo maabot ung 70 percent I think pweding mahatak grades mo....and tingin ko ngyari to sakin sa awa ni God. Hindi naman illegal ung ginagawa nila since ang trabaho tlaga nila is iregulate ung mga papasa, kaya nga ang name nila is Professional Regulation Commission (PRC). Hindi rin kasi pwede na masyado namang maraming pumasa, mawawala na ung worth ng pagiging Electronics Engineer mo, medyo mahabang explanation kung bakit. Si Sir Woodz nagexplain nito (economy side) pero sa simpleng explanation, magiging katulad na natin ang Nursing Profession kung sakali. Ang license number ng ate ko nasa 400 series na or 400XXX...and take note 2007 pa sia pumasa nuon...siguro nasa 500k na sila ngayon...ang dami na talaga nila. Alam naman natin sitwasyon sa kanila, OJT plang nga ikaw pa ang magbabayad sa ospital...san ka naman nakakita nun di ba? Ang liit din ng sweldo nila kasi nga madami sila, "Kung ayaw mo kunin ung trabaho edi wag...kukuha kami ng iba, ang dami nio naman"...ganun yung pinaka logic kung bakit paliit ng paliit yung worth nila. So kahit ang baba ng offer sayo, mapipilitan kang tanggapin nlang kasi wala ka namang choice.

Sa paghatak naman ng grades I think dito pumapasok ung percentages sa bawat subject, 20% sa Math at GEAS and 30% naman sa Elex at EST. Meaning dapat medyo mataas makuha mo na general average. Halimbawa, nagdecide sila na ang passing rate lang for this particular board is 20%. Kunwari 5000 kumuha, so ang papasa is 1000 lang. Now kung hindi mo naabot ung 70% raw scores per subject, and sabihin nating bagsak ka talaga, but pasok ung general average mo sa top 20% ng kumuha, still may chance ka pa ding pumasa. Let's say kunwari 18% palang ang pasado talaga ayon sa 70% raw scores per subject, may 2% pa na space, eto ung chance na kukuha parin sila sa bagask since need nila is 20%. Pinaka mataas ang grades dun sa mga bagask ung mapipili...ganun ung logic.

But, mas maganda na wag ng mag aim sa curving, back up lang sia dapat, Plan B kung baga....para wala ng worries...mas magandang mag aim ng mataas, let say Top 1 or kahit Top 10, para ang mind set mo lagi is mataas, hindi makuntento sa passing lang kasi medyo delikado din un.

Sabi din sa review center, mas magandang KNOW UR ENEMIES! Alam mo dapat mga gusto ng mga examiners, sang buks kumukuha, ano ung favorite nila, and dito na nga pumapasok role ng mga review centers. Medyo nagulat nga ako ng marinig ko to nung sinabi samin..."Ang goal ng mga examiner is ibagsak kayo"...sounds negative nung una, pero tama nga naman kasi nga regulation...hindi pwede lahat papasa...and parang may nabangit pa nga samin nun na may certain amount na nakukuha ang mga examiners per student na maibabagsak nila, 100php ata un kung di ako nagkakamali.

"Beautiful Book" (November 2010 ECE Board Exam Experience)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon